O N E

24.5K 340 14
                                    

QUINN'S POINT OF VIEW
Kasalukuyan akong tumatakbo patungo sa kung saan. Basta! Pa-liko-liko na lamang ako upang hindi ako makita o mahabol manlang. Well I hope so.

PERO SYETE! HUHUBELLS!

LORD! NAGSISISI NA PO AKO KUNG BAKIT KO HINAGIS YUNG BATO! WAAH! KASALANAN TO NG KAMBAL NA 'YON!

"Hala, shit! Asan na ako pupunta?" Mas lalong lumakas yung pintig ng puso ko. Yung tipong kaharap ko ngayon si kamatayan at ready niya na akong kuhanin. May pagka-totoo naman—well fifty-fifty.

Kaharap ko na ngayon ay isang malaking pader. Oo, mahal ko ang action movies PERO HINDI KO TO KERI!

Tri-ny ko ang umakyat sa sobrang taas na pader habang nakapatong sa bato. Hindi man  katulad ng mga nakikita ko sa movies. Umaasa ako! Umaasa ako na makakaakyat ako dito!

Isang dangkal na lang!!

Quinn tiffany crystal santos! Mas mamamatay ka sa kamay ng Mafia boss na yun! Simpleng pader na lang to na walang buhay! Kayanin mo! Fighting!

"Okay...okay...one...two..THREE—!" Tinalon ko ang pader pero hindi pa ako nakakatalon ay gumulong ang bato. Naramdaman ko ang pagtama ng ulo ko sa lapag. Oo, masakit. Umiiyak na ako sa pwesto ko at hindi na makatayo. Akala ko basic lang katulad sa movies. Huhu, pinaasa nila ako.

"You're cornered." Mas lalong lumakas yung hagulhol ko sa narinig na boses. YUN YUNG MEN IN BLACK NUNG FAMOUS NA BACHELOR BUSINESS MAN! Isa ang tita ko sa mga katulong niya kaya alam ko...alam na alam ko! Yes! Super ultra mega sure na MAFIA BOSS SIYA! Oo! Ang akala ko sa mga italian at movies lang iyon makikita! Oo katulad niyo umasa din ako!

"Kuya...huhu, sorry na po talaga..." Kahit sobrang sakit ng likod ko dahil sa pagkakabagsak ay humarap pa rin ako kila kuya at lumuhod habang nakayuko. OO! SITUATION BETWEEN LIFE AND DEATH TO! KAILANGAN MAGMAKAAWA! GORA NA KUNG GORA!

"Tsk! Tsk! Tsk! Tara dalhin na natin siya kay boss." Napa-angat ang tingin ko sakanila. B-boss? Jusko...hindi na iyon situation between life and death, SITUATION WITH DEATH NA 'YON!

Agad akong lumapit kay kuyang nagsabi noon. Oo, kahit mabaho paa niya gora tayo bes!

"Kuya, please. Aksidente po talaga 'yon hindi ko po sinasadya—WAAH!! KUYA SORRY TALAGA!! PLEASE IBABA NIYO PO AKO! HINDI PA AKO READY MAMATAY!! HAYAAN NIYO MUNA AKONG SUNTUKIN YUNG MADRASTA KO AT YUNG DALAWANG BRUHA KONG KAPATID!" Halos umiyak ako sa bisig ni kuya! Lord! Malapit na yung van! Mamamatay na ko! Lord ang unfair!!

"Kuya! Gagawin ko lahat! Pakawalan mo lang ako dito! Kahit katulong pa yan basta walang kinalaman sa pag bebente ng katawan!" Pagmamakaawa ko kay kuya. Papayag akong mamatay basta masapak ko muna yung tatlong bruha sa buhay ko!

"Kuya, tumingin ka sa akin. Kuya, nag mamaka-awa ako—!" Naramdaman ko na lang ang pagbaling ng mukha ko sa kaliwa. "Ang ingay! Tuluyan kita dito e!" Humikbi na lang ako ng tahimik. Uminit ang kanang pisngi ko sa sampal ni kuya. Oo, masakit...

Paano kaya kung mag strip ako dito? Papakawalan na nila kaya ako? AY! ANO BA NAMAN YAN QUINN! Grabe na yung strip ah! Dalagang filipina ka!

"Tol, patulugin mo nga muna. Nakakarindi yan. Hikbi ng hikbi. Akala mo baboy!" Bago ako makareact naramdaman ko ang pagtusok ng isang matulis na bagay sa leeg ko.

Hindi naman nila ako sinaksak diba?

---
*SPLASH!!*

"AY PUKE MONG MABAHO!" Nagising ako sa lamig ng tubig. Well hindi siya tubig kundi YELO oo! Yelo! Nag Ice Bucket Challenge lang naman ako!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 22, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's the Mafia Boss' Wife [under revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon