CHAPTER EIGHT

Magsimula sa umpisa
                                    

Babalik na sana ako sa room ng makita ko si Oliver dun sa paboritong place nila. Yung Manic Maniac nilang lugar, yung kanila lang daw yon. Kahit nangangatog yung tuhod ko habang lumalapit ako sa kanya, nilakasan ko ang loob ko. Kaya ko nga sya hinahanap diba? Para humingi ng patawad.



"O-Oliver. "-nakatungo akong tinawag sya. Hindi sya tumugon, sinilip ko sya at nambabato lang sya doon tapos nakatingin sa malayo. Ays, napatingin naman ako sa pisnge nya, naalala ko yung sampal ko. Lumapit ako sa kanya pero nagsalita sya bigla.

"Anong ginagawa mo dito?"-ang sungit ng boses nya.

"Pu-pwedeng tu-tumabi?"-tanong ko. As if namang sasagot sya ng oo, galit nga sya diba? Kahit walang permiso nya, umupo ako sa tabi nya. Shet, ang awkward!

Humugot muna ako ng lakas. "So-sorry nga pala kanina. "Hindi sya sumasagot. Nako naman Oliver! Bakit kasi nagpapahard ka pa? Accept mo na lang oh.

"Pagkatapos mo kong sampalin?"salamat sa pangungonsensya Oliver! Isa kang alamat! Urgh!

" Kaya nga nagsosorry na ko diba? Sorry na nga oh. Binaba ko na yung pride ko, humugot pa ako ng lakas sa lupa para sabihin yon sayo. Di ko naman kasi alam na hindi pala ikaw ang nagdikit non. Sorry na nga. "


Tinignan nya ko. "Sabi ko nga sayo, alamin mo muna ang lahat bago ka gumawa ng move. "

"Oo na! Wrong move na yung ginawa ko! Sorry na nga kase."-maya maya tutulo na luha ko. Promise.

"Wala na bang mas sincere pa dyan? "-nakatingin lang sya sa malayo at nagmamayabang. Tss, sabi na e.

" Ano pa bang gusto mong paghingi ng sorry? Ganito? "-ginawa kong chipmunks yung boses ko.

" Sorry Oliver Gonales. Please patawarin mo na ko. "-nakita ko namang pinipigil nyang tumawa. Bad talaga nito! Pinaglalaruan ako.

"Ayoko nyan! "-aba, sinusulit ha.

" Oh eh pano? Ganito?"-nagpuppy eyes ako sa kanya tapos pa-princess yung boses. "Oliver Gonzales, sorry na oh. Patawad. Sorry. "

" Hahahahahahahaha. Okay, apology accepted. "-tumawa pa sya. Tss, lakas ng trip. Kung hindi nga lang ako nakonsensya hindi ko to gagawin! -_-

"Yey! Salamat!"-sabiko, napatalon pa ako.

"Pero hindi ibig sabihin nyan e titigil na ako sa pang-aasar sayo ha. "-sabinya.

" Ha! Ang daya naman! "-hinampas ko sya sa braso.

" Aba, syempre in-accept ko lang yung apology mo, hindi ko sinabing ititigil kona yung pang-aasar ko at pagganti ko."

Sinamaan ko sya ng tingin. Napakasama ng ugali nya! Nakakainis. Inlove na sanaulit ako kaso nabawasan na naman yung 100% ng 2%. Oliver Gonales is a jerk. Sobra.

*Kinabukasan*

PE pala namin ngayong araw. Hinanda ko na yung gagamitin kong pam-PE, mamaya ko na lang sya susuutin kapag kaorasan na, binabanas kasi ako sa pam-PE e.

Nakalipas na ng dalawang araw yung pagsapak ko kay Oliver at yung paghingi ko ng sorry sa kanya. Naganutan ko na din yung mga babaeng nagdikit sakin non. Nang dahil sa kanila, napahiya ako at nakapagsorry ako kay Oliver. Hmp.

Pero ngayon, hindi pa rin nawawala kina Oliver yung pang-aasar nila sakin, pero hindi na katulad nung dati na ipinapahiya ako, ngayon ay inaasar na lang nya ako na may gusto ako sa kanya pero dinidinied ko lagi yon! Ayokong malaman nya.

Pagkatapos kong maghanda, nagpaalam na ako kay Mama. Pumunta na din ako sa school.

Second period pa naman yung PE namin kaya mamaya na lang talaga ako magbibihis.

Hanggang sa room, nakakasalubong ko yung tatlong babaeng nagpahiya sakin, sina Andrea, Trinny at Lea. Parang 3 witch!

" Look girls, ang landi nya talaga. 2 boys pa talaga yung nilalandi nya oh. "-parinig ni Trinny.

" Subukan nya lang namang agawin sakin si Oliver, papatalsikin ko sya dito sa school na to! Subukan nya ako! "-parinig din ni Andrea. Pake ko naman sayong bruhang impakta ka!

" Hays, pati naman si Keith nilalandi nya! Grabe, ang KAPAL ng mukha nya! Ingudngod kaya natin sa pader para numipis! "-ginatungan pa ni Lea. Isa na lang at masusugod ko na tong tatlo.

**

Natapos ang first period, hays, hindi na talaga nawala kina Oliver na asarin ako. Buong isang oras ata kinukulit ako nung tatlo, gusto ko na ngang lumipat ng upo kay Keith kaso hindi pwede, katabi nya si Andrea. -_-

*KRINGGG*KRINGGG*

PE na namin. *_* Excited ako kasi mahilig ako sa volleyball, hayss! ~Ugh.

Nauna na agad ako sa CR para hindi ako maubusan ng cubicle. Baka malate pa ako.

" Lalalalala. ^_^ "

Hinubad ko muna yung palda ko, nakashort naman ako e. Sunod ay yung blouse ko.

Hala, sumabit pa yung isang bitones.

Ibinaba ko muna sa sahig yung bag ko tapos isinabit ko sa pinto yung paldako.Naalis ko na naman yung sabit tapos nahulog naman yung ballpen ko sa sahig.

" Ays ano ba yan! Lalo akong malelate nito! Mamaya na kasi kayo mahulog!"-kinakausap ko ang sarili ko sa CR. Wala namang tao e. Dibale na langkung may ano. . .Ahh, wala wala. Walang multo.

Pagkapulot ko nung ballpen, biglang nawala yung bag ko tsaka yung mga nakasabitna uniform ko sa pinto, may napansin din akong tumakbo papalabas.

" Hoy yung gamit ko!!!!!!!! "-gusto ko syang habulin kaso nakasandoat short namaikli lang ako. At ang mas malala, nakaspongebob pa akong short, ehano ba sa kanila? Favorite kong cartoon character si Spongebob e.

Shett, nakalagay pa naman sa bag ko yung pamPE tapos yung blouse at palda kokinuha din. Huhuhuhu.

**

Halos ilang minuto na akong nakaupo dun sa sulok ng CR. Wala pa ring nagbabalikng gamit ko. Kapag naman may estudyanteng magCCR, nagtatago ako sa cubicle.

Hindi naman pwedeng dito na lang ako forever. Hindi ko na din maaabutan yungpaglalaro namin! Napakawalang puso kasi nung kumuha ng uniform at gamit ko e!Huhuhuhu.

Paano na ko ngayon? Hihintayin ko ba na maubos at umuwi ang mga tao dito? Ehpano na lang kung isarado ni manong guard yung gate? Hala, ayokong mastrandedat matulog sa CR, nakakatakot pa naman dito. Baka may multo. Waaa. Ayoko na.Iiyak na talaga ako!     

Hi Chat Love On - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon