Chapter 12 Almost

209 7 2
                                    

Bro. Niel's POV

Hindi naman kami masyadong nakakapag-usap ni Sr. Therese dahil abala sila sa kanilang Vocation Campaign .. At bukas naman ay aalis na sila, gusto ko pa sana siyang makasama kaso limitado lang talaga ang oras ee .. Saka pagbalik niya ng monastery, magtatago na naman ulit siya ee ..

" Good Morning Brother! " masiglang bati sakin ni Sr. Therese

Katatapos lang kasi ng misa at papunta kami sa refectory para mag-agahan

" Good Morning Sister .. Nasaan si Sr. Angelica?? "

" Bumalik pa sa kwarto si Sister .. Susunod nalang daw siya .. "

" Okay .. "

" Brother?? "

" Ano yun?? "

" Marami kaya ang dadalo sa Vocation Talk namin?? "

" Oo naman! Siguradong marami .. Alam mo, kung nandito lang ngayon si Yanna, sigurado akong pupunta siya .. "

" Yanna?? "

" Yes, yung sinasabi ko sayong kapatid ko dito na pumasok sa monastery .. "

" Oh I see, Yanna Tolentino, right?? "

" Yes .. "

" Magka-apelyido pala kami .. "

" At magkahawig pa hahaha .. "

" Baka, kambal kami?? "

" Malabong mangyari yun .. Unica hija yun ee .. "

" Joke lang naman! Alam mo ang lahat sa kanya no?? "

" Alam mo, mahilig yun sa mga madre at mahilig din yun dumalo ng mga search-in at vocation talk .. "

" Siyanga pala Brother, pasok na tayo baka hanapin tayo ni Fr. Patrick "

" Sige .. Mauna ka na .. "

Binuksan ko ang pinto para makauna siyang pumasok ..

" Good Morning Pads! " masiglang bati niya sabay mano

" Magandang umaga ho Padre .. " bati ko sabay mano

Maya-maya lang, pumasok na din si Sr. Angelica at nagmano kay Padre ..

" Sister, handa na po ang lahat para sa vocation talk ninyo mamaya .. " anunsiyo naman ni Fr. Patrick kay Sr. Angelica

" Father, 2 PM nga po pala kami magsisimula .. " - Sr. Angelica

" Okay, alam naman na ng mga tao yun, inanunsyo naman kasi yun nung nakaraang Linggo .. " - Fr. Patrick

" Marami po kaya ang dadalo pads?? " tanong naman ni Sr. Therese

" Oo naman Nya- Sr. Therese .. " - Fr. Patrick

Ano kaya yung naudlot na sasabihin sana ni Father?? Na-curious tuloy ako ..

" Pasensya na, naalala ko lang kasi si Yanna .. Mahilig din kasi yun dumalo sa vocation talks .. " - Fr. Patrick

" Oh I see .. Parang, hindi niyo po makalimutan si Yanna, kahit si Brother, si Yanna din ang kinikwento sakin .. " - Sr. Therese

" Mahal kasi namin siya .. " sabi ko naman

" Siguro, maraming nagmamahal sa kanya nu?? Ang swerte naman niya .. Kung nandito lang sana siya ngayon .. " - Sr. Therese

You are MineWhere stories live. Discover now