"So kung wala siyang girlfriend dun pa lang ako dapat mag-selos?"sabi niya sabay irap.
Natawa na naman ako.

"Tss. Tawa pa."nag cross arms naman siya at tumingin na lang sa teammates niyang nag t-training.

Okay. I need to be serious now. Kung ayaw niyang makuha sa salita edi dadaanin ko sa gawa.

Umalis ako sa pagkakayakap ko sa kaniya at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Iniharap ko siya sakin at hinalikan ko siya sa lips. Shet guys ang lambot ng lips niya. Nag rarambulan na ang mga internal organs ko kasabay ng paglipad ng mga paru-paro sa loob ng tiyan ko at samahan mo pa ng kuryente galing sa Meralco.

Sinimulan ko nang igalaw ang mga labi ko. Gulat na gulat naman ang bansot sa ginawa ko pero maya-maya ay nag respond na din siya. Pinulupot niya ang kamay niya sa waist ko at lalo pang lumalim ang kiss namin. Nauubusan na rin kami ng hangin. Hihiwalay na sana ko kaso etong isang to ayaw pang paawat. Loko talaga.

Narinig ko na lang ang mga teammates namin at ang Green Spikers na tinutukso kami. Oh shoot! Nandito nga pala sila. Nakalimutan ko. Grabe nakakahiya. Hinampas ko si Thomas sa braso kaya napahiwalay na siya.

"Ouch!"tatawa-tawa niyang sabi habang nakahawak sa braso niya.

"Tss. Tawa pa. Bakit di mo pinaalala na nandito temmates natin?"inis kong tanong sa kaniya. Tumingin na lang ako sa baba habang nakatakip ang mga kamay ko sa mukha ko.

Nag side hug naman siya sakin habang tumatawa pa din. Siniksik niya yung mukha niya sa leeg ko.

"Thomas ano ba?!"inis kong sabi sa kaniya. Pinipilit kong alisin yung kamay niya sa kin kaso para siyang tuko kung makakapit e.

"Sino ba kasing nagsabi na halikan mo ko?"nang-iinis na tanong niya sakin. Nakiliti tukoy ako kasi nga diba nakasubsob siya sa leeg ko.

"Napaka seloso mo kasi. Bwiset."naiinis na talaga ko ah.

"Haha. Okay sorry na. Gusto ko din naman eh. I love you baby."this time ay nakatingin na siya sakin. Inirapan ko na lang siya at tumingin na lang sa iba.

"Alam ko namang gusto mo din."sabi ko.

"Walang I love you too?"sabi niya. Nag pout pa. Psh. Pa cute. Okay cute na.

"Tss. Asa."sabi ko. Tinanggal niya na yung pagkakayakap niya sakin at tumayo. Lokong to. Di pa naman magaling yung sprain eh.

"Hoy umupo ka nga dito!"utos ko sa kaniya.

"Di. Wag na. Di mo naman ako love eh."sabi niya habang pa-ika ikang lumalakad.

"Drama mo. Oo na sige na. I love you too. Balik na dito dali."sabi ko. Wala eh. Di ko matiis.

"Sus. Wag na. Alam ko namang napipilitan ka lang e."nako ang kulit talaga ng bansot na to.

"Sino naman nagsabing napipilitan lang ako ha? Bumalik ka na dito. Pag di ka bumalik di ka na makaka kiss sa kin"ayaw eh. Edi pagbantaan. Effective naman dahil mabilis siyang bumalik dito sa tabi ko. Tingnan mo to. Parang walang sprain ah. Natawa na lang ako.

"Tss. Joke lang e. I love you ulit."sabi niya sabay side hug ulit at kiss sa cheeks ko.

"Bilis ah. I love you too. Wag na kasi magseselos."niyakap ko na rin siya.

"Opo. I love you Ara."shet kinikilig ako. Kanina pa eh.

"Kanina ka pa ah. I love you too ulit."paulit-ulit lang kami eh.

"Hehe sorry. Mahal lang talaga kasi kita."kinilig naman daw ako.

Naputol ang pag momoment namin nung sumigaw si Mika.

"Hoy ThomAra! Tama na landian. May training pa."sabi ni Mika. Sus kung makasigaw naman kala mo ako lang e. Siya nga pinupunasan pa yung pawis ni Teng.

"Hiyang-hiya naman ako sa inyo!"balik na sigaw ko sa kaniya. Si Thomas naman napapatawa na lang.

"Oh sige na. Magpapalit na ko ng damit. Shower ka na din baho mo na."sabi ko kay Thomas.

"Okay. Di ako mabaho no. Kung makayakap ka nga sakin eh."sabi niya. Oo na mabango na siya.

"Oo na. Sige na. Palit na ko."sabi ko. Bago ako makatayo ay kiniss niya ko sa cheeks. Enebe.

"Bye baby. See you later."sabi niya.

"Okay. See you."nag paalam na ko at naglakad na para makapagpalit na ng damit.

Hay. Kahit seloso yung bansot na yun mahal ko pa rin yun. Okay tama na landi. Bihis na haha.

*******************************************
Sorry walang matinong plot. First time po kasi haha. Please support my story po and sana nagustuhan niyo yung one shot kahit pure sabaw.
      
-TurtleNiVictonara




ThomAra ThoughtsWhere stories live. Discover now