DISI-OTSO

16 6 1
                                    

"Ang gwapo mo na." Ani Brax kay Josh matapos nitong ayusin ang necktie ng kaibigan. "Gwapo ka nga, hindi ka naman marunong magnecktie. Kawawa sayo."

"Hahaha. Okay lang yan. Tuturuan naman kasi siya ng mapapangasawa niya kung pano." Wika naman ni Tim. Nasa cr sila at nag aayos.

"Kung makakapag-asawa." Dagdag pa ni Sky.

"Lol. Wala pa sa isip ko yan mga brod. Eenjoy ko muna pangchichicks." Sagot naman ni Josh. "Masaya kaya maraming babae. The more, the merrier."

"Muka mo." Sagot ni Sky. "Magbago ka na brod. Gayahin mo si Jordan."

"G***! Tigilan mo ko kakasabing magbago na. Ikaw muna mauna." Sagot naman ni Josh.

"Teka, hindi ba talaga pupunta si Jordan?" Tanong naman ni Tim nang mabanggit nila ang kaibigan.

Nagkibit balikat lang ang tatlo.

"First time niyang hindi umattend ng acquaintance if ever." Saad ni Brax.

"Nakakalungkot. Kung kailan naman nandito ang prinsesa niya." Ani Josh.

"Talaga nalungkot ka?" Pang aasar naman ni Tim.

"Nakita mo ba si Asha? Pak na pak mga pare. Akala ko pokemon. Nag evolve bigla." Wika ni Brax.

"We? Anong itsura? Kamuka ba ni pikachu?" Tanong ni Sky.

"Hindi brod. Kamuka ni jiggly puff. Pink na pink eh." Si Tim ang sumagot at sabay sabay na nagtawanan ang apat.

"Pero siryoso brod. Isasayaw ko yang si Asha. Tutal binasted naman na niya si Jordan eh. Subukan ko kaya?" Wika ni Josh habang inaayos ang buhok niya.

Binatukan naman sya agad ni Sky at muling nagulo ang inaayos niyang buhok. "Tarantado ka! Walang talo talo." Ani Sky.

"Aray ko ha! Yung buhok ko ginugulo mo eh." Reklamo niya.

"Hahahah. Susubukan mo si Asha? Eh si Jordan nga na may pinakamarami nang naging chicks satin, hindi pumasa ikaw pa kaya?" Paalala naman ni Brax.

"Wag mo nang subukan brod. Masasaktan ka lang gaya ni Dan." Matawa tawa ding wika ni Tim sakanya saka na sila lumabas ng cr.


Inabangan agad sila ng mga echoserang journalist ng school na kahit party na nga may mga camera paring dala para sa news nila.

Puru flash na ang sumunod na bumungad sa kanila. At tilian ng mga girls.

"Sikat talaga tayo brod." Bulong ni Josh kay Brax. "Nakakaproud."








Nagsimula na ang programa. May iilang pakulo ang mga nag ayos ng program na hinanda nila para mag enjoy ang mga estudyante. Nag enjoy naman talaga sila dahil walang humpay na tawanan na ang nangibabaw sa covered court na pinagganapan ng party nang magpapageant sila ng mga bakla.

At syempre, ang pinakahihintay ng lahat. Ang sayawan.

Nagsikainan narin ang mga estudyante matapos ang nakakatawang palabas at iilang kalokohang nakapagpabuhay ng mga dugo nila. Mga masasayang tugtugan ang sumabay sa dinner ng lahat at kanya kanyang sayawan na ang mga estudyante doon. Waring naging panandaliang tanghalan ang kabuuan ng court ng gabing yun.

Puro tawa lang at ngiti ng mga estudyante ang makikita sa pagitan ng mga malilikot na ilaw. At alam nilang tunay na naging masaya ang gabing yun.

"Brod, sweet song naman. Palitan mo para makasayaw ang mga rooster at hen." Bulong ni Brax sa sound operator.

At maya maya pa, nagbago na nga ang tugtog. Mula sa maingay at mabilis na awitin, napalitan ito ng mabagal at malambing na lyrics.

At yun na nga ang pinakahihintay ng lahat.

Kanya kanyang hilahan na sa dance floor. Hindi na alam ni Asha kung nasaan si Mica. Siguro ay may kasayaw na ito ngayon. Siya naman ay kanina pa nakaupo doon. Iniisip kung tatanggapin niya ba ang alok kapag may gustong magsayaw sakanya.

Naiwan naman sa pwesto nila si Sky na umiinom ng wine. Nagsasayawan na ang tatlo niyang kaibigan. Sinabihan pa siya ni Josh na isasayaw nito si Asha.

Malalim ang iniisip ni Asha ng bigla nalang may kamay na lumantad sa harapan niya. Nabigla naman siya. At nang mag angat siya ng paningin, nakita niya ni Josh na nakangiti sakanya at naghihintay na tanggapin niya ang mga palad na nag aalok sakanya ng isang sayaw.

Dahil mukang walang balak si Asha na tanggapin ang mga kamay niya, si Josh na mismo ang kumuha sa kamay ng dalaga at inilagay yun sa palad niyang kanina pa nakalahad sa harapan nito at dinala na siya sa dance floor.


Napangiti naman si Sky sa ginawa ng kaibigan. Kitang kita ng malilinaw niyang mga mata na nakasayaw na nito ngayon ang pinapangarap.

"Enjoy ba?" Napalingon siya sa biglang nagsalita sa tabi niya. Kumuha ito ng wine at ininom saka sumandal sa upuan.

"Jordan!" Bulalas niya. Nabigla din kasi talaga siya sa bigla nitong pagsulpot. Aba, malay ba niya na pupunta pala to. Eh ang sinabi nga nito nung nakaraan, wala talaga syang balak pumunta. "Sabi mo..."

"Naalala ko kayo eh. Baka kung anong kalokohan nanaman ang gawin nyo na hindi ako kasama. Unfair naman yun." Sagot nito.

Napangiti naman si Sky sa sinabi niya. "Mukang bumalik na si Jordan ah." Anito.

"Teka brod, bakit naman nandito ka pa? Bat wala ka pang sinasayaw?" Tanong ni Jordan.

"Later." Sagot nito. "Huli ka ng unti. Naunahan ka ni Josh. Ayun oh." Itinuro nito ang kaibigan na kasalukuyang isinasayaw si Asha sa saliw ng napakalumanay na tugtog.

"Sira ulo talaga yan. Kita mo oh, kapit na kapit kay Asha eh." Nakatingin siya sa dalawang nagsasayaw nang sabihin niya yun.

"Ikaw? Pili ka na. Ang daming nagtatanong samin kung bakit wala ka eh. Hindi namin alam ang isasagot. Go. Show yourself to them."

"Later." Sagot niya.

"Anong later? Gaya gaya ka ah."

"Isang babae lang ang isasayaw ko ngayong gabi." Nakangiting tugon niya kay Sky habang nakangiting nakatingin sa nagsasayaw na si Asha.












Nagpalit palit na ng mga sinasayaw ang mga lalaki. Ihinatid na ni Josh si Asha sa pwesto nito kanina. Dumiretso naman ito sa iba pang mga kababaihang magkakasama at doon naman humila ng isasayaw. Tilian ang mga babae.

Karangalan na kasing maitatawag sa mga girls na maisayaw sila ng kahit isa sa mga magkakaibigan.

"Ang lupit talaga niyang ni Josh ano?" Nakatawang wika ni Sky sa katabi nang makita ang ginawa nito. Pagbaling niya sa tabi niya ay wala na doon ang inaasahang sasagot sa tanong niya.

Nagpalinga linga siya sa paligid at nakita si Jordan na naglalakad na, walang ibang dereksyon kundi patungo kay Asha.

Kahit nagtitilian ang mga girls na nakakakita sakanya, walang pakialam ang lalaki.

Mula sa stage, napatingin naman si Brax sa kaibigang naglalakad at napangiti. "Huh! Ayos ah." Bulong niya.

Maging si Josh at Tim na halos magkatabi lang na nagsasayaw. "Sabi niya hindi siya pupunta?" Sigaw ni Tim kay Josh na ilang hakbang lang ang layo sakanya. May kasayaw na rin ito ibang babae.

"Buti nalang nauna ako ng onti." Nakangising tugon ni Josh sakanya.

"G***!" Sagot ni Tim.














Huminto ang mga paa sa tapat ni Asha. Lumantad sakanya ang palad ng panibagong lalaking mag-aalok sakanya ng sayaw. Sa katunayan, si Josh palang ang nakakasayaw niya at wala na syang balak na magsayaw pa ulit.

Pero nang mag angat siya ng ulo at makita ang nagmamay-ari ng kamay ay halos tumigil ang mundo niya. Napakatamis ng ngiti sakanya ni Jordan na hindi kagaya ng dati na parang walang ekspresyon kapag nakikita siya.

Natulala ata si Asha. Hindi na niya namalayang kinuha na pala nito ang kamay niya at dinala na siya sa gitna ng dance floor...

He Was A Playboy <completed>Where stories live. Discover now