Chapter 18 "Weekend"

327 15 4
                                    


Chapter 18

Tanya's POV

Nasaan na kaya si Jeymin? Di ko sya makita. Nag-alala na talaga ako, kung saan-saan ko na sya hinahanap di ko pa rin sya makita.

Hanap ako ng hanap sa kanya nang biglang

May yumakap sakin mula sa likuran ko. Nagulat ako ng husto. Gumalaw ako at balak kong lumingon kung sino itong bigla-biglang yumakap sakin. Syempre magtataka ako. Pero hindi nya ako hinayaan na humarap sa kanya, hinigpitan nya lang lalo ang pagkakayakap sakin.

"I love you" sabi nya. Mas nagulat ako at mas nagulat ako dahil boses ni Jeymin ang narinig ko. Mas humigpit ang yakap nya sakin. Bumibilis ang tibok ng puso ko pero nagtataka ako. Gusto ko syang tignan pero hindi ko magawa dahil niyayakap nya ako. Ramdam ko yung mga braso nya na nasa balikat ko.

Hindi ko maintindihan pero parang sasabog na ang puso ko, yung moment pa lang na yakap nya ako lalo na't sinabi pa nyang I love you. Di ako nakapagsalita...

Gusto kong magsalita, gusto kong humarap sa kanya, gusto ko syang makita pero di ko magawa.

Nakayakap pa rin sya sakin at ang higpit. Natutuwa ako, ang saya bigla ng pakiramdam ko kahit may halong pagtataka. Mahal nya ako... Omaygad mahal din nya ako...

"Mahal din kita..." sinabi ko na

"Mahal din kita Jeymin..."

***

Narrator

Sa isang Condominium, sa 9th Floor, sa loob ng isang unit. Dito nakatira si Zelo. Nag-iisang anak sya ng isang mayaman at sikat na bussinessman sa Korea. Noon pa man ay mas pinili na nyang tumira mag-isa.

Pumasok si Zelo sa kwarto nya dala ang trey na may lamang pagkain. Nilagay nya ito sa bed side table tapos tumingin sa babaeng nakahiga ngayon sa kama nya.

Si Tanya...

Pinagluto nya si Tanya para kapag nagising na ito ay makakain na sya. Nung hinimatay si Tanya balak naman nya sanang iuwi na ito sa bahay nila kaso naalala nyang hindi sya pwedeng makita ng yaya ni Tanya. Komplikado ang sitwasyon

Tahimik na pinagmamasdan ni Zelo ang mukha ni Tanya habang mahimbing na natutulog.

Ang ganda nya, nasa isip ni Zelo habang minamasdan si Tanya. Umupo sya sa kama para mas mapagmasdan ang magandang mukha nito.

Paano na lang kung wala ako sa elevator. Tss. hindi talaga sya nag-iingat

Hindi na nagtaka si Zelo kung bakit hinimatay si Tanya sa loob ng elevator. May trauma si Tanya sa masikip na lugar, at alam yun ni Zelo noon pa kaya nung umalis non si Tanya mula sa Tower alam ni Zelo na sasakay sya ng elevator kaya agad nyang sinundan. Sa kasamaang palad nga ay nangyari ang pinangangamba ni Zelo.

Hindi na masyadong nag-alala si Zelo dahil ang sabi ng nurse kanina kailangan na lang nyang magpahinga.

Tinignan ni Zelo ang orasan.

quarter to 10 pm na...

Inayos nya ang kumot ng natutulog na si Tanya, at balak nyang lumabas na lang muna at sa sofa na lang sya magpapahinga habang hinihintay ang pag gising ni Tanya.

Aalis na sana sya nang

"Mahal din kita..." 

napahinto sya nang marinig ang sinabi ni Tanya, nakatalikod na sya kay Tanya nyan. Nagulat sya sa narinig nya.

Nilingon nya si Tanya, akala nya gising na ito pero paglingon nya ay natutulog pa rin pala ito. Nagsasalita sya habang tulog.

humarap ulit si Zelo sa kanya, para kompirmahin na baka magigising na. Bigla nagsalita ulit si Tanya habang natutulog

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Crushlife Ni Ms. SadakoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon