“Maxine.” He called without taking his lips against my neck.

“Hmm?” I lazily asked as I brushed my fingers to his hair.

“Be my girlfriend.” Sabi nya na nakapagpabigla sakin.

Sa sobrang bigla ko ay nasabunutan ko sya na naging dahilan ng pag-angat ng ulo nya. Our eyes met and it had been hard for me to read his eyes. Ano daw?

“Nakadrugs ka ba?” Tanong ko. “Ah, adik ka.” Sabi ko. He was about to say something again pero buti na lang at may kumatok sa pintuan.

“Ma’am, Sir, meryenda na ho sa baba.” We heard their maid say. Shit. Buti na lang!

Hindi ko na pinansin pa ang sinabi ni Dylan, I didn’t even wait for him. Sa halip ay nauna na akong lumabas at bumaba patungong kusina where I found my parents chatting. Jemimah wasn’t with us dahil may kailangan syang tapusin sa school. How I wish na sana gumana din ang ganung excuse ko sakanila kanina.

After ng meryenda, pinili kong wag na bumalik sa kwarto ni Dylan. Maayos naman na iyon. AYokong makulong kasama sya sa iisang lugar dahil alam kong may hindi magandang mangyayari.

The following day, back to school nanaman. Akala ko that day would be the same kaso ay walang Dylan na sumundo sakin. I checked my phone, expecting for an explanation pero wala. I didn’t get a text from him, or kahit tawag. I didn’t bother asking him din naman. Bakit? Kami ba? No. Right, of course not. He asked me to be his girl yesterday and I said no.

Yun ba ang dahilan kaya wala sya ngayon? Right. Because he couldn’t get what he wants from me, he’s dumping me. Pero hindi nga kami, so how could he dump me? Ugh!

Nasanay na ako sa set-up namin ni Dylan. Aba, nakakalibre din naman ako ng gas no. Yun nga lang ay nahihirapan akong lumabas ng campus dahil wala akong dalang sariling kotse. HAyaan ko na nga, at least I’m free today.

I was on my way to our building when I received a phone call from Faith.

“Nasa school ka na?” Tanong nya sa tono na parang natataranta.

“Yup, why?”

“Can you go to the library and borrow a book about Psychiatric nursing? I can’t find my homework!” Aniya.

I rolled my eyes at her. “Alright. Pasalamat ka at 30 minsutes early ako ngayon. Bye, see you!”

I sighed as I turned to a new direction. AT least hindi na ko mabobored na tumambay sa room, right?

When I reached the library, kokonti lang ang tao. On going kasi ang classes ngayon and that is a good thing, pangit din kasi pag maraming tao dito, bukod sa yung iba eh nagiingay, yung iba naman ay nakikishare ng table. Inilapag ko ang gamit ko sa isang bakanteng lamesa at tumungo sa section na relaTed sa nursing. Yun nga lang ay nasa bandang dulo pa iyon.

I was looking for a good book when I heard something weird. Parang may kaluskos. Or baka guni guni ko lang iyon? Nawala rin naman agad eh kaya ipinagpatuloy ko na lang ang paghanap. But then, meron talaga eh!

"Ssshh"

Huh? Ano ba iyon? Dahil sa curiosity ko, sinundan ko ang mga narinig ko pang tunog hanggang sa makaabot ako sa may last bookshelf at lalong lumakas ang mga tunog. Sumilip ako sa pagitan ng mga libro.

"Martin.." ungol ng babae.

Biglang kumulo ang dugo ko sa nakita ko! A girl was leaning on the bookshelf while Martin was doing something with her. Mga walang modo! Pati library di pinatawad! Uhh!!! Sa sobrang inis ko ay dali dali akong lumabas ng library! Shit talaga ang mga iyon!

But I suddenly stopped on my track when I realized something. School. Library. Martin.

Holy shit! What the hell is he doing here?!

Perfect Pleasures (PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA'S SIZZLE)Where stories live. Discover now