47

2.2K 101 1
                                    

Genric's pov;

Habang nasa sasakyan kami ni alfred patungo sa aming tahanan ay binasag nito ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Always remember our deal."tango na lang ako dahil wala na rin naman akong magagawa sa ngayon.

Pagdating sa bahay ay nauna na akong kumatok,ng bumukas ito ay Tumambad sa harapan ko ang taong di ko pa handang harapin sa mga oras na ito.

Yumakap ito sa akin,di ko na alam kung paano ko pipigilin ang sarili kong wag umiyak,nanginginig na ang katawan ko.nasasaktan siya alam ko yun,pero mas higit akong nasasaktan sa mga oras na ito.

Pagpasok namin si bahay ay nasa sala pala si papa habang kalaro ni ate si gin.

"Anak,saan ka ba galing?at saka bakit kasama mo si."

"Papa!"di na natuloy ni papa ang itatanong nito ng magtatakbo si gin papunta sa akin."I miss you po."turan nito habang nakayakap sa hita ko.

"Ate pakikuha naman si redgin.gusto ko lang makausap si papa."turan ko naman ng di tinitignan ang bata.

"Papa dont you miss me."malungkot pa nA turan ng bata naninikip na ang dibdib ko dahil sa nangyayari.

"Ate."pagtawag pansin ko muli kay ate.

"Baby,akyat muna tayo sa taas...susunod na lang doon si papa okay."

Jarred's pov;

Anu ba ang nangyayari,naguguluhan ako.may mali eh.

"Anu bang sasabihin mo anak?"tanong agad ni tito ng maiakyat na ni ate yam ang anak ko.

"Gusto ko lang po sanang ipaalam sa inyo papa,na dito na titira si alfred."at lalo akong nabigla,parang bigla ay ibang tao si genric.anu bang nangyari sa kanya?

"Teka,anu ba tong kalokohan na ito?saka bakit ba kayo magkasama?"naguguluhan na ring turan ni tito.

"Boyfriend ko na po si alfred,at nais sana naming magsama sa iisang bubong."sagot nito.

"Gen anu ba...bakit ka ba nagkakaganyan?pagsingit ko.

"Mahal ko si alfred,at sana maintindihan niyo."

"Nahihibang ka na ba?ako ang karelasyon mo at hindi siya."naiinis ng turan ko.

"I already told you,hindi na kita mahal.si alfred talaga ang mahal ko.natatakot lang akong umamin noon."

"Thats not true,tinatakot ka ba ng lalaking to?anu bang ginawa niya sayo?hindi ako naniniwala sa mga sinasabi mo."galit ko ng turan.

"Teka pare,bat ba pinagpipilitan mo ang sarili mo?di ka na nga mahal di ba?ako na ang boyfriend niya kaya umayos ka."pagsingit naman ng gago.

"Eh tarantado ka pala eh."ubos na ang pasensiya ko sa lalaking to.

"Tama na yan!"pagpigil sa amin ni tito."anak,nakakasiguro ka ba sa sinasabi mo?"tanong pa ni tito kay gen.

"Tito."iminuwestra ni tito paharap ang palad niya sa akin saying manahimik ako.

"Opo papa."matigas na sagot ni genric.di ko makita sa mata niya ang dating ningning doon.iba siya ngayon.ramdam kong napipilitan siya,pero bakit?

"Sige nat magpahinga na muna kayo kung ganun,mukhang pagod ka."di na ako nakapagreklamo pa ng titigan ako ni tito.

Umakyat na sa taas si gen kasama ang gagong alfred na yun.

"Alam kong ramdam mo rin na may mali."napatingin ako kay tito.

"Bakit niya ito ginagawa?"tanong ko.

BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon