Pang Walong Silip

190K 3.6K 457
                                    

 Dedicated sa kanaya kasi siya ang may pinakamahabang Wahahahahaha last chapter. Wahahahahahahahahahahahahahahahahhahahh.

 Pang Walong Silip



Anna's thoughts:
Mabuti pa ang mangga, matiwasay na nakababa sa puno.

It's been a week since nung birthday ni Paeng. Isang linggo na pero walang araw na hindi ko naaalala ang mga pangyayari.

Paano ko makakalimutan? Eh doon ko napatunayan na nagkamali ako kaya napahiya ako ng bongga sa sarili ko at kay Paeng.

At sino ba ang makakalimot sa klase ng halik na binigay niya sa akin? Hanggang ngayon pag naaalala ko yun, nananayo ang balahibo ko. Parang nagmarka sa buong pagkatao ko ang halik na yun.

Paano ko makakalimutan ang isang mind blowing first kiss? Sabihin niyo nga? Kahit sa panaginip ginagambala ako ng halik na yun.

AT paano ko makakalimutan ang lahat kung sa araw araw na ginawa ng Diyos, tinitingnan ka ng nakakaloko ni Paeng. Na parang sinasabi na, may alam siyang napakalalim kong sikreto. Na parang nagalugad na niya ang buong pagkatao ko samantalang, bibig ko pa lang naman ang nagawan niya ng ganun. Ewwwwwww! Pag naaalala ko talaga, nag-iinit, este nananayo ang mga balahibo ko sa katawan.

Bakit Ana, may balak ka bang ipagalugad kay Paeng ang buong pagkatao mo?



Waaaaahhhh! Erase! erase! Hindi ko dapat naiisip ang ganung bagay. Inosente pa ako. Huhuhuhuhu! Nacorrupt na ata ni Paeng ang pag iisip ko.

Katulad  ngayon. Nagbbreakfast kami pero nakikita ko siyang pasulyap sulyap sa akin tapos ngingiti ngiti ng nakakaloko tapos iiling iling.  Palagi niyang ginagawa yan at nakakapraning. Gustong gusto ko na siyang batukan.

"Ang sarap pala!" Sabi niya habang ngumunguya ng itlog na pinirito.  I just rolled my eyes. Araw araw kayang itlog ang breakfast niya tapos ngayon lang siyang nasarapan! Ang OA ha! Uminom na lang ako ng fresh milk.

"Ang sarap pala talaga ng mga labi mo Ana!" Naibuga ko ang iniinom kong gatas. Napatawa siya ng malakas. Pinandilatan ko siya ng mata. Tawa lang siya ng tawa. Obvious na obvious na pinagttripan na naman niya ako.

...And They Kill Each Other.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon