"Naku! Ang layu-layo ng Batangas, bebe gurl! Bakit kasi ngayon ka lang nagising?" sermon nito sa kanya habang tinutulungan siyang patuyuin ang kanyang buhok. Naka-bathrobe pa siya at may nakapasak na toothbrush sa bibig.

Dinaganan niya ang maleta niya at sinarado ang zipper. Nang matapos ang personal assistant niyang si Gemma sa pagbi-braid ng buhok niya ay itinuloy na niya ang pagtu-toothbrush. Mabilisan siyang nagbihis at agad na bumaba.

Napatili siya nang biglang bumungad sa kanya ang mukha ni Thiago pagkalabas na pagkalabas sa mansyon. Malakas na halakhak naman ng Lolo niya ang narinig niya. Nasa tabi pala ito ni Thiago at napahawak pa ito sa tiyan sa sobrang tawa.

Sinamaan niya ng tingin ang tatawa tawang si Thiago. "What are you doing here this early?" mag-aalas sais pa lang ng umaga. Ang ipinagtataka niya ay naka-casual clothes lang ito. At mukhang bagong gising lang din at kakaligo lang at fresh na fresh ang aura nito.

"I'm coming with you." simpleng tugon nito.

Tinaasan niya ito ng kilay. "It'll be a two day shoot. Do you have extra clothes with you?"

Nagkibit-balikat ito. "Bibili na lang ako. Di naman ako nainform. Tara na at baka malate ka pa. Sa Batangas pa raw ang shoot niyo sabi ni Gemma." napaatras siya nang muli siya nitong balingan. "I forgot my morning kiss." he gently kissed her on the cheek. "Mornings have never been this perfect! Mauna na po kami, Don Hermanto!" bulalas nito habang sumakay sa van na sasakyan niya.

Tulala lang siyang nakatitig rito habang kumportable itong nakaupo sa backseat. Mahinang siniko siya ng Lolo niya. "Po?"

"Aba't yakapin mo man lang ako bago ka umalis. Dumating lang ang kasintahan mo ay nakalimutan mo na ang macho gwapito mong Lolo." nakangising kinurot nito ang pisngi niya.

Natawa siya at niyakap ito ng mahigpit. "Babalik din ako agad, Lolo. Wag ka nang magdrama ala telenobela diyan. Hindi bagay sa kagwapuhan mo. Mauna na po kami at baka malate na ako nang tuluyan. Bye, 'Lo! Don't forget to take your meds." paalala niya pa rito.

"Opo, madame Venus!" itinulak na siya nito papunta sa van. "Humayo na kayo at magpakarami! Este humayo na kayo at magpakarami ng pictures. Send niyo sa email ko." pahabol pa nito.

Thiago offered out his hand to her. "Let's go! Your mom and dad is already waiting for you. They arrived there last night."

She shook her head and grabbed his hand. Inalalayan siya nitong makapasok sa van. Puro gamit kasi niya ang laman niyon. Umupo siya sa tabi nito at agad naman siya nitong hinapit sa baywang at inihilig ang ulo niya sa dibdib nito. "I'll wake you up when we get there. Matulog ka na muna. It's too early." napahikab pang sambit nito.

"Mag-iingat kayo!" malakas na sigaw ng Lolo niya habang kumakaway sa kanila.

"Don't you have work?" tanong niya rito nang magsimula nang paandarin ni Gemma ang sasakyan at ngayon lang niya napansin si Hansel na tulog na tulog at naghihilik sa passenger seat.

Umiling ito. "I took a leave. Mas mahalaga ka kaysa sa paperworks." hinalikan nito ang tuktok ng ulo niya at nginitian siya. "Good morning, sugar."

Idinantay niya ang isang hita niya sa binti nito at yumakap sa baywang nito. She buried her nose on his neck. This position is too comfy she can't help but drift back to dreamland. Idagdag pa ang masuyong paghaplos nito sa buhok niya at ang mabango nitong pabango na kumikiliti sa ilong niya.

Nagising siya sa mahinang pagyugyog s balikat niya. Mukhang napasarap ang tulog niya. Tiningala niya si Thiago. "Nasaan na tayo? Sino ako? Sino ka? Bakit ka nakayakap ha?" inaantok niyang tanong rito.

He chuckled. "Nandito na tayo. Kakain daw muna tayo bago ang shoot mo. Papunta na raw sa restaurant ang mga magulang mo." napangiti ito nang makitang napapapikit pikit pa siya. Antok na antok pa rin kasi siya. Mag-aala una na sila ng madaling araw nakauwi sa sobrang traffic. "Let's get going, sleepyhead. Bawi ka na lang ng tulog mamaya." pinisil nito ang tungki ng ilong niya.

She crinkled her nose. "Wala naman akong choice." bumababa na siya at nag-unat. Napasimangot siya nang makitang nakangiting pinagmamasdan nanaman siya ni Thiago. "Hindi ako mawawala kaya pwede ba sa iba mo na ibaling yang mata mo." minsan kasi ay naiilang na siya sa pagtitig nito sa kanya. Natatakot kasi siyang mapansin nito na kinikilig siya. Kaya palihim na lang muna.. habang hindi pa bumabalik ang memorya niya.

"Ayoko ngang tumingin sa iba. Ikaw lang ang kasya sa puso ko. Nahiya na nga ang alak at drugs sa lakas ng tama ko sa'yo. Kahit anong sabihin mo hindi pa rin ako lalayo, kasi mahal kita." pinagsalikop nito ang kamay nila at hinatak na siya papasok sa restaurant.

Napangiti siya sa kakornihan nito. Nakaupo na sila nang magsuot ito ng salamin nang hindi makita ang menu. Umupo na rin sa kabilang kabisera nila ang mga magulang niya. Napansin marahil nito na nakatingin siya rito. He looks hella good with his glasses on.

Tumikhim ito at umusod ng kaunti palapit sa kanya. "Tandaan mo.. lumabo man ang mga mata ko, mananatili pa ring malinaw ang pagtingin ko sa'yo." nakangising kinindatan pa siya nito.

Naramdaman niyang namula ang pisngi niya. Kaagad niyang iniwas ang tingin rito at binalingan ang asul na dagat sa labas ng floor to ceiling window ng restaurant. "Akala ko dagat lang ang lumalalim, pati din pala feelings ko sa kanya ganun din." tulalang kausap niya sa sarili.

A/N: I wanna thank Inipit Custard and Bear Brand Choco with a lil bit of Nescafe Classic. Nainspire ako kahit medyo nahury hurt ako dahil nung nag-drive thru kami sa McDo sa may Marikina Sports Complex hindi na available ang favorite kong hot fudge sundae.

Ps: Try niyo yung Bear Brand Choco na may 1/4 na kutsarang Nescafe Classic. Lasang Kopiko 78. Trip ko lang yan pero I swear masarap. Hihi. Enjoy reading! Sorry for the corny hirits ah. Wala kasi ako maisip. Hahaha!

You Are My Destiny (Thiago Jacques Fernandez & Venus Moira Gonzales)Where stories live. Discover now