"Napangiwi siya, nagseselos! Ayan! Sige! Magsisi ka ngayon!"

"Haha! Nagseselos! Kitang kita sa mukha niya."

Halos magputukan ang ugat ko sa sinasabi nila pero hindi ko na pinatulan. Lalo na tuwing naaalala ko yung cannibal sa movie. Para akong kinikiliti.

Kinurot ko na lang ang sarili ko para mapigilan ang tawa ko. Pero ilang sandali pang paglalakad sa corridor ay namilog ang mga mata ng mga tao sa paligid. May nakita akong nanigas at napamura. May nakita din akong nagtakip ng nakaawang na bibig.

"Ano bang meron at bakit wagad na lang ang reaksyon ng mga ito?"

Siguro may bubuhos na naman ng ihi ng kabayo galing sa likuran. Bago pa ako makalingon ay may naramdaman na akong init sa gilid ko. Halos matalisod ako nang nakitang si Hector iyon na medyo hinihingal pa.

Bahagya akong tumabi. Nilingon niya ako at tumaas ang kilay niya.

"Naligo ka naman siguro ngayon?" Tumawa siya at humakbang palapit sa akin.

Lumayo ulit ako. Parang habang tumatagal ay lalo siyang gumugwapo. Lalo na syempre ngayong clean cut ang ang buhok niya.

Humakbang ulit siya palapit.

"Useless ang paglayo." Ngumisi siya.

"Anong kailangan mo sakin?" Nagpatuloy ako sa paglalakad.

Ngayon, alam ko na kung anong tinitingin tingin ng mga tao. Yung mga babaeng nakakasalubong ko sa hagdan pataas ay dumidikit pa talaga sa dingding para makadaan ako ng maayos.

"Kailangan ba ng kailangan para dumikit sayo?"

Tumigil ako nang nakarating na sa second floor kung saan ang klase ko (na hindi ko kaklase si Hector).

Narinig ko ang pangalan naming dalawa na pinag uusapan sa magkabilang banda ng building. Naririnig ko iyon dahil medyo malakas ang pagkakasabi ng mga tao. Pero itong si Hector, parang walang naririnig kung makatingin sa akin.

"Hector, wa'g mo nga akong bolahin! Hindi tayo magkaklase sa klase ko ngayon. Sa first floor ka diba?"

"O, edi di ka ba pwedeng ihatid?" Ngumisi siya.

Bumuntong hininga ako at napatingin sa mga tao.

Damn it! Nawawala ang mga tao sa paligid namin. Para bang sa sobrang takot nilang madaanan ko sila at ni Hector ay umaalis sila sa vicinity.

"Hector..."

Sabay kaming napalingon ni Hector sa isang lalaking kakaakyat lang sa hagdan. Nakita naming dalawa na hinihingal si Koko sa pagmamadali sa pag akyat. Nakita ko ang pagkuyom ng panga ni Hector.

Shit lang, ha! Ang gwapo niya tuwing nagagalit. Nangangatog ang binti ko. May taong ganito pala? At teka? Bakit siya galit?

"K-Kayo na ba ni Chesca?" Medyo kinakabahang nagtanong si Koko.

"Bakit? May problema ka dun?"

Kumunot ang noo ni Koko, "P-Pero..." Suminghap siya at tinuro ako bago nagsalita, "Kita mo naman ang ginawa niya sakin diba?"

"Kitang kita ko." Matamang sinabi ni Hector.

Napaawang ang bibig ni Koko at napatingin sa akin.

"Kaya nga mas lalo ko siyang nagustuhan."

"HA?" Ginulo ni Koko ang kanyang buhok at marahas akong tinuro turo. "HECTOR! GINAGO AKO NG BABAENG YAN AT NAGUSTUHAN MO IYON!"

Halos ma heart attack ako nang biglang marahas at mabilis na hinawi ni Hector ang kamay ni Koko na nakaturo sa akin.

Nakita kong mas lalong nagalit si Hector. The way his jaw clenched and the way he gripped his fist... nakakalaglag ng panga.

Yes, laglag ang panga ko habang nakatunganga kay Hector habang galit na galit siya. Nag aalab ang apoy sa kanyang mga mata habang napapaatras si Koko.

"Wa'g na wa'g mo siyang maturo turo, Koko. Malinaw ko nang sinabi kahapon, na ako lang... at ako lang... ang makakagalaw sa kanya. Ni pagtuturo, hindi ko pinapahintulot iyon sayo... at kahit kanino."

Malakas niyang tinulak si Koko.

"Anong... ka..." Kumunot ang noo ni Koko.

Dadagdagan niya pa sana iyon pero nang nakita niya ang galit sa mukha ni Hector ay umatras siya at yumuko.

"Sorry, Hector." Bago umalis.

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Where stories live. Discover now