22. Black all day

Start from the beginning
                                    

"Sumagot ka nga ng maayos!"

"Maayos."

"Ano??"

"Oh di ba sabi mo sumagot ako ng 'maayos', ano pa gusto mo?"

Gusto niyang manapak! Gusto niyang manabunot! " Kung ayaw mong sagutin ang tanong ko, bahala ka sa buhay mo. Ayusin mo nalang ang pinapagawa ko sayo."

"Ganyan ka naman eh, puro ka utos, wala ka namang bininigay na kapalit."

"Bakit, sino bang nagpapunta sayo dito? Wag mo kong dramahan, dahil babayaran kita!"

"Talaga? Eh panu kung hindi pera ang gusto kong bayad mula sayo ha?"

Napatitig siya sa mga mata ni Black sa sinabi nito. Bigla kasing sumeryoso ang mga iyon at tila nagkaroon ng malalim na kahulugan ang sinabi nito. Nakatitig din si Black sa kanya. Tila binabasa kung ano ang iniisip niya.

"Wag kang magpaka-bayani alam kong pera lang naman ang habol mo dito." lakas loob niyang turan.

"Akala mo ba talaga yun lang ang gusto ko? May iba pa akong gusto sayo..." walang halong tawa ang boses ni Black. Ang tingin nito'y unti-unting bumaba mula sa mga mata niya papunta sa bibig, sa leeg, at sa kurba ng katawan niyang litaw na litaw sa hapit na blazer at skirt. "....at sa tingin ko malapit ko nang makuha yun."

Pinamulahan siya ng pisngi. Anong pinagsasabi ng lalaking to? " I don't wanna play games with you, Black. Simula ngayon wag kang magpapakita sa harap ko hanggat di ko sinasabi. Unang una sa lahat hindi kita boyfriend, pangalawa hindi tayo magkaibigan. I'm only tolerating your presence here coz I don't have a choice, I have to bear with you until the day is over. You will be well compensated, and you will stay out of my sight after this. You understand?"

Tinawanan lang nito ang sinabi niya. "Tingnan natin, Binibining Virgin." Iniwanan siya nito ng kindat a matamis na ngiti. Gusto niyang sabunutan ang sarili dahil halos malaglag ang puso niya dahil doon.

Pathetic. She was such a pathetic liar, desperately trying to hide her true feelings through her spicy little dialogue na halata namang hindi epektibo kay Black. Masyadong mataas ang bilib nito sa sarili, tingin talaga nito hindi niya ito kayang tiisin.





They were in front of a big table filled with native foods na pinahanda nila ni Candy para sa importanteng mga bisita. Puro tawa at tango lang sila ni Candy, habang si Black ang nagkikipag-usap dito gamit nakakamanghang kaalaman nito ng linggwaheng Espanyol. Pinapaliwanag nito sa mga kliyente kung gawa saan ang mga pagkaing nasa harapan. Kahanga-hanga. Habang pinapakinggan niya ang bawat banyagang salitang lumalabas sa bibig nito para siyang namamagnet palapit dito. Ang sarap sundan ng tingin ang bawat pagbuka nito ng mga labi.

Saan nga kaya ito natuto? Saan ito nag-aral at mukhang mas madami pa itong alam kesa sa kanya? Marami siyang tanong sa pagkatao nito na alam niyang hindi na dapat niya pakialaman dahil wala naman talaga siyang direktang kaugnayan dito. At kapag nagtanong naman siya, siguradong puro kalokohan lang ang isasagot nito. Sa loob ng maikling panahong nagkasama sila, sinasabi ng instinct niya na mag ingat siya kay Black. Dahil kagaya ng pangalan nito, napakadilim ng pagkatao nito, ni hindi niya maaninag totoong iniisip nito.

She had to be very careful.

"Miss Vee, ok ka lang po?" pukaw sa kanya ni Candy.

"Ha?"

Napatingin sa kanya si Black. Tapos bumaba ang tingin nito sa hawak niyang table knife, nahiwa na niya ang daliri niya nang hindi namamalayan.

"Dammit!" he silently cursed. His eyes narrowed on hers.

WANTED PERFECT BOYFRIEND for the lady boss (PUBLISHED under PSICOM)Where stories live. Discover now