Ang Lalakeng Humihila ng Tanikala

1.7K 63 4
                                    

Kinabukasan ika-apat na araw na namin sa bahay ni lola. Nagulat ako dahil nakita ko si nadine sa labas ng bahay. Tinotoo nga nya talaga. Yung pagbisita, niya dito sa amin. Pagkakita ko sa kanya dinala ko kagad siya kay nanay upang makamusta nya si nadine. Natuwa ako kasi parang gusto ni nanay si nadine para sa akin. Dag dag pogi points din yun. Kwinento ko sa kanya yung mga nangyari sa akin pero ayaw talaga nyang maniwala. Sabi ko sa kanya huntingin natin yung babae sa binatan mamayang gabi sana naman magpakita.

Gabi na dala ang flashlight sinusubaybayan namin ni nadine ang sala sa taas kung nasaan ang bintana ( lugar kung saan ko nakita ang babae sa bintana ) 12:45 na at wala pa rin ang babae sa bintana ng biglang may kumalansing sa baba sa may kusina. Syempre bumaba kami baka doon magpakita yung babae. Pero wala kaming nakita pero may tunog palagi ng tanikala na hinihila nagtago kami sa may hagdan at maya maya lumabas ang isang lalakeng nakagapos sa kadena at may hihilang kadena o tanikala at paikot ikot lang siya sa lugar. Habang tumutulo ang mga dugo sa kanyang katawan paikot ikot lang siya talaga sa paligid hanggang sa mapansin niya kami.

Bigla siyang nawala kaya nagtaka kami kung bakit. Kaya bumaba kami kung nasan yung lalake pero nagulat kami dahil lumabas siya sa likod ni nadine. Pero hindi niya sinasaktan si nadine. Kaya dahan dahan kaming umakyak habang tinitignan niya. Tapos nawala na siya. Hindi naman natakot si nadine bagkus natuwa pa siya dahil totoo nga ang mga sinasabi ko. Kaya natulog na kami.

Ang Bahay ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon