PART 2.

15.3K 317 10
                                    

Malalaki ang hakbang na naglakad pabalik sa Mansion Montes si Kent. He can't believe how stupid his min ions are! Nagkamali daw ang mga ito ng nakuha. Hindi daw si Julianne Paredes ang nakuha nito and they just realized it noong malapit na sila sa Mansion.

   They got to be kidding me! Hiyaw ng isip ni Kent. Nauubusan na sya ng pasensya sa katangahan ng mga utusan nya. Simpleng bagay lang ay hindi magawa ng mga ito! Umiinit ang kanyang ulo.

   He was playing lawn tennis at the back of his Mansion when one of his boys called him. Matutuwa na sana sya ng sabihin ng mga ito na parang hindi daw iyon ang babae na pinapakuha nya. Then, who would it be?

   Tulog na tulog daw ang babae dahil pinaamoy nila ng pangpatulog. He went to check the girl out. Hindi pa naman sya ganun ka walang puso para gawan ng masama ang babae kung hindi ito si Julianne.

   "Mga tanga!" Agad nyang sabi pagkapasok ng kwarto. Apat ang inutusan nyang kunin si Julianne Paredes, ang lahat ng mga ito nakayuko at tila nahihiya na naka tunghay sa kanya. "Pinag iinit nyo ang ulo ko! Nasaan yung babae?" Tanong nya.

   Isa sa mga ito ang nag angat ng ulo at tinuro ang kama. Sinulyapan nya ang itinuro nito. Pamilyar ang mukha nito sa malayuan. Dagli syang lumapit. Napa mura sya ng makilala ang babae. Ang babae sa kanyang panaghinip!

   Sumampa sya sa kama upang lalo pang makumpirma. Ihinarap nya sa kanya ang mukha nito. Every detail of her face reminds him of that girl. Hindi sya maaaring magka mali. Ito nga ang babaeng yon!

   For a moment ay nalito sya. Ano na ang gagawin nya? Muli syang tumayo at hinarap ang apat na lalaking inutusan nya.

   "Malayo ang itsura nito kay Julianne. Ano'ng katangahan na naman ba ang pinairal nyo?" Kunot ang noo na tanong nya.

   "Eh boss, pinsan po pala yan nung Julianne. Akala kasi namin, sya. Kaya nung nakita naming bumili sya mag isa, kinuha na namin." Sagot ng isa.

   Hindi na sya sumagot. So, this girl is Julianne's cousin. What a small world. Sa pinaamoy na gamot ng mga ito, probably ay mamayang alas siete pa ng gabi magigising ang babae. Ano'ng hiwaga ba mayroon ito at tila napakafulfilling ng pakiramdam nya?

   "Iwan nyo na ako." Utos nya sa mga ito.

   Bagamat nagulat ang mga ito ay sinunod na lamang ng apat ang utos nya. He was at lost for a moment. Oo nga at ipinahahanap nya ang babae, pero it never occurred to him na ito na mismo ang tila lalapit sa kanya kaya hindi nya alam ang gagawin.

   Naging blessing in disguise din pala ang katangahan ng mga tauhan nya. But he si certain na hinahanap na ito dahil kung hindi sya nagkakamali ay mahigit isa'ng oras na ito'ng nawawala.

   He caressed her face. Just like how he remembered, hindi ito kasing ganda ng mga babaeng kakilala nya, her face is ordinary, but unique. Hindi ito maganda kung titingnan ngunit kapag tinitigan ay mapapansin na may kakaiba rito. She makes him drawn to her without her knowing.

   Umupo sya sa sofa na nakaharap rito. Nag iisip sya kung ano ang gagawin. Ngayon lang sya tila nablangko when it comes to planning. Ayaw nyang isama sa gulo ang babae, bagamat na pinsan ito ng Julianne na iyon. Si Julianne ang tangi nyang alas.

   Sa kalaliman ng pag iisip ay hindi nya namalayan na nakatulog sya. He was awaken by a scream! Agad syang bumalikwas at agad na tumayo. He saw the girl in front of the door, trying to unlock it.

   "Hey! Hey!" Tawag nya rito.

   Humarap ito sa kanya at napa atras. "H-huwag kang lumapit.. M-marunong ako ng karate!" Banta nito, ngunit kitang kita ang takot.

   Natawa sya sa sinabi nito.

   "A-anong nakakatawa? Sino ka ba? Nasaan ako?" Sunod sunod na tanong nito. Nakasiksik na ito sa isang tabi.

   "Well, as you can see, nandito ka sa mansion ko." Sagot nya rito.

   "And what am I doing here? I remember someone grabbed me and.. Oh my God! Siguro kidnapper ka! Kidnapper ka no?" Nanlalaki ang mga mata na tanong nito.

   "Oo, kidnapper ako. But I am the most good looking kidnapper in the Philippines." Simpatiko na sagot nya. He planned on playing with her for the moment.

   Hindi naka sagot ang babae. Luminga linga lang ito, as if thinking of something to do to escape. Hinayaan nya lang ito. Ilang sandali pa ay unti unti nya ito'ng nilapitan.

   "W-wag ka sabing lumapit! Lumayo ka!" Sigaw nito.

   "Damn, Lady. Keep your mouth shut. Ayoko ng maingay!" iritado na saway nya rito. "I am not going to hurt you if you will follow my rules." Madiin na sabi nya.

   "A-ano ba ang kailangan mo sa akin? I need to go home, please." Bigla ay para itong nanghina. Lumambong ang mga mata nito.

   "Let me see. Were you in a Charity event last week?" Tanong nya.

   Tumango ang babae. "Y-yes."

   "I thought so. You were wearing a yellow dress?"

   "O-oo." Muli ay sagot nito. Napalitan na ng pagtataka ang takot sa mukha nito.

    "Okay. Are you hungry?" Bigla ay tanong nya.

     Nangunot ang noo ng babae. "What?"

   "I mean, considerate naman kasi ako'ng kidnapper." Bawi nya.

   "I am not hungry. Just please, let me go. Hindi kami mayaman, okay? Walang ipangbabayad sayo ang mama ko kung humingi ka man ng ransom."

   Hindi nya ito sinagot. Kakatwa talaga ang sitwasyon nila ngayon. "Tumayo ka dyan, we will eat dinner." Imbes ay sabi nya rito. Inilabas nya mula sa kanyang bulsa ang susi ng kwarto na iyon at nagpatiuna syang lumabas.

   Nakaka ilang hakbang na sya ay hindi pa rin sumusunod ang babae. Muli syang bumalik. Naroon pa rin ito sa isa'ng sulok.

   "Ano ba? Tumayo ka na dyan." Naiirita na sabi nya.

   "A-ano ba kasing kailangan nyo sa akin?" Tumayo na ito.

   "Ayoko ng madaming tanong. As of the moment, well, obviously ay bihag kita."

   Wala ito'ng nagawa kundi ang tumayo at sumunod sa kanya. Palinga linga pa rin ito at alam nya na nag-iisp siguro ito ng paraan para makatakas. Inunahan nya na ito.

   "There's no way you can get out of here without my consent." Sabi nya.

   "Pauwiin mo na kasi ako!" Pumadyak pa ito na tila bata.

   "Isa pang pangungulit at malilintikan ka na! Ikaw na nga itong inaaya na kumain, arte arte ka pa." Singhal nya rito. Inunahan nya na itong bumaba.

   Dumiretso sya sa dining room. Hinintay nya pa ang babae. Palinga linga pa rin ito. Hindi nya malaman kung namamangha lang talaga ito o nag-iisp tumakas.

   "Hoy, Miss. Umupo ka na." Tawag nya rito. Pinaalis nya na ang mga katulong na naka tunghay sa kanila na marahil ay nagtataka.

   "M-mayaman ka naman na pala eh. Bakit nangkikidnap ka pa? O baka yumaman ka sa pangingidnap?" Tanong nito.

   "Ano'ng pangalan mo?" Imbes ay tanong nya. Kanina pa sya kating kating na malaman ang pangalan nito. Matangkad ang babae, malaman pero hindi mataba.

   "Particia." Matipid nitong sagot.

   "Okay. I'm Kent. Help yourself." Sabi nya.

   Maraming pagkain ang naka handa. Napalunok laway tuloy sya. May pasta, steak, dessert at may pizza pa. Hindi nya tuloy alam kung ano ang kakainin. Pero teka, baka naman may lason o gamut na naman ang mga ito.

   "B-baka may lason yan. O baka gamut pangpatulog." Sabi nya.

   "Ano ka ba? Nakita mo nga na kumakain ako eh. Edi sana nalason na rin ako." Amused na sabi nya sa babae.

   Nagkibit balikat ang babae.

   Ilang sandali pa ay magana na silang kumakain. Walang imikan.

   "Sino nagluto nito? May taga luto ka?" She asked. Tila nakalimutan na nito ang inuungot nito kanina na pauwiin na ito.

   Tumango sya.

   "Sabihin mo, magpapaturo ako magluto. Tutal, ayaw mo naman ako pauwiin." Sabi nito bago kumagat sa pizza.

   "Aba naman. Sa lahat ng kidnap victim na alam ko, ikaw ang demanding." Naiiling na sabi nya.

   Hindi na lang sumagot ang babae. Maya maya ay napatigil ito sa pagsubo as if may naalala. "T-teka, nasaan yung dala ko na paperbag?"

   Nangunot ang noo nya. "Why?"

   "Oh my God. Nasaan na?" Tila nag panic ito bigla.

   "Aling Tasing!" Malakas na tawag nya. Agad na dumating ang tinawag. "Paki check nga po sa itim na Honda civic kung may paper bag doon. Salamat." Sabi nya.

   Nagpatuloy sila sa pagkain. Bumalik ang katulong, ngunit wala daw. Naka alis na rin daw ang apat na tauhan nya. 

   "You need to find that paper bag!" The girl exclaimed.

   Tinapos nya ang pagkain bago ito sinagot. "Ano ba meron doon?" He asked.

   Tila naalangan sa pagsagot ang babae. "G-girl stuff." Sagot nito.

   They end up buying in a convenience store. He hated his self dahil para syang tanga na sinunod ito when she was supposed to be a kidnap victim. Nagsama sya ng tatlo'ng tauhan nya. Bale dalawampu ang mga tao nya sa mansion nya. Lima ang katulong at kinse ang mga taga bantay.

   Hangga't hindi nya pa alam ang gagawin sa babae ay hindi nya muna ito paalisin. He would just make her believe na kinidnap nya talaga ito. Humingi ito sa kanya ng pera. Good thing na may cash sya. Natawa sya nang makita na napkin ang binili nito.

  "Girl stuff nga." Natatawa na sabi nya nang muli silang makasakay sa kotse.

   Inirapan lang sya nito.

Kidnapped Love (Published)Where stories live. Discover now