Chapter 1: Starter

305 27 8
                                    

Zion's POV,

Naglalakad ako patungong eskuwelahan. Normal na araw lang ito sa akin. Lunes. Sa aking paglalakad ay naisip ko yung larong ipinatalastas kagabi sa television. Ano nga ba yun? New Age Online ba yun? Medyo nagandahan lang kasi ako kagabi kaya't susubukan ko rin.

Sa aking pag iisip ay hindi ko napansing nandito na pala ako sa school. Pumasok na ako at dumeretsiyo sa aking silid. Teka, bago ko pa makalimutang magpakilala, ako si Zion Haydn. Medyo uncommon ang apilyedo ko diba? Pang American. Half pilipino, half american kasi ako. Ang mama ko ay pinay at si dad ay americano. Halata naman sa akin, dahil sa reddish kung buhok na kagaya ng kay dad at black kong mata na mana ko kay mama.

Nandito na ako ngayon sa room. Hindi ako 'yung tipikal na bata na maraming kaibigan. Hindi ako ganon, ako yung tipong, silent type person. Madalas rin akong napapa away dahil sa kakaiba raw ako.

Naka upo ako sa aking silya ng dumating na ang aming guro. Isang babae na nasa 20's palang niya. Siya nga ang pinaka batang guro sa eskuwelahan na ito. Hinda lang siya bata, matalino, maganda rin siya. Grade 12 na nga pala ako kung hindi niyo alam. 18 na ako ngayong taon.

"Good Morning Ma'am Marquez!"Sabay sabay na bati ng mga kaklase ko. Tumingin lang si ma'am sa amin at ngumiti at bumati rin ng magandang umaga.

Nagsimula na ang aming unang klase, nakinig lang ako sa itinuturo ni ma'am kahit matagal ko nang alam iyon. Kung hindi niyo kasi naitatanong ay matalino ako. Mabilis lang na lumipas ang oras, first subject, second, third at last subject namin para sa umagan ito.

Papaalis na sana ako ng classroom dahil sa lunch na ng may lumapit sa may upuan ko. Tinignnan ko lang siya ng parang nagtataka.

"Haydn, mamayang uwian may meeting tayo para sa group project. 4 PM yun, wag mong kakalimutann!" Sabi niya. Meeting? Ay Oo nga pala, para sa group project namin sa English.

Ng masabi niya na yun ay tumalikod na siya at papaalis na. Hindi ko na siya pinigilan dahil wala naman akong sasabihin. Hindi ko nga pati alam ang pangalan niya.

Lumabas na ako ng room at dumeretsiyo sa cafeteria. Siguradong punuan nanaman yun. Binilisan ko ang lakad dahil sa baka mahuli na ako at tsaka dahil gutom na gutom na ako.

Ng makarating na ako sa cafeteria, tama nga, puno. Pero nakipagsiksikan ako hangang sa makabili ako ng burger at fries. Ito na kasi ang nakasanayang lunch ko.

Ng nakuha ko na ang aking kailangan ay umalis na agad ako sa mataong lugar na iyon. Pumunta ako sa garden kung saan walang tao at tahimik.

Kinain ko na ang aking tanghalian nang makarating na ako doon, matapos umupo sa damuhan. Ang bango talaga ng halimuyak ng mga magagandang bulaklak dito.

Matapos kong kumain ay pumunta na ulet ako sa classroom. May oras pa bago ang first subject namin sa afternoon class.

Naka upo lang ako sa upuan ko at nakatingin sa paligid. Wala kasi akong kaibigan. Pero ayos lang rin naman, sanay na ako.

Mula noong elementary, dahil sa pagiging iba ko sa kanila, lagi na akong binubully at inaaway. Dahil doon, nagpaturo ako sa aking dad ng self defense at kung papaano makipag laban. Palagi narin akong nag gigym kasama si dad kayat malakas ang pangangatawan ko.

Pero simula noon, kapag inaaway ako, lumalaban na ako kayat ang naging tingin sa akin ng iba ay basagulero. Simula noon, wala nang nakipag kaibigan sa akin.

Iba iba talaga ang mga tao dito sa classroom. Buti nalang at walang nakikipag away sa akin dito.

Ako ay nasa 12-1. Nandito sa room namin ang mga bookworm at matatalino. Halos lahat ng nandito ay sikat at matatalino. Kaso lang wala akong kilala dito, tsaka siguradong hindi rin naman nila ako kilala, I don't care.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 23, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

New Age OnlineWhere stories live. Discover now