I don't need a man. I don't need you.

"Kaya kong umuwi."

"Kung ganun, ihahatid kita sa inyo." Matama niyang sinabi.

"Tsss! Kaya kong umuwi mag isa." Iritado kong sinabi.

Mas mabilis akong naglakad ngayon. Medyo malayu layo pa ang sentro. Pero siguro pagkatapos ng kahabaan ng kagubatang ito ay may makikita din naman akong tricycle.

"Sumakay ka na sakin, Chesca!" Masuyong sinabi ni Hector.

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung epekto ba ni Janine at Clark yung mahalay kong pag iisip o ano... Lintik! Naalala ko na naman yung eksenang sumasakay si Clark kay Janine!

"TIGILAN MO NGA YANG BUNGANGA MO, HECTOR!" Halos sinugod ko siya sa sobrang inis na naramdaman ko.

Nanlaki ang mga mata niya.

"TUMIGIL KA AT NAHAHIGH BLOOD AKO HA!"

Narealize ko agad na nakaawang ang kanyang bibig ngayon at biglang bigla sa pag aalburuto ko. Iniwan ko siya doong biglang bigla sa burst out ko. Buong akala ko ay na offend ko na siya at tumigil na rin siya sa kakahabol sa akin pero nagkakamali ako.

Sa sobrang bilis ng lakad ko ay nadulas ako sa putik.

"ARAY!"

Ang malas ko talaga? Bakit mabilis ang karma sa akin at mabagal iyon dumating sa ibang tao!?

Ang sakit ng pwet ko dahil iyon ang unang tumama. Punong puno ng putik ang pwet, likod, binti at tuhod ko. Nag splash kasi yung mga putik na naupuan ko. At nang sinubukan kong punasan ang mukha ko dahil sa buhok kong sumagabal ay halos makakain na rin ako ng putik galing sa braso ko.

"SHIT LANG HA! WOW HA!" Tumatawa ako kasi nababaliw na ako.

Hindi ko talaga kinaya ang kabalbalang nangyayari sa akin. Pakiramdam ko may kumukulam sa akin kahit na ako naman dapat yung nang kukulam ng mga tao dito. Nakakawalanghiya!

"ANO BA, CHESCA!" Sigaw ni Hector sabay pulupot ng kanyang braso sa baywang ko.

Sumunod siya! At hindi niya lang ako pinatayo, sa isang hawi lang sa binti ko ay nabuhat niya na agad ako.

"HECTOOOOR!" Sigaw ko sa sobrang kalabog ng puso ko.

Hindi ito kumakalabog dahil kay Hector, ah? Kumakalabog ito dahil nininerbyos ako sa ginawa niya. Nilingon ko agad ang naka dapang puting kabayo sa gilid niya.

"Good boy, Abbadon!"

Tumunganga na ako dahil nakasakay na siya sa nakadapang kabayo ngayon habang buhat buhat niya ako.

"AYOKO!" Sigae ko pero di ako gumalaw sa takot na magwala ang kabayo niya.

"Tumigil ka, Chesca. Magagalit si Abbadon. Tatadyakan ka." Humalakhak siya.

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon