ANG PAGALIS SA BAHAY NI LOLA

1.8K 52 2
                                    

Sa ika sampung araw namin sa bahay ni Lola. Hindi pa rin kami matahimik, dahil sa babaeng naka itim. Lagi siyang nagpapakita hindi na nga kami makatulog sa kaba. Kaya si nanay nagsimula ng magimpake. Ako naman nanunuod ako ng tv tsempo naman na Supernatural ang palabas, at ang episode ay tungkol sa multo na pumapatay. Nakita ko ang ginawa nila sinunog nila yung bangkay o kahit anumang bagay na may connection dito.

Naisip ko kung sunugin ko ang buto matatapos ang lahat. Sinabi ko kay nadine at sa nanay ko ang plano. Ayaw sumang-ayon ng nanay ko dahil delikado raw. Pero ano naman magagawa ko dba? D baleng sumugal basta may kahihinatnan. Pag punta ko sa kwarto ng magisa sumilip ako sa ilalim ng kama upang kuhanin ang baul at sunugin ang buto. Tapos lumamig ang paligid. Ang hininga ko'y parang nagyeyelo. D nagtagal ang babaeng itim sa likod ko. Kaya kinuha ko yung baul sabay takbo sa pinto. Kaso pagbukas ng pinto. Andun na sya. Ang bilis nya e. Tas lumapit sya sa akin. Ako naman ay lumalayo. Hanggang sa sinakal nya ko nabitawan ko yung baul.

Hindi na ko makahinga buti na lang. Dumating si nadine kinuha yung baul. Kaya naagaw ang atensyon ng multo. At hinabol si nadine. Sinundan ko sila. Lumabas si nadine ng bahay dala ang baul. Sa may hardin nandun na si nanay. Nakahanda ang lalagyan na paglalagayan. Kailangan na lang sindihan kaya dapat ilagay na yung baul. Hinagis ni nadine yung baul kay nanay. Nilagay na ni nanay yung baul sa lalagyan. Binuhusan na nya ng gaas. Tapos sisindihan. Na nya ng biglang humangin dahil lumabas yung multo. Namatay yung apoy. At sinakal si nanay. Tumakbo ako. At pinulot yung posporo. At hinagis sa lalagyan. At tuluyang nasunog yung baul. Kasama ang kaluluwa ng Babaeng itim.

At sabay. Naming tinignan ang nasusunog na baul. At tinignan din namin. Ang bahay na minsan naming minahal kahit puro takot ang aming naramdaman. Nagimpake na kame pabalik sa maynila. Pagsakay namin sa sasakyan. Nagpaalam na ko sa bahay. Inabot na kami ng dilim sa daan. At sa wakas nakarating kami ng Maynila ng ligtas wala trahedyang nangyari. Kinalimutan namin ang lahat at inisip namin na isang malaking bangungot lang ang lahat.....

Ang Bahay ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon