"Well, I am thinking we could have dinner sa bahay bukas." Sumubo naman si Clarence.

"Dinner pa?"

"Kung gusto niyo, dumirecho na kayo sa bahay after class, susunod na lang ako, may dadaanan pa kasi ako e." halata namang medyo puno pa yung bibig ni Dodz habang nagsasalita.

"Great! Mag-DVD marathon muna kami habang wala ka."

"Blazers will be there too."

"WHAT?!?" sabay-sabay pa kaming tatlo nun.

"Ofcourse. Despedida ko nga diba? So, all my friends should be there. Siguro mag-invite na rin ako ng ilang classmates ko." Uminom naman na ng tubig si Clarence, mukhang tapos na siyang kumain. "Mauna na ako ah? May tatapusin pa akong seatwork e."

Blazers yung basketball team ng ICA. Malamang puro lalaki yun diba? Tapos isasama pa niya sa despedida niya? Wala akong kilala dun e. Well, maliban na lang kay Dodz at kay Maki na laging kasama ni Clarence, kaya nakilala ko.

Isa pang iniisip ko, ano bang pwede kong ibigay kay Dodz? Farewell gift ba? Nako naman, birthday gift niya nga hirap na hirap na akong maghanap, farewell gift pa kaya? It has to be really special, kasi matatagalan bago masundan yung gift kong yun.

After dismissal, niyaya ko sila Candice and Shang para mag-mall at nang makapag-hanap na rin ng pang-regalo.

We went to National Bookstore, pero naisip ko kasi, Clarence is not that type of guy na mahilig magbasa. So umalis kami agad. Pumasok naman kami sa mga clothing stores, feeling ko naman halos lahat ng naka-display dun sa shop, meron na si Clarence. Next stop was the Toy Shop, mahilig kasi sa Star Wars si Dodz, yun nga lang nakumpleto na niya yung Star Wars collection nung last birthday niya. Then we went to accessories stalls, naalala ko, di man lang nagsusuot ng singsing o kung ano man yang si Dodz. Waaaah! Super fail lang ng find-a-perfect-gift mission ko.

Ano na bang ibibigay ko?!?!?!

Umuwi ako ng bahay ng walang napala. Buti pa nga sila Candice, may nabili, novel book, then si Elisha, perfume. E ako na nagyaya, walang nabili.

***

Kinabukasan, natataranta na ako. Mamaya na yung dinner party ni Dodz, at wala pa rin akong naiisip na decent gift for him. Ano ba? Bakit naman kasi ngayon pa ako naubusan ng gift ideas e. Can somebody help me please?

"VTR!"lumapit sken si Elisha habang may lollipop.

TLE na namen ngayon, pero walang teacher, nagkaroon kasi ng emergency meeting yung mga teachers ngayon e, kaya free lahat ng mga students. Yung iba, nasa labas, yung iba nasa canteen. Us? We opted to stay sa room, wala naman kasi kaming gagawin sa labas tsaka sa canteen e. Nagbabalak nga sana ako na matulog kasi talagang napuyat ako kakaisip ng regalo kay Clarence. Pero eto, nilapitan na ako ni Elisha.

"VTR? Anong VTR?"

"VTR, yung video greetings ba? Yung sa mga artista, pag birthday nila may ganun, babatiin sila ng mga fellow artists nila, mga director tsaka fans."I think I get it. "Hi Papa P, Happy birthday! More powers to come, sana magkasama na rin tayo sa project, I would love to work with you." At talagang may reenactment pa 'tong si Shang.

Well, I'll consider that. Atleast diba personalize. And for sure wala pang ganun si Dodz.

Finally!

"You're a genius Shang!"niyakap ko naman siya nun,

"I know right. But please, stop this. Tanggalin mo na ang kamay mo teh.."Bading talaga nitong si Shang, bestfriend naman niya ako nandidiri pang yakapin ako. Fine, basta, thank you sa kanya!

Accidental EverythingWhere stories live. Discover now