Chapter 2: Broken

3.4M 74K 48.9K
                                    

MARKY

Isang buwan ko nang napapansin na palaging nagkikita at nag-uusap sina Jeydon at Kim. Kung ano mang namamagitan sa kanila, alam kong hindi 'yon maganda. Wala kasing kahit isang nababanggit si Jeydon sa 'min about kay Kim. Kaya napagdesisyonan ko na sundan silang dalawa. Gusto kong malaman kung anong meron sa kanila.

Nasa tapat ako kanina ng bahay nina Kim. Lumabas bigla 'yong kotse niya at tama ang hinala ko na kina Jeydon siya pupunta. Pumasok sa loob ng bahay nina Jaydee 'yong kotse niya.

Naghintay lang ako ng ilang minuto sa labas. Nag-isip-isip ako. Ito na ba 'yong panahon para komprontahin ko silang dalawa? Kahit ano pa 'yong dahilan nila, mali na magkita at mag-usap pa sila na silang dalawa lang. Paano na si Candice? Sigurado akong masasaktan siya kapag nalaman niya 'to.

Palabas na ako ng kotse ko kaso may nakita akong babae sa tapat ng gate nina Jeydon. Nanlaki na lang 'yong mga mata ko sa sobrang gulat. Fuck! Ngayon nga pala sila uuwi ni Shawn dito. Teka, hindi rin ba alam ni Jeydon 'yon?! Imposible naman.

Nag-uusap silang dalawa ni Sunny. Tinawagan ko agad si Jeydon para sabihin sa kanya na nandito sina Kim at Candice.

"Yow!" Ang cool pa ng boses niya. Kung alam lang niya kung anong pwedeng mangyari kapag nagpang-abot silang tatlo sa loob.

"Nasa'n kang ugok ka ha?!" Hindi ko na rin napigilan 'yong emosyon ko.

"Nandito ako sa kwarto ko. Kasama ko si Kim."

"Si Kim?! Nahihibang ka na ba? Alam mo bang nasa labas ng bahay niyo si Candice?!"

"Alam ko. Ako nagpapunta sa kanya." Gago pala siya e. Alam niyang pupunta si Candice tapos kasama niya si Kim sa kwarto niya?

"Kie, 'wag ka nang mangialam sa 'min, pwede ba? Hayaan mo na akong mag-handle nito."

"Ano bang sinasabi mong gago ka?! Alam mo ba kung anong mararamdaman ni Candice kapag nakita niya kayo ni Kim na magkasama at diyan pa sa kwarto mo?!"

"'Wag ka nang mangialam dito." Magsasalita pa sana ako kaso binabaan na niya ako. Shet! Ano bang iniisip mo, Jeydon?

Tinanaw ko si Candice pero wala na siya. Nasa loob na siguro siya ng mansion. Tangina talaga! Dapat mapigilan ko siya. Hindi niya dapat makita sina Kim at Jeydon na magkasama.

Tumakbo ako papasok kina Jeydon. Buti na lang kilala ako ng guard kaya pinapasok niya agad ako. Pagdating ko sa kwarto ni Jeydon, huli na ako.

Nakita ko si Candice na nakatayo sa tapat ng pintuan at umiiyak. Gago ka talaga, Jeydon. Naiinis din ako sa sarili ko dahil ang bagal ko. Lumapit ako kay Candice at nakita ko sa loob sina Jeydon at Kim na naghahalikan. What the hell?! Ginawa nila 'to sa harap ni Candice?!

Hinawakan ko na lang 'yong kamay ni Candice tsaka ko siya hinila palayo. Hindi niya dapat 'yon nakita.

No'nng malayo na kami, huminto na ako sa paghila sa kanya. Umiiyak pa rin siya. Sobrang nakakaawa siya. Alam kong sobra siyang nasasaktan ngayon.

"Marky..."

Kusa na lang sigurong gumalaw 'yong katawan ko. Hinila ko siya papalapit sa 'kin tapos niyakap ko siya.

"Marky, makikipaghiwalay na sa 'kin si Jeydon... Hihiwalayan na niya ko para kay Kim... Marky bakit? Ang sakit." Umiiyak lang siya habang yakap-yakap ko siya.

"Tahan na, Candice..."

"Naghalikan pa sila sa harap ko. Parang dinudurog 'yong puso ko. Ang sakit-sakit no'n."

Alam ko Candice, alam ko.

"Marky... sabihin mo, hindi totoo 'yon 'di ba? Hindi totoo lahat ng 'yon." Tangina talaga. Fuck you, Jeydon.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon