Ikaapat na quarter na. Bakit kasi nagtie pa to eh! Nakaabot tuloy ng fourth quarter.  And now it's down to 10 seconds! Shit mananalo na kami! Yes!!! Lamang kami by 2pts!

Nang biglang nasalo ni Dylan ang bolang ipinasa na para sa nursing team. Dali dali syang tumakbo papunta sa court nila. Fuck. Bumibilis ang tibok ng puso ko! Di ko tuloy maintindihan kung dahil ba sa kaba na baka manalo pa sila o sa excitement na magagawa pa ni Dylan panalunin team nila. Fuck!

7.. 6.. 5..

Saktong 5 seconds left noong marating nya ang linya ng indicator para sa 3pt shoot. Tinignan nya ko.. pero ang mas kinagulat ko ay noong ngumiti sya.. NGINITIAN NYA KO! Binawi nyang mabiis ang tingin sakin sabay shoot ng bola..

And.. 3.. 2.. SHOOT! FUCK NASHOOT! They won ng isang punto!

I was too stunned! Una dahil natalo kami. Pangalawa dahil naipanalo pa ni Dylan within 10secs ang team nila. Pangatlo dahil tinignan at nginitian nya ko bago ishoot ang bola na para bang nagpapahiwatig na para sakin yon.

WOW.  Tatayo na sana ako para umalis kaso biglang may nagsalita.

"MAY I HAVE YOUR ATTENTION PLEASE?"

Sabi ng nagsasalita, wow ha. Lakas ng volume ng speakers. Sus. Sasabihin lang ng announcer na to na pulutin namin lahat ng kalat. Whatever. Akmang hahakbang na sana ako kaso nanlamig ako sa kinatatayuan ko dahil sa sumunod na narinig ko.

"LOCK THE GYM'S GATE! MAXINE, DON'T LEAVE. TAKE A SEAT AND LISTEN FIRST!"

Lumingon ako at laking gulat ko noong nakita ko si Dylan sa gitna mismo ng court. Anong pakulo to?

Ramdam kong tumigil ang paligid at lahat silang napalingon sakin sabay upo. Nahiya naman ako kung di ako magparticipate diba?! Sinara ang gate ng gym para lang tawagin ako?! Shempre makikiupo na rin ako para matapos na to at makaalis na ko dahil 15mins na lang ay klase ko na!

"Bear with me. Di ko alam kung pano to umpisahan." Napatawa sya ng mahina sa ginagawa nya. Humihingal pa rin sya, malamang pagod ito sa game.

Ano bang iniisip neto?

“MAXINE ANDREA.” He called. Hindi pa rin ako nagrreact sa nangyayari. Wait, teka. Okay, hindi lang atensyon ko ang nakatutok kay Dylan, kundi lahat ng tao.

“Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, I like you and I want you.” Napalunok ako sa sinabi nyang iyon. Huminga muna sya ng malalim tapos ay matamang tumingin sakin bago nagsalita.

"Pwede ba kitang ligawan?"

Halos mahimatay ang katabi ko sa pagsigaw sa sobrang kilig. Ang mga tao rin nagsipagtayuan at naghiyawan.

"Say yes!", narinig kong sabi ng iba

 

"Yes, go na girl!"

 

"Sagutin mo na!"

 

"Pumayag ka na, Maxine!"

Iba iba ang sinasabi ng mga tao pero iisa lang ang punto nila, yun ay ang pumayag ako. Pero.. hindi ko alam. Handa ba ako? Gusto ko ba to? Walang duda sa feelings ko sakanya. I had liked him for a long time and learned how to love him. Pero kaya ko ba? The last time I fell in love was a disaster. It almost got me killed.

But that man isn’t Dylan. Pero paano kung maulit?

Pero gusto ko sya. Gustong gusto. Hell, mahal ko sya.

Tumahimik uli ang mga tao noong biglang nagsalita uli si Dylan.

"Smile and walk towards me if it's a yes. Stand and leave if it's a no." He said.

I took a deep breath. Sana hindi ako magkamali sa desisyon kong ito. Kelangan ko ng suporta para sa bandang huli hindi ako magsisi.

Lord, help. Munting dasal ko.

Tumayo ako. Nakita kong napasinghap si Dylan. He's waiting. They are waiting.  Bago pa man magbago ang desisyon ko, agad na kong kumilos..

I turned my back on him.. and starTed walking away.

Naramdaman kong napasinghap ang karamihan, I even heard people's different reactions. But no, I'll stay firm sa desisyon kong ito dahil ito ang alam kong tama. Pero di pa lang ako nakakalayo ay bigla uli syang nagsalita.

"Fine." He said. Napatigil ako sa paglalakad.

Fine? Ganon? So, okay lang sakanya na hindi ko sya bigyan ng chance? Ganun naman pala eh, so bakit pa nya kelangan gumawa ng engrandeng propo-

"It doesn't really matter if you'll say yes or no, anyway. I'll still court you either-way. And I won't stop until you become mine again."

A smile formed from my lips. Pero di ko pa rin sya nililingon. Halos magrejoice ang puso ko sa sobrang saya at kilig. Nararamdaman kong namumula ang pisngi ko. He won't stop, eh? Tignan natin kung hanggang saan ka, Sebastian.

Perfect Pleasures (PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA'S SIZZLE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon