Chapter 14 The Conversation (HisSide)

189 4 0
                                    

Brother Niel's POV

" Tahan na .. Huwag kang mag-alala bunso, nandito lang ako .. Mahal na mahal kita .. " alo ko sa kanya

" Sorry kung napaiyak kita bunso, last na iyak mo nalang ito ng dahil sa'kin .. " bulong ko

" Ah, brother, pwede mo na akong pakawalan .. " sabi niya sakin

Nakalimutan kong nakayakap pa rin pala ako sa kanya ..

" Sister Therese, sorry, nadala lang ako ng emosyon ko .. Naaalala ko kasi si Yanna, parehong-pareho kasi talaga kayo .. Sorry ulit Sister. "

" Ayos lang brother .. Salamat sa iyo at nailabas ko din ang nagpapabigat sa puso ko .. Sa totoo lang, yun lang naman kasi talaga ang gusto ko, ang sabihin iyon sa kanya .. "

" Huwag kang mag-alala, kapag magkita kayo ulit, masasabi mo na rin iyon .."

" Salamat ulit .. Bago tayo magkalimutan, ikaw naman ngayon ang magkukwento ng tungkol sa inyo ni Yanna .. "

" Okay .. "

" Upcoming 2nd Year Theologian ako noon nung dito ako maassign sa Fatima .. Fiesta noon nung biglang may nagtext sakin, isang group message na galing sa isang unregistered number .. Tinext ko, tinanong ko kung sino at si Yanna nga daw .. Nagkatext kami palagi, nagkakilala din kami ng personal, sinasama ko siya tuwing naglilibot ako sa area, katulad sayo naging magkapatid na rin ang turingan naming dalawa ... " pagpapatuloy ko

" Then?? What happened next?? "

" Hindi ko namalayang, unti-unti na pala siyang nahuhulog sa'kin .. Noong araw na aalis na ako, pumunta pa talaga siya dito para ibigay lang sakin ang isang bagay na palagi kong hinahanap .. " pinutol ko muna ang sasabihin ko

" Ano naman yung bagay na yun?? "

" Isang salamin .. Binigyan niya ako ng mirror .. Noon kasi, lagi akong nagtatanong kung may salamin ba sila kaya naisip niya sigurong bigyan ako ng isang salamin .. Hanggang ngayon, nandito pa rin ang binigay niya saking salamin .. "

" Nasaan na?? Gusto kong makita .. "

" Ito oh .. " sabi ko sabay pakita sa kanya ng salaming bigay sakin ni Yanna may dalawang taon na ang nakakalipas

" Buti naman po at nasa inyo pa iyan pagkatapos ng dalawang taon .. "

" Pinakainiingatan ko ang salaming ito hindi lang dahil sa galing ito kay bunso kundi dahil isa itong hindi pangkaraniwang regalo .. Alam mo, everytime I see my face in this mirror, I could also see hers .. Yanna gave me a chance to see the real me through her mirror .. "

" Ang galing .. Paano mo naman nalaman na may pagtingin siya sayo?? "

" She confessed her feelings, twice .. Una, ayaw ko sanang maniwala dahil bata pa siya ng panahong iyon .. Like you, she was just 14 that time pero noong nakita ko na mukhang seryoso siya, I decided to tell her all my flaws, baka sakaling maturn off siya at kamuhian niya'ko .. Mas gugustuhin ko pang kamuhian niya ako kesa sa mahalin niya ako at masaktan ko lang siya dahil magpapari ako .. I even told her na sana ako nalang ang hinihintay niya nung tinanong ko siya kung may boyfriend na siya at sabi niya kasi naghihintay pa siya .. Sana nga ako nalang .. "

" Ikaw naman talaga ang hinihintay niya ee, hindi mo lang siya pinapansin .. "

" Tapos, nung na'realize kong mahal ko na siya, I texted her I Love You .. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nung nagreply siya ng I Love You Too .. Pero, nung namatay yung nanay ko, hindi ko na ulit siya tinext .. Nagfocus nalang ako sa formation ko dahil nga gusto ko talagang magpari .. Pero, nalungkot ako nung nalaman kong nakatakda na siyang umalis dahil nalalapit na ang araw ng pagpasok niya sa monastery .. "

" Anong ginawa mo?? "

" Niyaya ko siyang gumala kami, nagpunta kami sa isang resort at habang natutulog siya nun, sinabi ko sa kanya ang lahat ng nararamdaman ko pero alam ko naman na hindi niya yun narinig .. "

" Paano ka nakakasigurado na hindi nga niya narinig?? "

" Kasi natutulog siya at kung narinig niya man, edi sana, hindi siya tumuloy sa monastery at kinausap niya ako bago siya umalis .. "

" Diyan ka nagkakamali! "

" Ha?? Bakit?? "

" Baka nga narinig ka niya pero mas pinili niya ang piliin si Lord dahil alam niyang iiwan mo din siya balang araw dahil ipagpapatuloy mo ang pagpapari mo .. "

" Kung hindi lang sana siya tumuloy ... "

" Hindi na mangyayari yun dahil sigurado akong masaya na siya sa loob ng kumbento .. "

" Sandali nga, nagkukwento ako diba?? Mamaya na side comment Sister .. "

" Sorry naman, sige ipagpatuloy mo .. "

" Inimbita niya ko noon sa isang party, hindi ko alam na despidida party niya pala yun .. Kinausap ako ni Fr. Patrick tungkol doon kaya naisip kong bigyan siya ng pagkakataong magkasama kami bago siya umalis .. Noong despidida party niya, nandoon ako, nagtatago dahil sa ayaw kong makita siyang nasasaktan na nagpapaalam sa lahat .. Pagkatapos nung party, agad akong lumabas at umalis .. Ang conference hall na ito ang saksi sa aking pag-iyak ng dahil sa pag-alis niya .. Mahal ko na siya noong time na yun pero, mas pinili niya ang Diyos kesa sakin .. Alam mo, kahit na ganoon yung nangyari samin, masayang masaya ako dahil sinunod niya ang kaligayahan niya at sinunod niya ang plano ng Diyos .. Masayang-masaya ako para sa kanya .. Sana lang, mabigyan ako ng pagkakataon na masaksihan ang kanyang Solemn Perpetual Profession, kahit yun man lang sana, wag ipagkait sakin .. "

" Alam mo, Brother ... "

" Ano?? "

" Sigurado akong iimbitahin ka niya sa Solemn Profession niya, naging bahagi ka rin ng buhay niya .. Oo, hindi naging kayo pero kahit bilang kapatid niya, iimbitahin ka niya .. "

" Salamat Sister, sa tingin mo ba nakamove on na siya?? "

" Sa tingin ko, oo .. Pero nandoon pa rin ng sakit, nanatili yung sakit na dinulot mo sa kanya, hindi pa siya completely healed .. Darating ang panahon na kapag nagkita kayo ulit, wala na yung erotic feelings na nararamdaman niyo, kundi brotherly love nalang .. Ikaw ba brother, mahal mo pa rin ba siya?? "

" Oo, mahal na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon, kung kinakailangan ngang lumabas ako ng seminary upang hanapin siya ay gagawin ko .. "

" Pero, paano kung ayaw niya?? Paano kung mas piliin niya ang Diyos kesa sa'yo?? "

" Tatanggapin ko, kasalanan ko din naman kasi kung bakit nangyari lahat ng ito ee .. "

" No, wala kang kasalanan, it was God's will .. Kung ako sa'yo, ipagpatuloy mo yang pagpapari mo, diba, una mong pinili si Lord?? Ngayon, siya ang unahin mo dahil hindi siya nagsasawang tawagin ka sa kabila ng lahat ng pagkukulang mo .. "

" Salamat Sister .. "

" Halika na?? Pahinga na tayo .. "

" Sister, salamat talaga sa pakikinig .. "

" Wala yun, brother .. Sige, mauna na po ako .. "

At umalis na siya .. 16 lang ba talaga si Sr. Therese?? Bakit ang matured niya nasyado mag-isip?? Makapagpahinga na nga muna .

You are MineWhere stories live. Discover now