I see. Di ko lang talaga malaman sa utak ko kung bakit biglang nagpop up si Kate at gusto kong malaman ang profile niya. That's weird, right? Pero hindi ko maiwasang humanga sa ganda niya. Siya ang gugustuhin ng bawat lalaki. Hindi ko lang talaga alam kung bakit nasaktan niya si Kyle. But I should thanked her because if that didn't happen, hindi kami magkakaaminan na dalawa. Hindi kami magmamahalan. I mean, hindi niya pala ako mamahalin, at ako lang ang magmamahal at masasaktan ng paulit-ulit. Nakakatawa.

I smiled.

"I'll just go down. Kukuha lang ako ng tubig, okay?" paalam ko.

"Okay. But wait, leave me with a kiss first." sabi ni Kyle at ngumuso. I chuckled and plant him a sweet and tender kiss.

He smiled. "I love you babe. Be back okay?"

Tumango ako at lumabas ng kwarto.

Naabutan ko si Tony sa sala na nakaharap pa rin sa laptop niya. Napalunok ako. Pero nagpasya akong lagpasan siya.

Akala ko hindi niya ako mapapansin pero, naramdaman ko ang mahigpit na hawak niya sa braso ko.

"We need to talk." mariin niyang sabi.

"Tony, if this is something about me and Kyle, drop it off." sabi ko.

"Kelan ka pa natutulog kasama ng lalaking yun? Kelan ka pa nagpapagamit sa kanya?! Fuck, Maiah. Nirespeto kita ng 3 taon at ngayon, naging boyfriend mo lang, natutulog ka na sa  parehong kwarto na tinutulugan niya? Are you out of your mind?! Hindi mo na inisip ang sasabihin ng Elite Team sa yo! Ano bang pinakain ng Kyle na yan sa yo at siya ang pinili mo? Ano, mas masarap ba siya? Sa tingin mo magaling siya kesa sakin?!" galit na galit na tanong niya.

Hindi ko naiwasan pero nasapak ko na si Tony. Hindi na ako kuntento sa sampal. Nasapak ko siya sa lahat ng sinabi niya! Oo, alam ko, hindi niya alam yun na sa iisang kwarto lang kami natutulog ni Kyle. Pero alam ng Diyos na hindi ako ganong klaseng babae! Goddamn it! That's his father's choice and I even have my own bed.

Napaatras siya at nasapo ang mukhang tinamaan ng kamao ko.

"Nirespeto mo nga ako ng 3 taon pero, ano'ng klaseng pambabastos naman ang ginawa mo sakin ngayon? Iniisip mo pala na ganon lang ang habol ko? Iniisip mo na para akong ibang babae na walang ibang inisip kundi ang tawag ng laman?! Hah! Akala ko pa naman, ikaw ang mas higit na nakakakilala sakin. Nagkamali pala ako. Hindi ko kailangang magpaliwanag sa yo, Tony. Hindi na. Isipin mo na kung ano'ng gusto mong isipin, wala na akong magagawa dyan sa marumi mong utak." at agad ko siyang tinalikuran saka tinungo ang kusina. Habol ko ang hininga ko at kailangan ko na talagang uminom ng tubig. Shit! Naturingan sitang isang tao na ilang taon ko nang nakasama pero ganon ang tingin sakin? Bakit ba ganon na lang kadali para sa kanila ang manghusga? 

Hindi ko maiwasang umiyak pagkasandal ko sa ref. Tony is important to me. Pero ng dahil sa pagmamahal niya, nag-iiba na ang ugali niya. Ganito ba talaga ang nagagawa ng pag-ibig? It's turning you into someone you're not?

I still somehow value our friendship. Pero ayokong umabot sa ganitong eksena na nagkakabastusan na kami. Alam niyang hindi ako ganong babae. Pero nagawa pa rin niyang isipin yun.

Agad akong nagpunas ng luha at kumuha ng tubig galing sa ref. I need to fix myself. Ayokong mahalata ni Kyle na umiyak ako. Kailangan kong ikalma ang sarili ko. At sana paglabas ko ng kusina, wala na si Tony sa sala.

At laking pasalamat ko ng wala nga siya doon. Agad akong tumungo ng kwarto para kunin ang laptop ko.

Nagtaka si Kyle ng hindi na ako bumalik sa kama. "Saan ka pupunta?" kunot-noong tanong niya.

"Ah, pinapatawag ako ni boss. Baba lang ako saglit." agad akong nag-iwas ng tingin dahil baka mahalata niya ang mga mata ko.

Tatalikod na ako ng matigilan ako. "Wait." seryosong sabi ni Kyle at narinig ko ang pagtayo niya pagkatapos umalis sa kama ko kung saan siya nakaupo.

My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon