"Ano namang gagawin mo? Maiah, the syndicate's gone, babe. At di ba sabi ko, titigil ka na sa pagiging bodyguard mo?"

Kunot-noo ako. "I'm not confident that they're already gone. Kailangan pa namin ng sapat na ebidensya para makasigurong ligtas na nga kayo ni Sir Kristoffer. Hindi ako kuntento sa nangyari, Kyle. Kailangan pa namin ng further research." paliwanag ko. It's true. Hindi pa rin panatag ang pakiramdam ko na wala na ang pinakamatinik na sindikato ng Pilipinas. Hanggang ngayon, hindi pa rin namin alam kung sino ang utak ng High Class Syndicate at sigurado akong buhay pa ito, at lalong ipaghihiganti niya ang mga tauhan niyang napatay namin kamakailan. Pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi na sila umatake matapos ang operation na ginawa namin.

"Maiah, no. Tama ng minsan akong mamatay sa takot dahil sa lintek na operation na yan. That feeling is the worst I had so far at huwag mo nang dagdagan. Please, tumigil ka na. Ipaubaya mo na yan sa kanila." pakiusap ni Kyle.

Oo, alam ko natatakot siya para sakin. Pero responsibilidad ko pa rin siya; responsibilidad namin silang mag-ama. Gusto kong tapusin ang kaso nila ng mapanatag na rin ako na wala ng magtatangka sa buhay nila.

"Kyle, alam kong nag-aalala ka. Nagtiwala ako, kaya magtiwala ka rin sakin. Mag-iingat naman ako, eh. Huwag kang mag-alala. Babalik at babalik pa rin ako sa yo." at nginitian siya.

"I don't know. I have this bad feeling na baka mawala ka sakin anytime." at bigla niya akong hinapit at niyakap ng mahigpit.

"Ano ba. Huwag ka ngang masyadong matatakutin. Nandito lang ako o."

"Hindi ka na ba pwedeng magback-out? Babayaran ko ang Elite Team ng kahit magkano basta huwag ka ng sumali. I need you safe, Maiah. Please."

Natawa ako. Kung ano-ano na lang pinagsasabi ng mahal ko. Pero natutuwa ako at handa niyang gawin yon para sakin.

Kumawala ako kay Kyle at dinampian siya ng halik.

"I love you always. That's why I'm doing this for your safety. Mabubuhay na kayo ng normal ng Daddy mo kapag natapos namin ang kaso niyo. Hindi na kayo magtatago at wala ng susunod sa inyo kahit saan pa kayo magpunta. And I want to make sure of your safety, Kyle. At kapag sigurado na kaming wala na talagang natira sa kanila, then maybe  I can consider quitting this job and we'll go from there."

"I don't know. I still want you to quit right at this moment, babe. Tony's still there and the rest of the team. You really don't have to be my heroine. You've already done so many things for my safety. That's enough."

"But that's because it's my job."

Don't tell me, mag-aaway na naman kami ng dahil sa trabaho ko? No. Kakabati lang namin at ngayon, may pagtatalunan na naman kami?

"Kyle, I don't want to argue about this. Please. The morning's great, and I don't want to have any argument today. Let's just be happy, okay?" at kumawit ang mga kamay ko sa leeg niya.

Natitigan ako ni Kyle at hinalikan sa noo. "Yes, we will be happy, of course. I'll make you happy. But don't think that we're done talking about your job. We willtalk about it later, babe. But for now, let's just go down. I'm starving." at ibinangon ako, dahilan para tumambad ang dibdib kong walang takip dahil sa nalaglag na kumot.

And I saw his evil grin while looking at my breasts.

"I think I know what I'm gonna eat now." at walang pasabing isinubsob ang mukha sa 2 dibdib ko.

Napakagat na lang ako ng labi.


***

Eksaktong 8am kami nakababa ni Kyle para sa breakfast dahil ayaw akong pakawalan.

Bumungad sa akin ang nakangiting mukha nila Mr. Martin at Boss. Pero seryoso naman ang mukha ni Tony na ngayon ay nakaharap na sa laptop.

My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon