Chapter 6

4.8K 132 2
                                    



PAGLABAS ni Rosemary sa silid sinalubong siya ng kanyang ina.

"Anak, mabuti naman at na gising ka na."

"Bakit po ba, Inay?"

"Di ba sabi ko kanina sa'yo anak may sasabihin ako."

"Oo, nga pala, sorry Nay nakalimutan ko kaagad. "

"Naku ang dalaga ko kay bata-bata pa makakalimutin na. "

Ngumiti lang naman si Rosemary sa ina.

"Inay, sabihin mo na sa akin ano ba'yon?"

"Ang Anty Kikay mo tumawag sa akin nong isang araw."

"Talaga Inay, kumusta naman sila? Mabuti naalala pa niya kayo."

"Mabuti naman ang buhay nila, aba kahit papaano mag kapatid pa rin kami. "

"Oh, bakit naman siya napatawag bigla sa inyo Nay, may kailangan ba siya sa iyo?"

"Wala naman, anak. "

"Oh talaga, Inay?" may dudang ika niya.

"Oo, sa katunayan nga iniimbita niya tayo na dumalaw man lang sa kanila."

"Para saan naman daw Inay, biglaan yata? Di ba galit sa inyo ang kapatid ninyong iyon?"

"Anak, matagal na'yon, matatanda na kami. At nag kapatawaran naman na kami, ah."

"Anong balak nito Inay, pupunta ba kayo?"

"Oo anak, pupunta kami ng Itay mo pati narin ang kapatid mo, kong gusto mo anak sumama ka na rin sa amin?"

"Inay, hindi pwede, eh. May exams pa ako sa mga susunod na araw, gusto ko rin sana."

"Ganito na lang anak, pag wala ka ng exams sumunod ka na lang sa amin sa Misamis. "

"Tignan ko po Inay, kung kailan matatapos ang klase ko."

"Ikaw ang bahala anak, doon ka muna kila Ate mo Rossana, makitira dahil magisa ka lamang dito sa bahay. "

"Sige po Inay, tawagan ko si Ate, kailan naman ang balak ninyong pumunta sa Misamis?"

"Ngayon gabi anak, tama lang wala ng pasok ang kapatid mo."

"Sige po Inay, nakahanda na ba ang gamit ninyo?"

"Tapos na anak. "

"Inay, hindi naman kayo excited, ah," ngiting ika niya sa ina.

"Anak, naman ngayon lang ako uuwi sa bayan sinilingan ko, mula ng umapak ako rito sa Maynila."

"Ano naman ang na miss mo doon, Inay?"

"Ang maligo sa talon anak, kaming mag kakapatid." naipinta sa mukha ng ginang sa galak.

"Wow Inay, may falls sa inyo, na excited tuloy ako, sana matatapos kaagad ang klase ko para makasunod ako sa inyo."

"Oo, dinadayo pa ng nga tao ang talon na'yon malapit lang sa bahay, anak. "

"Umuwi na ba si Itay, Inay?"

"Pauwi na sila ng kapatid galing sa pier."

"Narito na kami," bungad na sabi ng ama pag pasok sa pinto.

"Ate, sasama ka ba sa amin mag bakasyon?" tanong agad ng kapatid.

"Hindi, eh. Kasi may klase pa ako sayang nga."

"Nakahanda na ba ang lahat ng dadalhin nating, Karla?"

"Oo, kanina pa."

"Oh, sige maligo muna ako bago tayo umalis masyadong mainit. "

"Itay, sabay na tayo maligo rin ako."

"Sige Erick anak, sabay na kayo ng tatay mo para mabilis. "

"Opo inay, "sagot nito at sabay silang pumasok ng ama sa banyo.

Tinawagan naman ni Rosemary ang ate Rossana niya para ipaalam dito na sa kanilang sa bahay muna siya mag stay habang nasa bakasyon ang magulang nila.

Sumang-ayon naman kaagad ito para may kasama siya.

Habang hinihintay nila ang ama at kapatid inihanda naman Rosemary ang dadalhin niyang gamit sa pagtira muna sa bahay ng ate niya.

Inihatid ni Rosemary ang magulang at kapatid sa pier ng makasakay na ang mga ito sa barko umalis na rin siya. At sumakay ng taxi at nagpahatid sa bahay ng ate niya.

"Anong oras ba na dararing si Rosemary, hon?" tanong ni Edward sa asawa.

"Ang sabi niya makasakay lamang sina Inay, de-deretso na siya rito."

"Mabuti naman at ng may kasama pa kayo dito sa bahay. "

"Okay lang ba sa'yo na dumito muna ang kapatid ko?"

"Naman, hon, tinatanong pa iyan of course she can, welcome na welcome siya dito, di ba sabi ko nga para may kasama pa tayo o kayo habang nasa office ako."

"Kasi naman hindi ko nasabi sa'yo kaagad, hon."

"It's okay, kapatid mo naman eh, 'wag lang ibang tao. "

"Salamat hon, ang bait mo na talaga."

"Bakit dati ba hindi?"

"Hmmm, actually, natakot nga ako sa'yo noon, lalo ng first time kitang makita, ang puso ko ang lakas ng pintig."

Napatawa si Edward sa sinabi ng asawa.

"Kasi naman you do something stupid that day. But that stupid you do. I fall for you."

"We di nga, hon?"

"Yup, that day my beautiful proxy bride, when I kiss her sweet and soft lips, I'm already fall."

"Hmp! Bolero ka talaga," kay tamis naman ng ngiti niya.

"I'm not, sinasabi ko lang ang totoo. "

"Hmp!" Sabay irap ni Rossana sa asawa.

"Matulog na tayo para dagdagan nating si baby?" yaya ni Edward.

"Ikaw talaga, darating ang kapatid ko."

"Andiyan naman si Manang, eh. Ihabiling na lang nating siya sige na hon." Lumapit si Edward sa asawa niyakap ito at hinalik-halikan ang leeg.

Napapikit si Rossana sa kiliting dulot nito."Naman hon, mag pigil ka naman."

"Ayaw papigil ni manoy, eh. Kasi naman ang ganda ng asawa ko tara na sa taas."

Oo na Sana si Rossana sa asawa ng tumunog ang doorbell.

"Andito na siya sandali lang hon, titignan ko." Tumayo na siya kaagad.

"Naman oh, wrong timing itong si Rosemary, andoon, eh. "

Tinawanan naman ni Rossana ang asawa sa sinabi nito. Tinungo na ang gate.

Pagbukas ni Rossana sa gate hindi pala ang kapatid niya ang nasa labas.

"Hi, good evening, Rossana, si Edward narito ba?"

"Oo, Al, pasok ka."

"Bakit hindi niya sinasagot ang tawag ko kanina ko pa siya tinatawagan, ah?"

"Nasa baba kasi kami, baka naiwan niya sa taas ang cellphone niya."

"Oh I see, pasok na ako ha, may pag-uusapan lang kami. "

"Oo, naman pasok ka na nasa sala siya. "

"Ikaw hindi ka ba papasok sa loob?"

"Hindi na, hihintayin ko na lang ang kapatid ko rito."

Dahil sa sinabing kapatid ni Rossana biglang sumundot ang puso ni Al.

"Si---sinong kapatid mo?" may kabang sabi niya. At ang kanyang isip hindi na mapakali.

"Si Rosemary, papunta na siya ngayon dito on the way na nga siya."

Hindi malaman ni Al kong ano ang gagawin. At nag dadalawang isip siya kong tutuloy ba  sa loob ng bahay ng kaibigan o aalis na siya habang hindi pa dumarating si Rosemary.

PAG-IBIG NA KAYA? (Book 2: The Proxy Bride) by: Ginalyn A.Où les histoires vivent. Découvrez maintenant