Scene 42

51 1 1
                                    

Always

Halos araw araw kaming nag uusap ni Max simula sa araw na yun. Di nga lang palaging nagkikita dahil madalas sa ibang mga syudad na din sila tumutugtug. Kaya madalas text o tawag nalang kami. Pero naging maayos din naman saamin yun. Lalo na ngayong apat na linggo nalang at matatapos na din ang teleserye namin.

Excited na din ako dahil pagkatapos ng teleserye may isang linggong break ako. And I plan to spend it all with Max. Siguro mag a-out of town kami o sa kahit anong lugar na wala masyadong makakakita saamin.

Max: What time should I pick you up?

Ako: Diba gabi na din kayo makakauwi? Mapapagod ka lang. Just rest when you get home :)

Hindi siya nakapag reply sa text na yun. Tumutugtug siguro kaya hindi ko na din inabala. Naging mas pursigido ako sa bawat eksena at pinagiigihan ko na walang masyadong makalimutan na linya para mas madaming eksena ang ma kuha namin.

"Parang ang seryoso mo today ah." Komento ni Luis sa isang eksenang wala akong naging mali, pero siya meron at nauuwi sa tawanan pero ako naman hindi masyadong natatawa.

"Gusto ko lang kasing madaming matapos na eksena." Wala sa sarili kong sinabi. Tumaas ang kilay ni Luis dun kaya hindi ko na dinugtungan pa.

"Nga pala, mamayang after shooting free ka ba? Advance celebration ko sana para sa birthday ko sa makalawa." Halos magka stiff neck ako sa pagpipigil ne'to sa pag iling sa alok ni Luis. "Medyo hectic kasi yung schedule ko that day kaya ngayon ko nalang icecelebrate. Kasama ang staff at..uhh...a few friends and family." Dagdag pa niya. Tumango lang ako at huminga ng malalim.

Dapat mamaya kami magkikita ni Max! Halos hindi ko siya nakita sa linggong ito at mamaya sana mag momovie marathon kami. Pero paano ito ngayong iniinvite ako ni Luis? I can't just turn him down. I even forgot his birthday! Kaibigan ko parin naman siya kahit papaano at kapag hindi ako sumipot maiisue to for sure.

"Uhh...o-oo sige! Pero hindi ako magtatagal ah." Kumunot ang nuo niya sa huli kong sinabi pero hindi na din umangal.

Tinext ko kaagad si Max.

Ako: What time ka makakadating dito?

Walang reply ang dumating pero tumawag naman siya. Halos mahulog ko ang cell phone ko sa pagkakataranta. Sasagutin ko na sana ng biglang sumilay ang mukha ni Luis galing sa balikat ko kaya agad kong kinancel ang tawag ni Max. Shit!

"Luis!" Tumaas ang boses ko sa gulat at iritasyon pero tinawanan lang yun ni Luis at iniabot saakin ang isang bouquet of flowers. Kumunot ang nuo ko dun.

"Para saan to?" Nalilito kong tanong. Ngumuso siya dun at kinuha yung card na naka paslak sa mga bulaklak.

"Can't wait to see you tonight." Agad kong napagtanto kung kanino galing yung mga bulaklak nung binasa ni Luis ang naka sulat doon. "Walang pangalang naka lagay-" Nagulat si Luis ng halos hablutin ko sakanya ang card at bulaklak. Napansin ko din ang paninitig ng ibang tao saamin.

"Are you meeting someone tonight?" Lumapit siya sakin kaya napa atras ako. Tumunog ulit ang cell phone ko and I'm pretty sure si Max ang tumatawag. Bumaba ang tingin ni Luis sa cell phone ko kaya itinago ko ito.

"Hindi mo ba sasagutin?" May bahid na iritasyon sa boses niya. Tinalikuran ko siya at dumiretso sa lamesa kung saan ang mga gamit ko habang tinitignan yung mga bulaklak. Di ko inakalang galing kay Max. Palagi kasing potted flower plants ang binibigay niya.

"Eve?" Nagulat ako ng hinawakan ni Luis ang siko ko. Nasa likod ko na siya at hindi ko man lang namalayan na lumapit siya.

"Luis..." Hinarap ko siya at bahagyang tinulak. Hindi ako komportable sa lapit namin.

Behind The SceneWhere stories live. Discover now