Pang Pitong Silip

Magsimula sa umpisa
                                    

Or mas mabuti sigurong sabihin na baka nainggit or nainsecure.

Kunsabagay nasa akin kasi ang mga bagay na wala siya. Ang mga bagay na inaasam at pinapangarap niya.

Nakakaawa talaga si Pae.

Hindi makaladlad.

Nagtatago sa pagiging farmer. Kaya siguro kahit gusto niyang maging manicurista, pinili niya na lang na maging farmer. Para mas brusko pakinggan. Panglalaking trabaho at walang magdududa sa katauhan niya.

hays... Pae kung may maitutulong lang sana ako. Kung madami lang akong pera binigyan na kita ng pampasex change.

Kaya hindi ko man siya mabigyan ng pampaopera, reregaluhan ko na lang siya ng bagay na gusto niya.

Birthday niya kasi ngayon at isususrpise ko siya. OO nga pala. Tatlong buwan na kaming magkasama sa bahay na to. ANg bilis ng panahon ano?

Hinanda ko na ang buong bahay. Hindi ko siya binati kaninang umaga para isipin niya na hindi ko alam ang birthday niya. Peor ang totoo, tinanong ko sa kay Attorney pogi. Akala nga ni Attorney may relasyon na kami ni Paeng eh. If I know sinabi lang niya yun apra di ko pagdudahan si Pae.

Inayos ko ang buong bahay. Nilagyan ko pa ng decoration na pink lahat. May mga pink confetti, pink ballons, pink na tarpaulin at bumili pa ako ng pink na cake at bilang regalo sa kanya, binilhan ko siya ng pink na tsinelas na may feathers at make up kit.

It's my way of showing him na naiintindihan ko siya at hindi na niya kailangang itago ang pagkatao niya sa akin.

I check at the wall clock. 5PM na. Anytime dadating na siya.

Maya maya pa narinig kong dumating na ang wrangler jeep niya. Kita niyo na! pati sa kotse hindi siya makapili ng pambabae. Tsk tsk!

Kawawa talaga!

Nakatayo ako sa harap ng sala at hinintay na magbukas ang pinto.

...And They Kill Each Other.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon