Nagmahal, Nasaktan (One Shot)

172 13 17
                                    

Author's note: Sabi nila, dapat yung story po ay 2000 words but since author's note po ito, technically this is not the start of the story yet. This is my entry for the #munchymarshmallows writing contest and I dedicate this to these ppl: munchymarshmallows, maelowdiiie, Harmonizer12_29, piink_bluee, quirkymerrell. BTW, italicized letters are those that the character is on. Kumbaga present times. Yung ordinary lang, mga nangyari noon.

I hope maisama po ito sa official entry. So here it goes in

1

2

3

Nagmahal, Nasaktan (One Shot)

I'm Krista. Ang babaeng pag napunta na sa'yo 'di mo na sasayangin. Why naman? Because I've got what it takes to be an ideal girlfriend. Pag napunta ako sa'yo wag mo ng papakawalan.

Pero, bakit siya?

Nasa kanya ang puso ko, wala sa iba na nagkakagustong mapunta ako sa kanila pero wala siyang pake.

Hindi niya ako magawang mahalin.

Mahal ko siya, pero hindi niya ako mahal. Ewan ko ba?

Para ba sakanya, hindi ako kamahal-mahal na tao?

Para ba kanya, wala akong halaga?

Hindi ko din maintindihan.

Heto ako, nagmamahal, umaasa. Umaasang darating ang araw na ako naman. Ako naman yung mahalin niya. At ng hindi lang ako yung laging nagmamahal.

Nagpapakatanga na ba ako? Medyo lang naman siguro. Eh bakit?

Sinusundan ko lang naman siya kahit saan siya pumunta ah?

Tinititigan ko lang naman siya mula sa malayo eh.

Pinapadalahan ko lang naman siya ng mga regalo at sulat. Nagpapaka-secret admirer lang ako.

Ginagawaan ko lang naman siya ng projects at assignments eh.

Sabihin niyo nga? Pagpapakatanga ba ang tawag doon?

Sabi ng mga kaibigan ko, wag ko daw sayangin ang sarili ko sa tulad niya.

Bakit? Kasalanan ba magmahal?

Ginagawa ko naman ang lahat para mapansin niya ako. Para mahalin niya ako. Pero bakit parang wala?

Pero...

HINDI.

Hindi ako titigil hanggang hindi siya ang nagsasabi sakin na tama na ang kahibangan ko.

Ayokong sumuko. Baka naman may pag-asa pala? Ayoko lang. Kaya ko pa naman eh.

Kaya ko pang magtiis.

Kaya ko pang masaktan.

Kaya ko pang magmahal.

Nagmahal, NasaktanWhere stories live. Discover now