Nanliit ang mga mata niya at umambang may sasabihin pa pero tinalikuran ko na siya at kinawayan.

"Salamat sa pagpapalaba ng uniform ko." Sabay pakita sa malinis at mabango ng uniform. "A-At sa pag papa... uhm... ligo... I mean... gamit ng banyo."

Uminit ang pisngi ko at agad ng pumasok sa gate. Ilang sandali pa bago siya umalis. Sinilip ko siya ng umalis na. At nang tuluyan nang nawala ang sasakyan ay humugot ako ng malalim na hininga at umambang papasok na sana nang bigla akong sinalubong ni Craig at Teddy!

Marahang pumapalakpak si Craig at humahalukipkip naman si Teddy.

"Ate? Naliligo ka na sa bahay ni Hector?"

Kinagat ko ang labi ko. Nakikinig ba sila kanina pa dito?

"Tigilan ninyo ako!" Nilagpasan ko ang nagtatawanan kong pinsan at kapatid.

Alam kong mukhang sinusunod ko ang mga payo nila. At kahit anong paliwanag ko na hindi ko sila sinusunod ay hindi sila maniniwala.

"Sige ka! Kung di mo susundin yung plano namin, ikaw ang maiinlove sa kanya. At baka sa kanya pa mapupunta ang lupa habang iniiwan kang luhaan." Iyon ang linya ng lintek kong kapatid.

Noong una akala ko ayaw niya kay Clark dahil may nararamdaman siyang kataksilan sa presensya nito. Pero ngayon, napagtanto kong, hindi, ayaw niya kay Clark kasi gusto niyang paglaruan ko muna si Hector dito. Because they want the damn land!

Kinabukasan, dinalaw ulit ako ng kaba habang papasok sa school nang pinagtitinginan at pinag uusapan. Ano na naman kaya ngayon? Ano na naman kaya ang sasalubong sa corridor ko? Baka naman ngayon ay paglaruan na ang gamit ko.

Hindi parin tumigil ang kanilang pagbubulungbulungan pero ipinagkibit balikat ko na lang ito.

"Hmmm... I love you, Abby." Ito ang medyo malakas kong naririnig sa corridor umagang umaga.

Wala naman akong pakealam sa mga naririnig ko. Pero pagkaliko ko, bumalandra agad sa akin ang nakasandal sa dingding na si Abby habang ikinukulong siya ni Koko sa kanyang mga bisig.

Napa head to foot talaga ako dahil sadyang cannibalistic ang term na naiisip ko habang pinagmamasdan ko ang isang binti nilang magkadikit at ang kayumangging braso ni Koko na naka salida malapit sa balikat ni Abby.

Pulang pula ang kanyang pisngi at mapupungay ang mga mata niyang tutok na tutok kay Koko. Nilingon pa ako ni Koko at pinagtaasan ng kilay bago inulit ng mas malakas ang kanina niya pang sinasabi.

"I love you, Abby."

"I love you too, Koko." Padaing na sinabi ni Abby.

Halos umismid ako sa pangingilabot sa dalawa. Naaalala ko kasi ang isang movie na may mga cannibal ang bida. Hindi ko alam kung bakit iyon ang naaalala ako sa tanawin nila. Halos matawa ako sa iniisip ko pero nang makita kong pinag bubulung bulungan na naman ng ibang tao ang pangalan ko ay agad akong nabanas.

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon