Jail-Booth

10 2 1
                                    

I was locked in a room.

Mga kaibigan ko ang nag-lock sa akin. They did it for me.

Ipina-jail booth ako nila, mga walangya.

But I wasn't alone. I was with someone.

My heart keeps beating so fast. Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Matutuwa, matatakot, kakabahin. Halo-halo na.

After moments of silence, binasag niya ang katahimikan.

We exchanged hello's.

Funny how our relationship ended with one hello.

We had fun. We had love.

After the hello, wala ng sumunod. Hanggang hello lang kami.

We sat at the very corner of the room. Me at the other side, siya sa kabilang side.

Dati, hindi kami mapag-hiwalay. Kung nasaan ako, nandoon din siya. Mag-kasabay kaming kakain, ga-gala, ta-tambay.

Akala ko hindi na siya mag-sasalita kaya nagulat ako ng tinanong niya ako kung kumusta na ako.

Bilang ganti, tinanong ko rin siya.

Dati, alam na alam naming kung ano ang nangyayari sa buhay ng isa't isa, ngayon, wala na wala na yung dati.

Nasayang yung tatlong taon dahil lang sa simpleng away.

Nawala yung dating kami dahil sa simpleng paninira.

Sinira ng iba ang pag-mamahalan namin.

Pero bakit, bakit ang dali-dali niya akong binitawan? Tatlong taon din yun. Sa tatlong taon din yun, alam namin ang malalagim na sekreto ng isa't isa.

Sinira lang ng isang tao ang tatlong taon na yun.

Naalala ko pa nga kung paano nangyari yun.

Sinabi niya sakin nun yung pinaka-iniingatang sekreto niya. Ako naman, nakinig lang. We opened up with each other a lot. We trust each other more than we trust our parents. Kaya nga, laking gulat ko nga nung komprontahin niya ako.

Sigaw siya ng sigaw, ako naman, di ko maintindihan kaya pinakalma ko siya, pero bago imbes na mahawakan ang kamay niya, dumapo ito sa pisngi ko. Tinignan ko siya habang nanlaki yung mata ko. Di ko alam kung bakit galit siya. "Tang-na mo! Pinagkatiwalaan kita! Akala ko kakampi ka! Akala ko mapag-kakatiwalaam kita! Putang-na mo talaga! Mamatay ka nang hayop ka!" sigaw niya sakin. Tinignan ko siya, "Ano ba?! Anong nagawa kong mali?! Ha?!" Sinugod ko siya at dinuro-duro, "Tang-na! Bakit kailangan mo pang gumawa ng eksena?! Di ka ba nahihiya?! Tang-na! Mahiya ka nga!" at iniwan ko siya.

Hindi ko man lang alam, na iyon na pala ang huli naming pag-uusap.

Pag-katapos namin mag-kamustahan, bumalik na naman ang katahimikan.

Nabalot na naman kami ng katahimikan.

Hindi na kagaya ng dati. Wala na yung dati. Hindi na maibabalik ang dati.

Pagkalipas ng tatlumpong pinuto, pinalabas na nila kami.

Bago kami mag-hiwalay ng landas, sinabi niya sakin ang katagang...

"Hinding hindi kita malilimutan...




















bestfriend."

The End...

PS. Hindi po lalaki ang bestfriend niya, babae po. 😂

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Jail-booth (One-Shot) ✔Where stories live. Discover now