Natatandaan mo ba? Noong 4 years old ka? Masama ang loob mo sa akin. Masama din naman ang loob mo sa mga magulang ko dahil sa pagbili nila sa bahay at lupa ng bestfriend mo. Hindi mo nga lang sila pwedeng awayin kasi bata ka pa lang, kaya ako ang inaway mo.
Natakot ako noon. 3 years old pa lang ako at walang kalaban laban. Ang tangkad tangkad mo pa kaya mas lalo akong natakot bukod sa mga bagay na pinagsasabi mo.
Ilang buwan na ang lumipas simula ng lumipat kami ng utusan ako nila Mommy at Daddy na makipaglaro sayo since magkatabi lang ang mga bahay natin at close na sila ng parents mo pero ayoko. May trauma na ako sayo.
One time, naglalaro ako ng bola ko at dahil sa napalakas ako ng sipa'y tumalbog iyon papunta sa bakuran nyo. Walang bakod kaya nagdere-deretso iyon. Parang nag slow motion pa nga iyon sa mga mata ko. Wala si Yaya ng oras na iyon kaya walang ibang pwedeng kumuha. Ayaw ko man, napilitan tuloy akong kuhanin iyon ng mag isa.
Hawak hawak ko na yung bola kaso may biglang tumahol. Yung aso nyo pala yun. Si Dekdek? Hindi pa kami close no'n kaya ang tingin pa nya sa akin ay isang malaking malaking steak. Laking takot ko ng makitang hindi sya nakatali. I swear, wala sya doon noong tumawid ako sa inyo. Akala ko makakagat na nya ako pero dumating ka. Pinatigil mo sya at parang mabait na tupang sumunod naman sya sayo.
Pinagalitan mo ako. Sinabi mo pang dapat nag papaalam muna ako bago pumunta sa bakuran nyo. Takot na takot ako no'n. Sa aso mo pati sayo. Pero mas takot ako sayo. Umuwi ako no'n at umiyak ng umiyak.
Pero natatandaan mo ba? Noong 6 years old ka? Bati na tayo no'n. Magkasundo na tayo at sabi mo nga'y ako na yung bestfriend mo. Hindi ko alam kung ano yung mismong dahilan kung bakit iyon nangyari, basta nagising na lang ako isang araw na nakangiti ka na sa akin.
Lagi tayong magkasama. Hanggang sa isang araw ay may babaeng dumating. Tutor mo pala yun. Kaya kapag dumadating iyon ay umaalis na ako kasi sabi nila Mommy ay bawal ka daw istorbohin kapag nag aaral ka. Pagkatapos ng pag tuturo sayo ng tutor mo'y aalis na iyon. Pupuntahan mo naman ako sa bahay namin at ituturo mo yung mga natutunan mo sa akin.
Sayo ko unang natutunang magsulat ng ABC hanggang Z. Ikaw din ang nagturo sa akin mag bilang from 1 to 10. Mag add at mag subtract pati pag kulay ng mga mansanas at ulap. At pagkatapos mo akong turuan ay maglalaro na tayo. Masayang masaya ako no'n lalo na kapag hawak hawak mo yung mga kamay ko. Pakiramdam ko kasi'y safe na safe ako.
At gusto kong gano'n din ang maramdaman mo kapag kasama mo ako. Na kahit mas matanda ka sakin at mas matangkad, hindi ko din hahayaang may mangyaring masama sayo pero sadyang pinagpilitan mo sa murang isip ko na ikaw dapat ang nagproprotekta sa akin.
Hindi mo ako hinahayaang subukan ang mga bagay bagay hanggang hindi mo pa muna iyon nasusubukan. Tulad ng kung safe ba yung swing sa park, kung masyado bang malamig yung tubig sa ilog o kung masyado bang maanghang yung tomato sauce. Ilan lamang ang mga iyon sa mga maliliit na bagay na ginagawa mo pero ng panahong iyon aaminin kong malaki ang ibig sabihin ng mga iyon para sa akin.
Mayroong insidenteng nangyari noong 10 years old ka na nagbigay sa akin ng chance para patunayang kaya ko ding gawin yung mga ginagawa mo para sa akin. Natatandaan mo ba yun? Inaway ka ng isa mong kaklase dahil lang sa ikaw yung crush ng crush nya. Kaya mo naman na sana yung sitwasyon na iyon pero nakigulo na din yung mga friends ng classmate mong iyon.
Agad agad pumunta sa classroom ko yung isang kaklase mo para sabihin yung nangyayari sayo. Mabilisang pinuntahan kita sa klase mo at doon ko nakitang luging lugi ka. May isang lalaki at dalawang babae ang umaaway sayo. Iyak ka na ng iyak nun. Sinasabi mong 'tama na' pero hindi sila nakikinig.
Sapat at valid ng dahilan ang mga luha mong iyon para mag init ang dugo ko't hindi do'n nakakatulong yung mga salitang lumalabas sa bibig ng mga classmates mo't pamaya mayang pag hiklat nila sa uniform mo't buhok.
