New Friend...

1.2K 44 23
                                    

Kenneth!

"What the Hell! Binasa mo yung uniform ko!" Ungol ng unggoy, kilala niyo naman kung sino yung tinutukoy ko di ba?

"That is what you wanted Ken! Ginambala mo ang mahimbing kong tulog! Karma mo yan!" Mataray kong sagot sa kaniya.

"Well, problema mo ngayon ang uniform ko, hindi ka makakalabas ng kwarto mo hanggang hindi ako nakakapagpalit!" Aish! Pati ba naman pamalit niya kailangan kong sagutin?

"Pati ba naman pamalit mo kailangan ko pang problemahin?!" Palibhasa spoiled kaya hindi marunong gumawa ng mga simpleng gawain!

"Yes" Tipid niyang sagot. Sinamaan ko siya nang tingin.

Tumingin ako sa orasan. WHAT THE! 6:00 AM NA! 30 MINUTES NALANG! Walang anu ano, tinabig ko siya at nakalabas ako nang kwarto, nakita kong ininda niya yung sakit nung tumama siya sa cabinet ko. Ngayon ko langnarealize na ang lampa niya pala.

Tumakbo ako papuntang sala. Nakahanda na yung pagkain, wala na pati si Kuya Andrei.

"Ma nasan po si Kuya?" Sasabay sana akong pumasok sa kaniya eh.

"Ah may camping daw ang section nila sa Bulacan, three days and two nights daw sila dun"

"Ah sige po." Sabay kuha ng tuwalya, handa ng uniform at punta sa banyo.

Mga 10 minutes akong naligo at 5 minutes na nagbihis. Pumunta agad ako sa sala para kumain at naabutan ko si Kenneth at Mama na nag aagahan. Umupo ako sa tabi ni Mama at kumain.

"Hoy unggoy, bakit ka nandito?" Pang iinis ko kay Kenneth.

"Ah nak. Hindi ko pa pala nasasabi sayo, dito muna si Kenneth habang wala ang kuya mo" Sabi ni mama. Bigla akong nabulunan kaya inabutan niya ako ng tubig.

"So ma. Ang ibigsabihin ba niyan siya muna ang papalit kay kuya? Eh bakit hindi siya dun sa kanila?" Hindi ako papayag na mapalitan ni Ken si kuya ko

"Wala rin kasi siyang kasama dun, si Maxine kasama ng parents niya na nasa Cebu, dahil sa business" Eh bakit di nila isama 'tong asungot kong pinsan?

"Eh bakit di nila isama 'tong si Kenken?" Sabay turo kay Kenneth

"Don't call me Kenken! I'm a teen now!" Inis na sabi ni Kenneth. Dinilaan ko lang siya.

"Kasi daw dadami ang absents niya sa school. Eh si Maxine hindi pa naman nag aaral." Ah ganun pala yun. Tumango tango nalang ako bilang pagsagot.

Biglang nag alarm ang cellphone ni Mama. 5 minutes left. Ibigsabihin ay 6:25 na, kaya kinuha ko yung bag ko sa kwarto at nagpaalam kay mama.

Habang naglalakad ay nakita kong nakasunod sa akin si Kenken.

"Oh bakit ka nakasunod?" Irita kong sabi.

"Papasok ako sa school, wag kang assuming, pareho lang tayo nang pupuntahan" Sarkastiko niyang sagot.

"Dami mong alam" Pabulong kong sabi.

"Malamang nag aaral eh." Biruin mo narinig niya pa yon?

"Tsk" Inis kong sabi at binilisan ang paglakad. Nang makarating ako nang gate tumingin ako sa relo ko. 6:29 am na. Aabot pa yan 6:45 naman ang una naming subject eh.

Pag dating ko sa room nakita ko ang pictures namin ni Andrew nung nasa clinic kami at Kiel habang buhat niya ako papuntang clinic, na nakadikit sa pader, may caption pa sa taas na "Ang Malanding Babae". Inisa isa kong tanggalin yun pero wala pa rin ang daming masyado. Pinagtitinginan ako ng mga estudyante sa labas at para silang mga bubuyog na bulungan nang bulungan.

Stupidly Inlove With A CheaterWhere stories live. Discover now