Dwende ni Victonara

710 24 2
                                    

Ara's POV

Kung si Snowhite may seven dwarfs ako naman may nag-iisang dwarf. Walang-wala yung seven dwarfs na yun ni Snowhite sa dwarf ko. Yung dwarf ko cute,pogi,mabait,loyal,lahat na ata nasa kaniya.

Kaso nagtatampo sa kin yun ngayon eh. Kasi naman naging busy ko. Tapos gumawa pa kami ng project ni Tigs. Idagdag mo pa yung nag tweet sa kin si Rex at Ysay ng 'Hi idol' edi ayun nakita ni Thomas. Lalong nagtampo. Pero nag dm sila sakin. Pagseselosin lang daw nila si bans. Grabe no? Lakas ng trip. Mga kuya lang naman tingin ko sa mga yun eh. Si Thomas lang labs ko noh. Tapos nung sumunod na araw sinundo ako ni Paolo sa campus kasi daw papakilala niya gf niya. Eh nung araw na yun masyado akong preoccuupied dahil sa dami kong gawain. Ayun nakalimutan kong birthday ng nag-iisa kong dwende. Hindi tuloy ako kinakausap hanggang ngayon. Halos mag-iisang linggo na din pala. Namimiss ko na siya😭.

Kaya eto ako ngayon naglalakad papunta sa dorm ng Archers. Isang linggo na rin akong ganito. Pabalik-balik ako sa dorm nila para manuyo.

Nung makarating na ko sa may gate ay nag doorbell na ko at agad naman yung binuksan ng isang intsik.

"Hi Ara! Kasama mo na si Miks?"bungad sa kin ni Jeron. Sabi niya sa kin isama ko daw si daks next time. Eh ang mahal na reyna busy kaya di siya nakasama.

"May date sila nung agila."biro ko sa kaniya. Nanliligaw kasi tong si Teng kay daks. Agad namang sumimangot ang mukha ni Teng kaya binawi ko agad yuny sinabi ko. "Joke lang. Busy kasi si Ye."

"Okay. Lika pasok ka na." Hay buti naman. Akala ko di na ako papapasukin eh.

Pagkapasok namin ay naabutan ko ang ibang Archers na lumalamon habang nanunuod ng 'Lights Out' yung horror movie. Napabaling naman ang atensiyon nila sa kin at binati ako. Binati ko naman sila pabalik.

"Asan si bans?"tanong ko.

"Umihi lang ate Ars. Upo ka muna dito."sabi ni Andrei tapos pinatabi ako sa gitna nila ni Kib.

Umupo na lang din ako sa tabi nila. Shocks! I forgot. Takot nga pala ko sa horror. Kaya naman di na ko mapakali dito. Napansin naman yun ng katabi kong si Andrei at Kib.

"Takot ka ate Ars?"si Kib yan.

"Ah eh s-slight haha."hindi ko mapakaling sagot sa kaniya. Napa-chuckle naman silang dalawa sa sinabi ko.

"Gusto mo sabihin ko kay---"hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil nagsalita ako agad.

"Wag. Asa ka pa eh galit yun sa kin."may bahid ng lungkot yung pagkakasabi ko.

"Ang dami mo kasing dwende. Tss."nagulat kaming tatlo pati lahat ng Archers ng biglang may nagsalita. Yung dwende ko huhu gusto ko siyang yakapin. Napatingin kaming lahat sa kaniya.

"Sus kuya Thom. Eh isa lang naman yung dwende dun eh. Dalawa pag kasama ka. Hindi naman kasi pandak sina Ysay eh."sabi ni Kib. Naasar naman yung bansot pero natawa lang yung ibang Archers. Ako naman pinipigilan ko lang.

"Tss. Mas gwapo naman ako sa mga yun noh."sabi niya na sinang-ayunan ko naman. Pero syempre sa isip lang.

Umakyat siya sa room niya kaya sinundan ko. Nagpaalam muna ko sa Archers bago umakyat. Ang mga loko naman kinatiyawan pa ko.

"Ate Ars dapat tatlo na kayo pagbalik ah."biro ni Kib.

"Ara ninong ako."si Jeron naman. At nagsunod-sunod na ang pang-iinis nila.

"Mga loko kayo. Sige na may susuyuin pa kong dwende."pagpapaalam ko sa kanila.

Nang makaakyat ako ay kumatok muna ako sa pinto bago pumasok. Nakahiga siya at nakapikit ang mata. Di naman siya tulog. Eh bigla kasi siyang nagsalita.

"Anong ginagawa mo dito?"masungit niyang tanong. Ang cute lang haha.

"Pano mo nalamang ako to? Di ka naman nakadilat ah?"tanong ko sa kaniya.

Minulat niya ang mata niya tapos inirapan ako. Ay may ganong ganap? Hahaha. Napa chuckle na lang ako.

"Di mo pa ba ko papatawarin?"tanong ko sa kaniya habang naka pout.

"Hindi naman na kailangan diba? Ang dami mo nang pamalit sa kin. Dun ka na lang."grabe yung pagkakasabi niya nito. Halata mo talagang nasaktan siya. Bigla namang nangilid yung luha ko. Di ko kasi kayang nakikitang ganiyan si Thomas eh.

"Thom. Wag mo ngang sabihin yan. Di ka mapapalitan dito *turo sa may part ng puso*"wala na. Di ko na napigil. Napaiyak na ko.

"Sorry. Sorry kung masyado akong naging busy. Sorry kung nagselos ka sa mga kaibigan ko. Sorry kung nakalimutan ko yung birhtday mo. Thom gagawin ko lahat please. I'm really sorry."ayan napahagulgol na ko. Nilagay ko na lang yung mga kamay ko sa mukha ko tapos bigla na lang akong napaluhod. Nanghina na yung mga tuhod ko.

"Thom please. Di ko na kaya eh. Miss na miss na kita. Wala na kong kasama pag free time ko. Wala na kong kausap bago matulog. Wala na kong dwendeng nayayakap. Wala na kong kasamang kumain at gumala pag hindi pwede sila Mika. Thom miss na miss na kita. Miss na miss ko na yung dwende ko. Yung nag-iisang dwende ko."sabi ko habang iyak pa din ng iyak.

Nagulat na lang ako ng may biglang yumakap sa kin. Alam ko namang siya yun.

"Sssshhh. Stop crying na. I forgive you. I'm sorry din and mas na miss kita."sabi niya habang hinihimas yung likod ko then bigla niya kong kiniss sa forhead. Napatigil na ko sa pag-iyak pero medyo naghahabol pa ko ng hininga.

"Let's stand up na."sabi niya habang inaalalayan akong tumayo. Hindi ko pa rin inaalis yung mga kamay ko sa mukha ko. Eh kasi naman nahihiya pa ko eh.

"Alisin mo na nga yang mga kamay mo."sabi niya habang medyo tumatawa at pilit na tinatanggal ang kamay ko. Umiiling ako pero bigla niyang natanggal yun mula sa pagkakatakip ko sa mukha ko. Dahil nga sa nahihiya pa ko eh sinubsob ko na lang yung mukha ko sa leeg niya at niyakap siya. Niyakap niya din naman ako pero mahigpit. Sinasabi ko na eh. Na miss din ako neto.

Napatawa naman siya ng konti sa ginawa ko.

"Oh bakit ayaw mong ipakita sa kin yang mukha mo?"tanong niya.

Umiling na lang ako bilang sagot. Napatawa na lang siya at mas hinigpitan ang yakap sakin.

Nilapit niya yung labi niya sa tenga ko saka bumulong. "Baby, I'm sorry kung pinaiyak kita. Nagtampo lang kasi talaga ko. Pero lagi mong tatandaan na hinding hindi ko kayang magalit sayo. Kasi love na love po kita. Pero promise me na ako lang ang nag-iisang dwende sa buhay mo ha?"napa-chuckle naman ako at umayos na ng tayo. Hinarap ko na yung mukha ko sa kaniya pero di pa rin kami bumibitaw sa yakap.

"Love na love din po kita, miss na miss pa. I promise ikaw lang talaga yung nag-iisang dwende ko. Ikaw lang ang dwendeng mahal na mahal ni Victonara *kiss sa noo* Salas *kiss sa tip ng nose* Galang *kiss sa chin*"napangiti naman siya sa ginawa ko.

"Bakit wala sa lips?"tanong niya habang naka pout. Napangiti na lang ako.

"Abuso ka na eh."biro ko. Lalo naman humaba yung nguso kaya pinagbigyan ko na. Gusto ko din naman eh haha. Landi lang self.

"I love you my snowhite."kinilig naman daw ako sa 'my snowhite'niyang yun kahit di ako maputi haha.

"I love you too my dwarf."pagkasabi ko nun hinalikan niya ko sa lips. Umisa pa tong dwende ko. Okay lang mahal ko naman eh.
*******************************************
Sana nagustuhan niyo to kahit sabog yung plot. Sinabi ko pong babawi ako pero next time na lang ulit. Biglaan lang kasi yang pumasok sa isip ko hehe.

-TurtleNiVictonara

    

ThomAra ThoughtsWhere stories live. Discover now