***

I'm off for a mission.

Video greetings for Clarence.

Pero, wala akong camera nun, phone lang. Di pa naman masyadong maganda yung specs ng phone ko, bahala na talaga.

Bumaba na ako agad sa canteen, recess time kasi ngayon ng class nila Clarence, so malamang nasa canteen sila.

Narinig ko pa si Candice na tinawag ako at tinanong kung saan ako pupunta, di ko na nasagot, nagmamadali talaga ako.

Pagdating ko sa canteen, ang daming tao! Halata ngang walang mga teachers. Nasaan naman kaya yung 4A?

Di ko naman masyadong kilala yung mga classmates ni Dodz, pahirap naman talaga oh..

Ayun! Nakita ko si Maki! Kaso puro lalaki yung kasama, wala si Dodz nun, buti na lang! Atleast di ako mahihirapang magtago.

Lumapit ako sa area nila, they're around 10 guys. Kinausap ko si Maki, sabi niya classmates nila lahat yun, yung 4 dun, kasama siya, e kasama sa Blazers.

Ayos 'to! Atleast, 10-in-one agad.

I told Maki about my plan, inasar pa niya ako nung pagkasabi ko, ang sweet ko naman daw. Sus!

Ano kayang sweet dun?

Tinanong ko naman si Maki kung nasaan si Clarence.

"Si Clarence? Naiwan sa room, kanina pa nga namin niyayaya na bumaba, ayaw naman, wala ata sa mood e."

Wala sa mood? Ano kayang problema nun?

Since nasa taas naman daw si Clarence, I'm free to do my stuff dito sa canteen.

Niyaya ko yung group nila Maki sa gym, mas maluwag kasi dun, mas madali ko silang mavi-videohan.

Buti nga pumayag sila e, akala ko pahirapan pa bago ko sila mapalabas.

Doon kami nag-stay sa gilid ng gym malapit sa stage. Kinausap ko silang lahat kung anong gagawin. They asked me to give them 10 minutes to prepare. Pumayag naman ako, pero prepare? Magpapaalam lang naman sila kay Clarence, anong kailangang i-prepare doon?

Pumunta muna ulit ako sa canteen at bumili ng shake. Then bumalik sa gym after 10 minutes.

At pagkakita ko sa kanila, muntik ko ng malaglag yung dala kong shake.

Asdfghjkl?!?!?

Nakataas yung pants nila hanggang tuhod, actually above the knee pa nga, naka-shirt na lang sila na naka-tupi. Parang girls' underwear ba? You get it. Kita yung mga tyan nila. And they're acting like what the--- gays?!?

"We're ready!" cheerful na cheerful naman si Maki sa pagkakasabi niya.

"Maki, anong ginagawa niyo?!?" lumapit naman ako sa kanila, "Ibaba niyo nga yang shirt niyo.. Ano ba kayo?" binababa ko yung mga naka-taas niilang shirt.

"Hey, hey, hey. No worries okay? Sa ganitong paraan namin gustong maalala ni Clarence. So roll the camera." Sabi naman nung isang guy sa group habang pinipigilan niya ako sa pagbababa ng mga shirt nila at tinulak ako sa gitna para ma-videohan sila.

OMG! They're insane! No wonder, classmates nga sila ni Clarence.

3.. 2.. 1.. Roll it.

They're going nuts!!! Geez. These people are.. are.. crazy like hell! Sumayaw sila dun at nagbabading-badingan. I don't know the term to use, I hope you get it. Yung student body na nasa gym, nakapaligid na sa kanila. And obviously, nagtatawanan.

After ng scene na yun, isa-isa naman silang lumapit sa camera, at nagbigay ng message for Clarence. This time, matino naman yung mga sinabi nila. Serious nga e. After ng solo messages, nag-line up na naman sila, nag-akbayan at sabay-sabay, "We love you Pare!"

Accidental EverythingWhere stories live. Discover now