YELLOW, ORANGE, BLACK AND WHITE (ONE SHOT)

110 3 7
                                    

Yellow, orange, black and white, tell me the name of your sweetheart....

ANGELIQUE'S POV

"Tara laro tayo ng Yellow, Orange!!" pagyaya ng kaklase kong si Aleah.

"Tara! Buong 4th yr St. Margaret dapat maglaro ah! Ang mga KJ, ipapakain sa buwaya." sigaw ni Joseph.

At dahil wala kaming magawa sa oras na yun at dahil inaantay lang namin tawagin kami sa baba para magpractice para sa graduation namin bukas, eto ang naisipan nilang gawin at kasulukuyang nagfo-form na kami ng isang malaking circle at nagsquat sa floor.

Katabi ko sa aking kanan si Dindin at si Aleah naman sa kaliwa.

"Oh, eto ang deal ah. Kapag nawalan na kayo ng 2 kamay, aamin kayo kung sino ang crush niyo tutal graduation naman bukas." sabi ng kaibigan kong si Vivian.

Gulat na gulat naman ang lahat at pumayag na rin sila.

Ang daya lang ni Vivian, porket gusto rin siya ng crush niya, naglalakas loob na syang maghamon ng ganung klaseng deal?! Asan ang hustisya doon?!

Kinakabahan ako. Hindi ko pa kaya umamin kay Geoff noh! Geoff Ramirez, best friend konf gwapo, maputi, matangkad, matalino, basketball player, nasa kanya na talaga ang lahat. :">

Pano nalang kaya kapag nalaman niyang gusto ko siya? Lalayuan niya ako, for sure. Hays. Bahala na. </3

"Yellow, orange, black and white, tell me the name of your sweet heart!!"

Tumigil ang kanta kay Darryl at pinili niya ang letter G.

Naputulan ng kamay si Vivian, tama lang yun noh! Siya ang naunang maghamon eh!

Kumanta na ulit sila at natigil ito kay Jenna. Pinili niya ang letter X at naputulan ng isang kamay si Cherry.

Makalipas ng 10 ulit ng kanta...

"Yellow, orange, black and white, tell me the name of your sweet heart"

Natigil kay Geoff ang kanta

"H" sagot ni Geoff.

"A, B, C, D, E , F , G....."

"AHH!! FAST!!! FAST!!!! FASTTT!! WALANG HIYA KA GEOFF!" sigaw ko, pano ba naman?! Sakin tumigil ang letter H. Nahuli na ako sa pagsabi ng fast dahil tinamaan na ako ni Dindin bago pa ako makasalita. Tinignan ko nalang ng masama si Geoff na ngumiti lang sakin.

Marami na ang nag-aminan. Meron mga taong yung crush nila may gustong iba, one side kamo. May iba, ang gusto nila, may gustong iba tapos ang gusto ng gusto nila ay may gustong iba (ano raw?i), ah basta! parang dominos kumbaga. Tapos meron ding mga taong ang mga gusto nila ay gusto rin sila, mutual ang feelings nila.

10 ulit pa ng kanta ang nangyari bago 3 nalang sa amin ang natira. Ako, si Mandy at si......Geoff. Oo, si Geoff. Tig-iisa pa kami ng kamay kaya mas nakakakaba. Nanonood parin ang buong klase sa amin dahil nga inaabangan daw nila kung sino crush ko. Wala eh, ?ga shunga mga classmates ko eh.

"Yellow, orange, black and white, tell me the name of your sweet heart"

Natigil sakin ang kanta at pinili ko ang letter I.

"Ehhhh! Angelique naman oh!!" asar na asar na sabi ni Mandy sakin. Natawa nalang ako at nag peace sign. Di ko naman sinasadta yun noh?!

"Crush ko si..... Lyndon." pag-amin ng namumulang Mandy. Napatingin si Lyndon sakanya at ngumiti ng pagkalaki-laki. Eh, akalain mo, totoo pala talaga ang katagang the more you hate, the more you love? Oo. Palaging nagbabangayan yang sina Lyndon at Mandy tapos ayan pala, gusto nila ang isa't isa. Nakakaloka na nakakalig. Yiiiieeee :")

Napangiti nalang ako habang tinitingnan sila at tinutukso na rin sila ng buong klase.

"Oh guys! Meron pang natitira dito. Ang mag best friend." sigaw ni Krizzia.

Oo nga noh?! Kami nalang dalawa ang natira. Lord, aamin na ba ako? Ang hirap naman nito. Pano na to????

"Oh, bato-bato pick nalang tayo, Angelique? 1 point lang ah" tanong sakin ni Geoff.

"Sige ba!" pumayag naman ako kasi alam kong mahina sya bato bato pick. Palagi niyang inuuna ang bato, tapos papel tapos bato ulit tapos gunting. Sinabihan ko naman siya na baguhin yung paglalaro niya kasi kabisado ko na laro niya pero ayaw niya dahil daw "strategy" niya yun.

"Bato bato pick!"

"Mauna ka na Angelique! Hahahaha! Akala ko mananalo ka ulit noh?! Bleee! Sino crush mo?" oo, nanalo si Geoff. Unexpected. Eto na rin, aamin ba ako? Hay. Bahala na.

Biglang tumahimik ang buong klase. Yumuko nalang ako. "Ikaw."

5

4

3

2

1

" Sa wakaaaaas! Alam na nmin ang crush ni Angelique!!!!!" sigaw ng mga kaklase ko.

Hinawakan ni Geoff ang chin ko at tinaas ang ulo ko. Tinignan niya ako ng matagal sa mata dahilan upang mailang ako. Sari-saring malulungkot at nakakahiyang scenes na pwedeng gawin sakin ni Geoff ang nasa isip ko. Gaya lang na pagtatawanan niya ako o worse, iiwan niya ako. Naiiyak na ako. Huhuhuhu! :(

"The feeling's mutual." sabi niya ng nakangiti.

Ano raw?????

"Mu-mutual? Ta-talaga?"

Tumango lang si Geoff at ngumiti.

Totoo ba to?? Wow. Kinikilig ako na parang ewan. Wow! Woooooow! Hahahahahaha ang sarap sa feeling!!!

"From best friends to lovers, how sweeeeeet." Ayan na ang mga  tukso ng mga magagaling kong classmates. Ang ingat na sa room at ang saya ng lahat.

"4th year St. Margaret, pumunta na kayo sa baba. Turn niyo na para mag practice."tawag sa amin ng teacher namin.

"Oh ano, best friend, tayo na?"

"Oo, sige!"

"Ha?! Talaga?!"

"Oo? Tayo na sa baba!"

"Aish. Hindiiiii! Ang ibig kong sabihin ay since we have mutual feelings, tayo na ba?"

"Ahhhhh, hindi noh!!"

"Ha?! Hindi?! Bakit?!"

"Ligaw ka muna! HAHAHAHAHA"

"Aish. Sige na nga."

A/N: Hello po, at dahil sa nababasa niyo ito, ibig sabihin nun eh nabasa niyo po ang one shot na ito. At dahil sa nabasa niyo etong one shot ko, nais kong magpasalamat pagkat napili niyo itong basahin.

Nais ko rin po sanang hingian ng inyong reaksiyon tungkol sa storyang ito.

Wag niyo rin po sama kalimutang iboto ang storya at i-follow ako.

Salamat talaga and God bless! :')

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 30, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

YELLOW, ORANGE, BLACK AND WHITE (ONE SHOT)Where stories live. Discover now