2.

21.1K 332 11
                                    

Na realize ko na lang ang katangahan ko ng biglang bumukas yung elevator door. Automatic na naghiwalay ang mga labi namin at pareho kaming napatingin sa bumukas na pinto.

Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. I was still terrified that I had responded with his kiss!

Nanginginig yung mga kamay ko.. pero bakit hindi ako nagsisisi?

He grabbed my hand, pulled me and we got out of the elevator. Marahan ko'ng hinila yung kamay ko mula sa pagkakahawak nya, but his grip is firm. Muli syang naglakad hila hila ang kamay ko.

"Where are we going?" Puno ng kaba ang dibdib ko dahil sa halo halong emosyon.

"To my place. We're not done." Matigas na pagkakasabi nya.

His voice felt like thunder. Authoritative and full of strength.

His apartment is the nearest one in the elevator, at napatingin na rin ako doon dahil doon kamu papunta.

Gulong gulo ang isip ko. I know I should not go with him, na dapat ay dumiretso ako sa apartment namin, pero mas malakas ang hatak ng kagustuhan kong sumama sa kanya.

Pumasok kami sa apartment nya. Hindi na ako nagulat na makalat at amoy pabango ng lalaki ang agad ko'ng naamoy pero nawala rin ang focus ko ng isandal nya ako sa likod ng pinto ng apartment nya at muli ako'ng halikan.

This time, it was more aggressive.

I wanted to stop him, I really do.

But I was enjoying!

Hindi ako magsisinungaling na ilang beses ko rin naisip kung paano nya halikan yung mga babaeng nakakasama nya ditto gabi gabi. Kung paano sila maglambingan at bakit ganoon sila kaingay. It kept me awake for a few nights.

Then he threw me in the couch. Agad ako'ng napahiga at mabilis naman sya'ng sumunod at pumaibabaw sa akin. He started kissing me in the neck. Bawat dampi ng labi nya sa balat ko ay parang may lumiliyab na kung ano sa loob ko. My mind became numb at thinking. He was ravishing my neck like it was the most precious thing on earth.

But a wake up call was made.

Bigla ako'ng nandiri thinking na lahat ng mga babae ni Syd ay humiga na rin sa sofa na iyon.

"Stop." Sabi ko, sabay ng pagtulak ko sa kanya.

He stopped, pulled himself up but his eyebrows furrowed. "What?" He sounded frustrated.

"I-I'm not like them." I said in a low voice. Dapat ay proud ako na hindi ako kasing easy ng mga babae na dinadala nya, pero bakit parang ikinakahiya ko iyon ngayon?

I saw him smirked.. then got up from being on top of me. Tumayo sya at naglabas ng sigarilyo at lighter mula sa bulsa nya.

Dahan dahan ako'ng umupo. Bigla ako'ng nahiya sa sarili ko. We we're just on the elevator a while ago! How come na pumayag ako'ng sumama hanggang sa apartment nya? Ugh! Curse me now!

Tinitingnan ko lang sya habang inaayos ko ang sarili ko.

Naka tatlong hithit buga sya bago sya humarap sa akin.

"I know you're different, sweetie. No need to remind me." And then he smirked.

Umupo sya sa tabi ko at pinatay ang hawak na yosi sa ashtray na nasa table na nasa tapat namin. Agad na kumalat ang amoy ng usok.

Tumayo ako at akmang maglalakad na papunta sa pinto ng magsalita sya.

"I like you, Andrea Angelique." He declared all of a sudden.

It made my heart skipped a beat.

Nilingon ko sya. "What?" He knows my name?

He chuckled then got up. "I like you."

He's A Beautiful MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon