1.

59K 534 32
                                    

His name is Syd.

Or at least that was what mommy told me.

Kapag may bagong lipat sa floor namin, hindi pwedeng hindi aalamin ni mommy kung sino iyon, bakit lumipat at galing saan. Habit na siguro, since matagal na kami dito sa establishment at isa sa mga pinaka matagal na tenant.

At for security purposes na rin.

He's tall, good looking but very mysterious.

Madalas ko sya makasalubong sa lobby tuwing pauwi na ako galing school. Pero hindi sya nag iisa. Iba't ibang babae ang kasama nya na tila nakukulangan lagi sa tela. Note, iba iba. Three weeks pa lang naman mula ng lumipat sya pero naintriga na ako sa kanya.

Madali lang siguro aminin na gusto ko sya, kaya lang, he's a freaking playboy. A womanizer.

And I hate men who can't just stop collecting women as if mauubusan sila anytime.

At halos gabi gabi ko'ng naririnig ang kalabog at 'ingay' na nagmumula sa apartment nya since katabi lang ng apartment namin yung kanya.

And it's one of those times na hindi ko alam kung swerte o malas ako dahil pauwi na ako at nakasalubong ko na naman sya. Hapit nya sa bewang yung babaeng kasama nya na nakasuot ng mini skirt at hanging blouse na tila tuwang tuwa kahit wala namang nakakatawa.

And there.. our eyes met again.

Hindi ko alam kung guni guni ko lang o totoong nananadya sya ng tingin.. then he would smirk.

Kibit balikat ako'ng sumakay ng elevator.

Hanggang 10th floor and taas ng building, pero rooftop na yung tenth floor kaya bale walong palapag lang ang official na may tig anim na room or apartment. Iba iba kasi ang size, depende kung katabi ka ng elevator or fire exit. Yung first floor naman, yung kalahati is tinitirahan ng may ari at yung kalahati, ginawang mini canteen at mini lobby para sa may mga bisita.

And we're on the 7th floor kaya kailangan talagang naka elevator ako.

Nilabas ko yung susi ko at sinuksok sa seradura bago ko tinula yung pinto.

Pakiramdam ko naka hinga ako ng maluwag ng makapasok at maisara ko na yung pinto. I feel stupid for even thinking na parang may koneksyon kami.

Argh! Stop it, Andrea. You're thinking too much of that womanizer.

Nagbihis ako at nanuod ng tv. Hindi pa ako nakakaramdam ng gutom. Anytime naman, pwede ako'ng mag init ng pagkain sa microwave ng mga leftovers sa ref.

Kaming dalawa lang ni mommy ang magkasama sa buhay. Wala kaming ibang iniisip kaya masasabi ko na maalwan kami sa buhay. Manager sa bangko si mommy. Kahit sobra ang pagka busy nya, may bonding time pa rin kami.

And we're very close. She's still young. She's just 38. She had me when she was just 20. Pinadala sya nila lolo at lola sa America para walang maka alam na nabuntis sya. My father knew it pero hindi nya pinanagutan si mommy so walang choice si mommy kundi sumunod sa parents nya.

But we came back to the Philippines ten years ago ng maaksidente sila lolo at lola. After mailibing ng dalawa, mom decided na mag settle down na kami sa Philippines. Binenta nya lahat ng properties nila lolo at lola pwera ang vacation house sa Boracay then decided na sa apartment na lang kami tumira since we don't need a big house.

So almost ten years na kaming naka tira dito at ngayon lang ako na bother ng ganito.. dahil pa sa isang lalaki na misteryoso at kapit bahay pa namin.

Usually ay past 9pm na nakaka uwi si mommy. Kahit maaga nagsasara ang mga bangko, may kung anu ano pa silang ginagawa sa office. Masaya naman si mommy sa trabaho nya at worth it naman daw kaya hinahayaan ko na lang.

He's A Beautiful MessTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang