"Oo. Sobrang na-enjoy ko yung pagsabunot nila sakin! Ang saya nga, muntik na akong mamatay!" -galit na galit akong in-enter yon.


"Oww really? Di lang yan ang aabutin mo. Goodnight." reply ni Oliver. Waaaaaa! Bwiset! Bwiset! Bwiset! Sa sobrang inis ko, binato ko yung mga unan ko, mas lalo pa akong nainis kasi ang dami kong lilinisin! Argh! Malas!

―Oliver Gonzales―


✉ ✉



Nasa bar kami nina Patrick at Deniel ng mga oras na ito. Trip namin tuwing tuesday and friday ay may bonding kami. Tinapik ako ni Patrick.

"Petmalu ka Dre, nahalikan mo agad si Ashfaith. Lakas mo!" -sabi ni Patrick.

Nginisian ko lang sya at itinuloy ko ang paglagok sa bote. "For sure, ibabash na naman si Ash tulad nung nangyari kay Chloe na hinalikan mo din—The girl you loved." -ani Deniel. Uupakan ko sana si Deniel pero pinigilan ako ni Patrick.

"Subukan mong banggitin ulit ang pangalan nya, malilintikan ka sakin!"
-tumayo ako at binasag ang isang bote ng beer tapos umalis na. Kinuha ko agad ang susi sa bulsa ko at pinaandar na ang motor.

Ayokong pinag-uusapan si Chloe. Totoo naman ang sinabi ni Deniel, mahal ko si Chloe, pero dati yon. Past is past at ayoko ng ibalik.

Nakarating agad ako ng 8:47 samin. Napaaga tuloy ako ng uwi dahil sa gagong si Deniel. Tsk. Pagkatapos kong maligo ay pumunta na ako sa kwarto ko para magpahinga. Hindi pa ako inaantok kaya nagfacebook muna ako. Walang magawa. Nakakabored.

Tutal, wala naman akong ginagawa, tri-ny kong i-stalk ang facebook timeline ni Ash. Tinignan ko lang ang DP nya.

Seryoso? Nagpipicture sya ng ganyan? Nakalipstick na pula? Based in her black dress and in her cap, nagmukha syang black witch. Pero okay na din, she looks cute. Naisipan kong pagtripan ang profile nya kaya nagcomment ako.

"What a black scary witch! Hahahaha. Witch ka na pala ngayon Ash. Nice DP by the way. " Tapos ini-enter ko na. Napatawa pa ako habang tinitignan ko yung comment ko.

Ini-scroll down ko pa yung timeline nya. May nakita akong kakaiba. Parang patama sakin.

Lakas ng loob ipost ah. Hahahaha. Ikaw ang lagot sakin Ms. Ashfaith. Inalis pa nya ang mga vowels sa pangalan ko. Nice, palaban ka pala Ash. Ipagpatuloy mo lang yan.

Napangisi lang ako. Hindi ako papatalo kaya nagpost din ako. Itatag ko pa sana kaso tinamad akong magtype ng pangalan nya.

―Ashfaith Hernandez―


✉ ✉ ✉


Hindi talaga ako pinatulog ng hayop. Ayoko sanang pumasok dahil inaantok pa ako, ngayon pa kung kelan umaga na. Humarap ako sa salamin. Shit!

"Waaaaaa!" -nagulat ako sa itsura ko. Di ko kinayang tignan.

Nangitim tuloy yung ibaba ng mata ko.—Sabi ko na nga ba, magmumukha nga akong zombie nito. Buti na lang at may nagawa ako kagabi, nagpost ako ng patama kay Oliver. Hindi ko naman sya siniraan, pinagbantaan ko lang sya. Oy- kahit na babae lang ako, gaganti pa rin ako no, hindi naman ako basta papatalo lang. Pinanganak ako ng mama ko na mabait—okay correction ehem ehem—pinalaki ako ng mama ko na hindi nagpapatalo at pinalaki nya ako ng matapang. Kaya ko naman si Oliver e, kung hindi nga lang sya famous at gwapo. Nakakainis kasi gwapo sya. Putcha! Kung hindi ko nga lang sya crush baka najumbags ko na yon.

Kinatok ni Mama ang pinto. "Ma, pasok po." -sabi ko.

"Maligo ka na, mainit na yung tubig." -sabi ni Mama habang nilalagay yung uniform ko sa kabinet.

"Ma, pwedeng umabsent ako ngayon?"

"At bakit ka naman aabsent?" -napakunot ang noo ni Mama.

"Ma, nag-e-LBM pa ako." -palusot ko kay Mama. Ayoko talagang pumasok.

"Hay nako, sige na nga. Mamaya bumili ka ng gamot tapos linisan mo yang kwarto mo. Aalis ako mamaya, mamimili pa ako ng mga delata."-sabi ni Mama. Kaya ayokong maiiwan sa bahay e, ayokong maglinis. Nakakainis.

"Opo Ma." Tapos non ay humiga na ako sa kama at nagkunwaring masakit talaga ang puwit ko.

✉ ✉ ✉

Pagkalabas ni Mama sa kwarto ko, inilock ko na agad ang pinto at kinuha ang laptop sa study table. Naka-indian sit pa ako sa kama. In-open ko agad yung facebook ko para makita kung sino ang magiging kakampi ko sa pagbabash kay Oliver. Hahahahahaha. Excited na ako.

Napakunot ang noo ko nang makita ko na madami pa yung 'angry' kesa sa likes. Putapete, ako pa ata ang nabash. Pshh. Ini-scroll ko lang ng ini-scroll yung mga post ng mga friends ko sa facebook. Nakita ko agad yung pangalan ni Oliver, parang ayoko ng ibaba. Nag-iinit na naman ang tenga ko. Pero dahil na-curious ako, syempre ibinaba ko pa rin.

"She did not know me when I'm angry. Goodluck to you."

Ano na namang kahibangan yan Oliver? Sari-sari ka na. Tsss. Pero, ganon ba talaga sya gumanti? Kahit babae papahirapan nya? So what? "What ever!"-nagsway pa ko ng buhok pagkasabi ko non.

Magcocomment sana ako kaso, wag na lang, i-chachat ko na lang. Tsss. Hinanap ko sa online friends ang pangalan ni Oliver. Online sya mga besh.

["Hi! Pakyu po."] -wala akong pake kung ipost nya ulit. Lalaban na si Abo! Go Abo!

Oliver is typing. . .

["Ang bagal! Grabe! Wag ka na nga magreply, natatae ako!"]-sobrang sakit na ng tiyan ko sa kakatawa. Hinahampas ko na yung unan na katabi ko. Mukha na akong sabog with matching black under eye pa. Bwisit na Oliver yan!

Oliver is typing. . .

Aba't nagtatype pa rin! Oh go! Kaya mo yan. "Hintayin mo ko.Wag mong bubuksan ang pinto nyo ha. "-last chat nya tapos naglog out na sya. Napatigil ako sa kakatawa. *Gulp* ["Wag mong bubuksan ang pinto nyo ha."]



Hi Chat Love On - CompletedWhere stories live. Discover now