1

1.6K 96 9
                                    


Dahan dahan ko'ng pinunasan ang aking mga luha. Habang nakaharap sa altar ng simbahan. Nanalangin na sana, sana maging maayos na ang lahat

Tumayo na ako at nag antanda ng krus bago tuluyang lumabas.

Inilibot ko ang aking mga mata, pinagmasdan ang mga taong nakapalibot sa akin. Masaya, tangina.

Isang ngiting mapait.

Huling buntong hininga at lumabas na sa gate ng simbahan.

Hindi ko alam kung nasa tamang pag-iisip pa ba ako. Ang gulo-gulo ng lahat. Bakit ba kasi pinili ko pa'ng pumasok sa mundong isinusuka naman ako?

Sa pagpasok ko sa punyetang mundo ng pag-ibig at in-love ay nakalimutan ko namang umuwi sa sarili ko. Nakalimutan ko namang pasalubungan ng pagmamahal ang sarili ko. Nakaka-gago lang di'ba?

Nagawa ko'ng mahalin yung iba ng mas higit pa sa sarili ko? Akala ng lahat tanga lang gumagawa 'non.. Akala ko rin e. Ang sarap manakit kasi nasasaktan ka rin ng pesteng panloloko at pagpapaasa. Shet naman. Sila yung totoong salot sa lipunan pero bakit hindi sila yung tokhangin? High lang naman yang mga adik. Atleast sila sasamahan ka sa ere. E yang mga punyetang paasa na yan? Yang mga jowa at mga crush natin na yan? Sila nga yung magtatas sa'yo pero iiwan ka rin naman. Takte. Mag-ma-marijuana na lang ako.

Masaya naman kasi talaga lahat. Wala namang conflict dahil nga masaya e. Until one daw kailangan ko'ng umalis dahil may kailangan ako'ng asikasuhin. Kasalanan ko, umalis rin naman ako ng walang paalam, saglit lang 'yon.. Kaunting panahon. Pero binalikan ko siya... Pero yung akala ko'ng siya lang e naging sila na pala. Muntanga lang diba?


Tinanggap niya ulit ako. So ang saya-saya ulit! Pero doon ako mas lalong nagkamali. Yung Childhood bestfriend niya pala iyong magsisilbing napakalaking pader sa pagsasama naming dalawa. Kahit na ganoon tinanggap ko. Yung childhood bestfriend niya ba ang jojowain ko? Echapuwera lang naman 'yon sa storyang ito e. Pampam lang ganon.

Kahit na nasasaktan ako sa kaliwa't kanang kantyawan patungkol sa kanilang dalawa ay nanahimik ako. Nanatili lang akong tahimik dahil malaki ang tiwala ko kay Rafael, pero wala, tangina.. Masakit talaga.

Kailangan na nating linawin ang lahat. Kung gusto niya na iyong childhood bestfriend niya at sawa na siya sa akin, ipaalam niya. Huwag na huwag niya lang ako'ng iiwan ng walang paalam, baka mabaliw ako.

Pero kung hindi naman siya ang nagbabalak na linawin ang lahat, kung gusto niyang mamangka sa dalawang ilog, ako na lang ang kikilos. Hindi ako tanga, ulol ba siya?

Kahit lutang at wala pa sa tamang katinuan sy tinungo ko ang Condo na tinutuluyan niya.

Madalas ko'ng gawin ang pagpunta sa condo niya ng walang paalam. Wala namang kaso 'don diba? Magpaalam man o hindi, ang importante'y nagkikita kami.

Pag pasok ko pa lang sa loob ay malamig na hangin na ang sumalubong sa akin. Yung aircon siguro hinayaan niya na namang bukas, sinabi ko ng mag-conserve ng kuryente e.

Kakaiba ang pakiramdam ko ngayon. Parang may mabigat na something akong nararamdaman, feeling ko pinipigilan ako nitong magpatuloy sa loob.

Pero pake ko? Tumuloy pa din ako.

Pagkatapat ko sa harapan ng pintuan ng unit niya ay mas bumilis ang tibok ng puso ko. Weird?

This Time Where stories live. Discover now