Walang kumukurap ni isang
segundo habang tinitignan ng mga tao ang isang siyam na taong gulang na bata habang tumutugtog sa kanyang piano.
Tila parang propesyonal na ito kung tumugtog. Kada piyesa na kanyang pinipindot ay parang ritmong hinding hindi mo makakalimutan.
Ramdam na ramdam ng mga taga panuod ang mensaheng gustong ipahiwatig ng bata sa kanyang pagtugtog ng 3rd Movement of Moonlight Sonata ni Beethoven.
Samot saring papuri ang maisasabi ng mga tao sa kanilang utak dahil sa kagalingan ng bata.
Ngunit hindi lingid sa kaisipan ng mga taga panuod ang mga sakripisyo ng bata at ang mga dugo at pawis na kanyang naranasan sa pag ensayo.
Habang nasa kalagitnaan na siya ng kanyang pag tugtog parang biglang nawala sa sarili ang bata at nawala sa tono ang kanyang pag pindot ng mga piyesa.
Ang dating masasayang harmonica at melodiya na iyong mapakikingan mula sa piano ay nawala at na palitan ng mga mapapait na mga maling tono.
Nawala sa katinuan ang bata hindi maintindihan ng mga tao kung ano ang nangyari.
Huminto siya sa pagtugtog ng piano na may luhang umaagos mula sa kanyang mga mata kasabay rin dito ang paghinto ng kanyang mundo sa piano.
.
.
.
.
.
.
.
.
