Hindi ko rin sya pinipigilan mag saya. She can go out and go home wasted. Malaki na ako. Kung may makilala man syang lalaki na mamahalin nya, bakit ako tututol? Basta maging masaya sya at hindi sya sasaktan.

7pm na ako nakaramdam ng gutom mula pag uwi ko kaninang 5pm. Ininit ko yung natirang apat na slice ng pizza kahapon at yun ang hinapunan ko.. then nakatulog na ako sa sofa.

"Andrea.. Andrea.." Nagising ako ng biglang may yumugyug ng balikat ko.

I opened my eyes and saw mommy's face.

"Ano ka ba naman anak? Bakit sa sofa ka natulog? Iniwan mo pang bukas yung tv." Mommy said, but doesn't sound like she's scolding me. Banayad lang, parang binibilinan lang. Hindi pa ako natataasan ng boses ni mommy. Not that I remember.

Nagkamot ako ng ulo matapos ko bumangon. "Sorry mommy. Hindi ko napansin na nakatulog na ako." Tumayo ako at dinala yung plato na pinaglagyan ko ng pizza slices.

"Pizza lang hinapunan mo?" Parang hindi makapaniwala na tanong ni mommy.

I laughed. "Mommy, okay lang. Tinamad na rin ako mag saing."

"I told you, kumuha na tayo ng katulong."

I rolled my eyeballs. "Mommy naman. Napag usapan na natin to." She kept on insisting na kumuha kami ng katulong para kapag uuwi kami ay wala na kaming gagawin at maka focus ako sa pag aaral. But I told her na kaya naman namin ng walang katulong.

"Alright, alright." Tinaas nya pa yung dalawang kamay nya. "I'll go to my room. Wag ka ng tumambay sa sofa at baka makatulog ka na naman." Bilin nya habang papasok sya sa kwarto nya.

Napailing na lang ako.

Hinugasan ko yung pinagkainan ko at pumasok na ako sa kwarto.

I opened my laptop and immediately browse the internet.

Walang pasok bukas dahil Saturday at since nakatulog din akong halos dalawang oras, automatic na hindi na ako kaagad makakatulog.

Pasado alas dose na ng makarinig na naman ako ng mga 'ingay' sa kabila. I ignored it by putting on my earphones. Grabe ang sex drive nung lalaking yun, iba iba na nga yung babae, kahit ano'ng oras pa!

Hindi naman sa nagmamalinis ako. I did had make out sessions with my two ex boyfriends.. but make out sessions are different from sex. I'm wondering now kung nagpa practice ba sila ng safe sex.

Ugh! Why am I even bothered?

Kinabukasan, ala diyes na ako nagising. I slept past 2am dahil natuwa ako sa pinanuod ko'ng video sa youtube at kausap ko yung kaklase ko sa twitter. Hindi naman ako addict sa mga social networking sites but I update them from time to time since may sarili naman ako'ng laptop at wala naming restrictions si mommy.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko yung note na iniwan ni mommy sa ref. It says maaga sya umalis for company meeting and that she left me some bills kasama nung note. Wala naman ako balak lumabas kaya hinayaan ko lang yung bills na naka magnet sa ref door.

Nag stretching ako bago nagluto ng fried rice at bacon.

Hindi ako sporty na tao pero gusto ko ng gumagalaw katawan ko. I feel odd kapag nakatunganga lang ako so as much as possible, I'm always on the go. Physique ko din ang puhunan ko bilang Tourism student.

I'm on my third year.

At hindi kagaya ng iniisip ng iba, hindi ako nagagandahan sa sarili ko. I mean, hindi ako panget. I just feel ordinary. I'm really not that pretty. Marunong lang ako magdala, I guess.

Kakatapos ko lang maligo ng mag ring ang cellphone ko. It's my bestfriend, Marco. Alam ko kung gaano na ka cliché o ka uso ang magkaroon ng bestfriend na lalaki ngayon kung babae ka.. pero mas cliché ang magkaroon ng bestfriend na bakla.

He's A Beautiful MessWhere stories live. Discover now