CHAPTER 2: Split World

Start from the beginning
                                    

Maaari 'kong gawin 'yun, pero hindi ba't manhid ang puso ng nilalang na ito at tila hindi nakakaramdam ng biglaang pagibig? Ilang beses ko na itong napatunayan. Haaay... Saka na lamang ang bagay na ito, kapag- kapag napagkita ko na sila.

At ang magiging tulay sa pagkikita ng dalawang gwapong nilalang na ito ay ang babaeng kapatid nitong si Kenjie na isa rin sa biktima ng aking mahiwagang pana. Hihihihi!

Kenjie's POV

"Binabalaan kita, Marino! Nais kong pakawalan mo ang aking prinsesa ng hindi gumagamit ng dahas 'yan ay kung gusto mo pang mabuhay sa mundong ito!"

Kagat-kagat ni Cytel ang unan na halatang nagpipigil ng kilig habang binabanggit nitong Phillip daw ang line niya.

Ang amo ng boses niya ah...

Phillip's POV

What will i expect in a uncommon life like what actor like me have now? Naglalakihang cameras ang tanaw palaging may inilalagay sa mukha at katawan mong kung anu-anong abubot, na katawa-tawa talaga kung minsan lalo na't semi fantasy ang new series ko. Palaging nasa set, binibihisan, minemakeup-an, tatapatan ng camera at ia-acting ang kinabisang script at uulitin ulit ang pagbibihis, what else? A cycle. What a productive life! Nakakapagod umarte. Nakakasawa na!

Katulad ngayon, bibihisan ako at pagmumukhaing parang street children.

"Ako pala ang mag-aayos sa napakagwapong si Phillip, ha?" Pagpaparinig ng baklang make up artist. It's Dante, his name.

Nakatiger-look lang ako at nakatingin sa kawalan.

"Oh, badtrip yata ang gwapong prinsipe?"

Tiningnan ko siya ng masama. "What a talkative gay."

Itinaas niya ang kamay niya and acted that he's arrested. "Oh, chill Phill! Mataas naman rating ha, pero bakit parang badtrip? And remind ko lang... Airing ngayon ang Almost a prince Love Story pero Bakit 'di nanunuod Phill? You know, Mataas palagi ang rating and..." Siningkitan niya ako ng mata. "Trending always worldwide ang show 4th Spot at Phill, trending ka Nationwide!"

Sumabat naman ang umiinom ng juice na si Mom. "Seriously. Dante? Teka, what's new on that? Palagi namang trending ang anak ko, right? Sa gwapo ba naman nito! At malamang, ang fan girls niya ang nagpapatrend sa kaniya araw-araw!" Tiningnan niya ako at pasimple sanang bubulong pero inunahan ko na siya.

"Alam ko na Mom kung ano ang sasabihin niyo eh, you will remind me that i badly need to taking care at my career, it's it, right?"

Sumipsip ulit siya ng juice. "Y-yeah! Hats off in you, dear!"

"Unli, mom!"

Napa-face palm na lang ako. She's obsess about my career. Gusto niya ako lang ang sikat, ako lang ako lang ako lang. She's an actress, siya ang pinakasikat na aktress nung panahon niya. At nasa tiyan pa lang niya ako, artista na ako- palagi niyang sinasabi na nasa tiyan pa lang daw ako hinihintay na ako ng naglalakihang camera kaya sa mura kong edad, artista na ako. And now i'm already 16, senior highschool na ako sa pasukan. My dad, ok, my dad is not an actor but he's a licensed Doctor.

"Hi, Phillip! Tawag ka nga pala ni Direk!" It's Amanda, my leading lady dito sa soap.

Pinandilatan ako ni Mom, she wants me to entertain this girl dahil sa bukod sa napakaganda ni Amanda ay sobrang yaman pa nito. Her family is so close to us, especially my mom that  loves her best friend so much which is mom ni Amanda.

"Phill... Amanda... Enjoy yourself sa scene mamaya, ha? ENTERTAIN your Director! Make them enough."

Pinagdiinan pa niya sa "Entertain"!

Bagsak ang balikat na sumunod ako kay Amanda.

"Hello, Phill... Trending ka ulit, huh?" Nakangiting sabi niya habang naglalakad kami papunta kay Direk.

"Yeah. Dante told me."

"Ang galing mo kasi umarte at... Sobrang gwapo at charm mo! Dalang dala mo 'yong show!"

"Ahh." Sagot ko na lang. Tinatamad talaga ako kausap 'to, ewan ko ba. Dahil siguro sa ganda niyang nakakasawa.

"Ahh? Tsk! What do you mean by that?"

"I didn't mean anything."

"Parang wala kang gana palagi! Ano bang mali sa'kin, ha? Bakit 'di mo ko pinapansin, panget ba ako para sa'yo? Tsk! alam mo para kang tanga na palagi akong balewalain, alam mo ba na ang dami daming--"

"Sorry Amanda. Please try to understand me."

Itinirik pa niya ang mga mata niya. "Palibhasa sobrang sikat mo! Million fans eh... Kaya nabubulag ka na! And now, you can't see how pretty i am!  Geez!"

Tiningnan ko siya ng masama. "You please Amanda! Tsk!" At inunahan ko na siyang maglakad.

Cupid's POV

Nararamdaman ko ang pagkasawa niya sa trabaho niya, ha? pagibig ang sagot para sa isang makulay na mundo...

Ayaw mo sa magaganda? Ipapaubaya kita Phillip sa kapwa mo gwapo... Hihihi! Lipaaaad!"


*Kinabukasan*

Kenjie's POV

"Catch me guys at SM Sta. Mesa, this saturday 4PM! I'm with the cast of 'Almost a Prince Love Story' i will wait you guys there! Love lots!"

Naririnig ko ang lakas ng TV habang nandidito ako ngayon sa kusina, naguurong. Pagkatapos na pagkatapos ng narinig kong boses ay ang pagsigaw naman ni Cytel ang umalingawngaw.

"NAKAKAINIS! NAKAKAINIS! NAKAKAINIS NAMAN TALAGA!"

Nagpunas ako ng kamay at sinilip siya. "Cy, Bakit?"

"Kuya... Si Phillip, yung poging artista? nandun siya mamaya sa SM, kuya..."

"Oh, talaga? Tapos?"

"Ang sakit ng paa ko, kuya... Ngayon pa..."

Kinunutan ko siya ng noo. Parang nagpapuppy eyes kasi siya eh, kilala ko na 'tong kapatid ko. "Oh, ano gagawin ko ha?"

"Ano lang, punta ka dun mamaya kuya sa SM, papirmahan mo 'yong picture niya na meron ako... Please please please. Malapit lang naman, eh. Please... Kuya..." Pamimilit niya.

Te-teka, ako?? Huhu! Makatanggi naman kaya ako dito?


To be continued.....

Cupid's Arrow (BROMANCE STORY)Where stories live. Discover now