Chapter 1

9.4K 193 4
                                    



NAPANGITI si Al habang pinaparada ang kotse sa harapan ng Marriott hotel, my date siya sa isang sikat na modelo sa bansa. At naghihintay na ito sa loob ng restaurant.

Bago siya bumaba sa kotse nag salamin muna sa front mirror kay tamis ng kanyang ngiti.

"Guwapo na ano naman ang pamana sa akin ni DingDong Dantes, well lamang lang naman ako ng isang hilod sa kanya," Isinuklay ang daliri sa buhok. ( yabang niya no )

Well totoo naman ang sinabi niya sa porma sa katawan pareho sila. Talagang kahit sinong babae mapapalingon sabi nga nila ngiti palang niya laglag na ang panty ng Lola mo (kasi maluwag eh) h'wag lamang na kasama niya ang dalawa niyang kaibigan dahil may kaagaw siya sa atensyon ng mga babae.

Pagbaba ni Al sa kotse inabot ang susi sa parking boy ng hotel. Para ito na ang magdadala sa parking area.

Naglalakad palang siya sa lobby ng hotel. Bawat babaeng makasalubong o madaanan talagang mapapatingin sa kanya? Ngumingiti naman siya sa mga babae na parang wala lang dumeretso na siya sa restaurant.

"Good evening sir," may ngiting bati ng mga waitress na sumalubong sa kanya.

"Good evening too ladies," may ngiting tugon niya.

Kaya naman nag sisikuan ang mga ito.

"Grabe ang tindi ng ngiti niya, nakaka, ehemmm," bulong ng isang waitress sa katabi.

"Huwag kang maingay marinig ka niya," bulong din nito.

"Hindi ko kasi maitago ang kilig ko sa ngiti niya, "bulong naman muli nito.

Tinignan ng katabi nito ang kasama iyon tingin na. Tumahimik ka na.

"Excuse me, narito na ba si Minerva Asis?" tanong ni Al.

"Yes, sir, kanina pa siya narito, I lead you to her, sir," sabi ng isang waitress.

"Yes, please."

"This way, sir, " ika naman ng waitress at nauna itong naglakad bago naman sumunod si Al dito ngumiti siyang muli sa mga waitress saka iniwan ang mga ito.

"Shit ang sarap niyang hilain sa isang tabi," ika naman ng isa pang waitress.

"Psttt, tama na 'yan makita kayo ni Ma'am, sige masisisisante kayo ng wala sa oras."

"Naman, humanga lang kami kay sir, guwapo kasi niya no, aminin mo kinilig ka rin, eh?"

"Oo, pero kaya kung itago no, tumigil na kayo," awat nito.

Medyo malayo palang si Al sa babaeng ka date kitang-kita na niya ang matamis nitong ngiti.

Nang makalapit na siya sa dalaga tumayo ito.

"Sorry I'm late, Minerva," sabi niya kaagad.

"It's okay kadarating ko rin lang naman, eh."

Lumapit si Al sa dalaga. At hinalikan niya ito sa pisngi.

Umupo na sila tinawag na ang waiter para mag order na.

Nag kuwentohan muli sila habang hinihintay ang kanilang order.

"Kamusta naman ang buhay mo, Minerva?"

"It is okay nothing chance, ganon pa rin."

"Hmmm," ika ni Al.

"Ikaw, what's new?"

"Well nothing chance rin!"

"Gaya-gaya ka naman," may ngiting anito.

Napatawa naman si Ala tinuran ito.

"Gano'n talaga, eh."

"Nothing chance ganon, napapalibutan ka pa rin ng mga babaeng tulad ko."

PAG-IBIG NA KAYA? (Book 2: The Proxy Bride) by: Ginalyn A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon