chapter one

321 9 0
                                    

Ryan'spoint of view

Ako si ryan kristof jayson cruz ryan for short  21 years old , isa akong artist. Isang mgaling na artist, halos lahat ng mga master piece ko lahat yun nakikilala at sumisikat. Sabi nga nila nasa akin na daw ang lahat, mayaman, matalino, creative, sikat at higit sa lahat gwapo. Hindi naman sa nagyayabang ako, nagsasabi lang ako ng totoo. Sa totoo lang hindi ako mahilig sa mga hindi mahahalagang bagay, masyado kasi akong seryoso sa buhay.

masyado ko na atang kinwento ang sarili ko, ayoko nga sana ng ganitong introduction kaya lang masyadong maplit si ms. author wala naman akong magawa baka pag initan pa ako anu pang gawin sa role ko.

andito ako ngayon sa kotse ko, papunta ako sa ospital, nagtataka siguro kayo kung sinong nasa ospital well, i'll tell you later.

"kring!kring! kring!"  kinuha ko agad yung phone ko at sinagot.

"honey, asan ka ba ngayon? sunduin mo ko sa condo ko ..'' 

"sorry honey, papunta ako ngayon sa ospital alam mo naman di ba toka ko ngayon ang magbantay" ang sabi ko, well tama kayo sa iniisip nyo, kausap ko ngayon ang girlfriend ko. 

'anu ba yan honey, andyan ka na naman , nakakaasar naman!" tapos bigla nyang binaba yung phone nya. Ganun kasi talaga si venus , si venus delosreyes ang isang sikat na model ngayon sa asia ang nag iisa kong girlfriend. syempre sikat ako kaya kailangan sikat din ang girlfriend ko.

Pinark ko na yung kotse ko , at pumasok na sa loob ng hospital. 

ROOM143

YAN ANG ROOM NG TAONG KAILANGAN KONG BANTAYAN. 

Pumasok mna ako sa loob at naabutan kong wala syang bantay, sya nga pala si stephanie. mag te ten years na syang nakahilata at comatos . you heard it right, mag te ten years na syang comatos at ang tanging bumubuhay nalang sa kanya ay ang mga makinang nakakabit sa kanya.

Minsan nagtataka pa rin ako sa mga magulang ng babaeng to, ayaw pa rin nilang sumuko kahit mismong doktor na ang nagsabing miracle nalang daw ang makakabuhay sa babaeng to.

Sa totoo lang wala naman talaga akong pakialam sa babaeng to eh, alam mo yung UTANG NA LOOB yun ang dahilan kung bakit ako nandito at inaalagaan ang babaeng to, 

*******flashback************

"papa, san po tayo pupunta?" ang sabi ko, 10 yrs old palang ako nun 

"anak, pupunta tayo sa bestfriend ko'

nasa harap kami ngayon ng isang napakalaking mansyon . maya mayay may isang magandang babae ang lumabas at sumalubong sa amin. Napakaganda nya, gusto pag nag ka girlfrien ako ganyan kaganda. Maya mayay napansin kong may kasama sya, isang batang babae, maganda rin sya, parang yung babaeng kasama nya.

"oh, nard, buti nalang at dumating kayo. sya ba ang anak mo?" ang sabi nung magandang babae

'oo aira, sya nga yung anak ko. , sya nga pala si ryan" at kumaway naman ako sa babae.

"hi, eto nga pala ang princes namin, si stephanie"

"wow, parang ikaw pala sya, maganda rin, teka asan na nga pala si leo''

"ayun , nasa kwarto naliligo pa pero patapos na din ata yun, halikayo." at pinatuloy nya kami sa loob. Napakalaki ng mansyon nila! grabe mas malaki pa ata ang mansyon nila sa mansyon namin.Naupo kami ni papa sa sofa tapos may dumating na katulong may dalang miryenda.

"so , nard, kumusta naman si recca ngayon? " ang tinutukoy nya ay ang mama ko.

"ayun busy masyado, inaalagan nya kasi yung 3 yrs old naming bunso na si neth, ayun masyadong iniispoil yung bata"

"BLAH BLAH BLAH BLAH

 wala na akong masyadong maintindihan sa mga sina sabi nila. kaya naman tumayo nalang ako at dahan dahang lumayo sa kanila. Hindi ako masyadong napansin ni papa kasi masyado silang busy sa pag uusap ni ms.aira.

Lumabas na ako ng pinto nila tapos tnry kong tumakbo papunta sa may gate, balak ko kasing tumakas pero babalik naman ako nakakbagot kasi eh. pero habang dahan dahan akong umaakyat sa may pader may biglang hamawak sa paa ko.

"ahhh** " nagulat ako kaya napasigaw ako ng kunti pero tinakpan ko agad ang bibig ko tapos napatingin ako sa baba isang batang maliit na naka crossed arms ang nakatingin ng masam sa akin.

"anung gingagawa mo?' ang masungit nyang tanung

"malamang umaakyat'

"oo alam kong umaakyat ka pero ang ibig kong sabihin eh anung balak mong gawin?''

"pakealam mo ba ! atsaka umalis ka na nga dito!"

"may pakealam ako kasi pader namin yan! panu kung isumbong kita sa daddy mo !!" medyo nag alala ako sa sinabi nya kaya bumaba sya tapos ayun tinignan ko sya ng masama.

" tatakas ka noh!" ang sabi nya.

"anu namang pakealam mo huh!"

" sasama ako! di ba gusto mong maglaro sa labas ? sasama ako! promise hindi kita isusumbong! "

Umaakyat na sya sa pader habang inaalalayan ko sya sa pag akyat nya.

"grabe ang bigat mo bilisan mong umakyat!"  ang pagrereklamo ko.

""wag kang umangal dyan!!' at yun nakatawid na kami sa pader nila.

Nasa may labas na kami ng mansyon at naglakad lakad na kami ,

"hoy san tayo pupunta!" hindi ko sya kinikibo angdami kasing tanung nakakaasar lang! ang kulit masyado !

"hoy san tayo pupunta!" hina hawakan na nya yung damit ko tapos hinihila hila nya pa! kaya yun lalo akong naasar.

"hoy bata ! kanina ka pa! nakakainis ka na! tigilan mo na nga ako! dapat di nlang kita sinama maglaro dito sa labas nakakairita ka kaya!" Sa sobrang inis ko sa kanya may naisip tuloy akong gawin.

"hoy kulot! dito ka lang ah ! may kukunin lang ako dun! wag kang aaalis dito ah! 5 mins lang babalik din ako!" ang sabi ko sa kanya . ayoko kasi syang kasama nakakirita yung pagiging makulit nya.

"ayoko! natatakot ako !" tinitigan ko sya ng masama

"mas nakakatakot sapupuntahan ko noh! may mga goons dun." kaya iniwanan ko syang nakaupo sa may batong malaki. Tapos lumabas ako ng  gate ng village na ito. syempre pumuslit lang ako.

Ayun nakipaglaro lang naman ako sa maga bata sa labas tapos hindi ko napansin yung oras kaya medyo kinabahan na ako. kaya dali dali akong bumalik ng village tapos nung pag balik ko wala na sya kaya kinabahan ako.

"HOY KULOT! ASAN KA ! WAG KA NG MAGTAGO! LAGOT KA SA AKIN PAG NAHULI KITA!!!" tapos tumakbo ako kung saan saan pero wala sya pero nang nasa gitna ako ng kalsada may biglang sumigaw.

" hoy bata!! tabi!!" tapos napalingon ako sa sumigaw isang matanda tapos pagkatingin ko sa kanan ko may parating na kotse . Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. pakiramdam ko may glue na nakadikit sa maga paa ko. nung malapit na yung kotse ay may biglang tumulak sa akin ng sobrang lakas at napunta ako sa gilid pero kitang kita ng mata ko ng sagasaan ng humaharurut na kotse si kulot at tumalsik . Sobrang lakas ng impact kaya natulala ako! nakita ko nalang syang nakahandusay sa sahig na duguan...

****end of flashblack****

Sa totoo lang ayoko na talagang maalala yun pero kailangan eh para mas maintindihan nyo ako. Busy akong tao pero dahil nga sa UTANG NA LOOB NA YAN pati girlfriend ko natitake for granted ko na.

>>>>>>>>>>>>>votes and comments guys!!

inlove with a sleeping beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon