Isang simpleng araw ng sabado..
Balde at basahan mabuti pa sila laging magkasama.
Habang nagsasahod ng tubig, napalingon ako sa kanan.
Nakita ko ang maputing chinito na nag-aayos ng dulo ng pantalon nya. Napaisip ako baket kaya naisipan nito na magsuot ng pantalon na may mahabang lalayan tapos itutupi din.
Napalingon siya at nakita akong nakatingin sa kanya. Lumapit siya.
Bigla kong inalis ang tingin sa kanya at tinignan ang umaapaw na tubig sa balde.
"Hi... " nakangiting sabi niya.
Bubukas palang ang bibig ko nang..
Po Ate.." Bigla niyang dugtong.
"Ate?? Ate!! Ate!!" Nag-iinarteng reklamo ng isip ko. Mas bata pala sa akin eto. Sayang cute pa naman.
"Ate.. Ok ka lang?" Tanong niya.
Nagkamalay mode..
"Yes ok lng ako. Ano yun?" Arrogante kong tugon.
"Ate puno na ang tubig." paalala niya.
"Ay.. Kalabaw!" nagulat kong reaksyon habang umaapaw ang tubig.
"Ate.." tawag niya.
"Ano yun?" medyong naiirita kong tanong. Habang sinasara ang gripong isa lang ang pihitan.
"Kilala mo ba si Ana Villena? Student grantee siya?" tanong niya.
"Oo, sa Graduate School siya nakaduty. Gusto mo samahan kita doon?" naiintriga kong tugon.
"Siguro jowa ni Ana eto?" Isip ko. Kasi ang tipo ni Ana ay yung habulin ng lalaki. Maganda eh..
Habang naglalakad parang may nararamdaman akong pabigat sa kaliwang kamay ko. Ngek.. Nadala ko ang punong balde dito sa second floor.
Kalungkot lang ay hindi man lang ako tinulungan ng lalaking ito. Ang bigat na ng balde.
"Ate.. Andito na tayo sa Graduate School. Maiwan na ako dito. Salamat Ate." Masaya niyang tugon.
Nakita kong nakatayo na siya sa pinto at nagsimula kumatok. Biglang bumukas ang pinto at bumungad ang nakangiting babae..si Ana. Halata sa mukha niya ang pananabik na makita ang lalaki.
Cguro nga boyfriend siya ni Ana. Oh well atleast makakauwi na ako.
Hay naku bakit kasi nadala ko dito itong balde. Bigat sobra. Sana man lang tinulungan niya ako magbuhat. Layo din nun ah..
DU LIEST GERADE
You/Me
RomantikLife is full of teachings... Lance and Tami came from two different worlds that will meet in one place at St. Denis University where different class of students that makes a school mysterious. Alipin - Working students, at mga mahihirap na student...
