Season 2 | F |>>#MgaNgiti

Start from the beginning
                                    

Tumango ako sa kanya at pinagpatuloy 'yung iba ko pang pinipiturahan. I bet makakahinga na siya ng maluwag.

Hindi kalayuan kila Belle, si Jade, Gabby at Ae naman ang nakita ko. As always nagkukulitan sila. I think tanggap na ni Jade si Aguinaldo Emilio a.k.a Ae Bautista bilang gayfriend ni Gab. Wala din naman siyang magagawa, Gabby is very fond of him/her. Para na din kasing baby namin si Ae sa barkada.

At dahil nandito si Jade, malamang na malamang nandito 'yung perverted monkey. At hindi nga ako nagkamali, agad ko siyang nakita na nakikipagpalitan ng mukha dun sa may tabi. May isang babaeng nakaupo sa lap niya at hinahalikan siya tapos 'yung isang babae naman nakatayo sa likod niya at minamasahe ang balikat niya. Yuck!! Babo talaga forever! STD!STD!

To complete the cast, bigla namang pumasok sa auditorium si Jesse at Leo. I was shocked to see them of course, matapos namin ipalabas na niloloko ni Leo at Jade si Jesse behind her back, ini-expect namin na maghihiwalay sila at madedepress si Jesse at mag suicide na lang. Masama ba? Yes, galing mismo 'yan sa bibig ng isang Belle Silva.

I don't even have something against Jesse, pero ang laki ng galit ni Belle sa kanya kaya pati kami na set na ang mga utak namin to destroy her.

Dumeretso sila ni Leo sa may direksyon nila Bellle. Ni hindi man siya tiningnan ni Kendrick at umastang parang walang tao. Nang kausapin ni Jesse si Belle agad na tumayo si Kendrick at umalis, si Leo naman nanatili lang sa likod ng girlfriend niya.

Dahil ayoko nang makita pa kung paano na naman mag aaway 'yung dating magkaibigan kasi sigurado akong sa dulo ng pag uusap nilang dalawa ay uuwing may kalmot si Jesse, sinundan ko si Kendrick sa labas.

Nasa top floor ang auditorium ng AMV building kaya open corridor ang mayroon ito, hindi katulad ng ibang auditorium ng ibang building. Overlooking ang buong university pag lumabas ka ng auditorium.

Nakita ko siyang nakasandal sa isa sa mga railing at nakatingin sa may open field sa ibaba. Kitang kita mula dito 'yung mga naglalaro ng football at 'yung mga nag prapractice ng baseball.

Malakas ang hangin dito kaya nadadala ang mga buhok namin. Sobrang peaceful, compare sa chaotic scene sa loob.

Nakasimangot ang mukha niya at mabilis ang paghinga niya. Halatang galit siya dahil pati ang mga tainga niya ay namumula.

Alam ko na kung bakit siya lumabas.

"Hi,"Mahina kong sabi.

Agad naman siyang napatingin sa direksyon ko at napangiti. Pero kita ko na hindi umabot 'yung mga ngiti niya sa mga mata niya. Halatang pilit ang lahat.

Kaso 'yung mga titig niya habang papalapit ako ay agad na nagpabilis ng pag tibok ng puso ko, na para bang sobra akong kinakabahan. Eto 'yung sinasabi kong pakiramdam ko sa tuwing malapit ako kay Kendrick. Nakakabaliw na kasiyahan.

"Kumusta na?" aniya.

Oo nga pala isang linggo na din pala ng huli kaming magkausap. Simula ng araw na natapos 'yung tampuhan nila ni Belle, wala na kaming oras na dalawa na mag-kausap ulit.

"Okay lang, ikaw?"

"Okay lang din,"

Lumapit ako sa kanya at tumabi. Nadadala ng malakas na hangin 'yung amoy niya. Shit ang bango niya. Nakakapanghina ng tuhod.

"Okay ka lang?" tanong ko. Pinagmasdan ko siya mula sa gilid ng mga mata ko at nainis ako kung bakit ang layo ng tingin niya. Ano ba kasi ang iniisip niya?

"Ha? Bakit naman hindi ako magiging okay?"

"Wala naman. Nakita... nakita ko kasi na lumapit sa inyo si Jesse. May problema ba?"

Matagal siya bago sumagot ulit.

"Hindi ko alam kung paano sila mapapatawad," Tiningnan niya ako at ngumisi siya bago siya nagpatuloy ng kwento, " Kaibigan ko si Leo simula pa nung nasa probrinsya kami nakatira. Tinuring ko siyang parang kapatid. Nang lumipat kami dito sa Manila, sa parehong High school kami pumasok. Sabay namin nakita si Jesse. Pero dati kahit na medyo weirdo pa ako at... alam mo 'yun...'yung itsura ko nung una nating pagkikita? Nagustuhan ko pa din si Jesse, kahit na alam ko ang laki ng agwat naming dalawa,"

Nagsitawanan naman kaming dalawa. Oo tandang tanda ko pa nun na akala ko na pari siya na naligaw sa bar. Ilang buwan na bang lumipas simula nung gabing 'yun? Madami dami na din ang nangyari. Ibang Kendrick na din ang kausap ko ngayon.

"Nang nalaman ni Leo na may gusto ako kay Jesse, agad niya akong pinalayo, dahil sabi niya hindi naman daw ako magugustuhan ni Jesse kaya 'wag na lang daw ako mag aksaya ng panahon," Nakita ko na bigla niyang kinuyom 'yung mga kamao niya. Naalala niya siguro 'yung mga nangyari sa kanya dati. Hinayaan ko lang siya mag kwento para malabas ang galit niya.

"Binigyan ko sila ng pagkakataon. Kaso nung nakita ko na umiiyak si Jesse dahil sa kanya, hindi na ako nag aksaya ng panahon. Simula nun naging malapit kami, naging sandalan niya ako sa tuwing nag-aaway sila. Ako 'yung kasama niya sa tuwing may ibang babae si Leo. Ang dami ko nga atang nasakripisyo para lang sa kanya. Pati pag-aaral ko napapabayaan ko na dahil padalas na ng padalas pag nag-away sila. Hindi ko nga alam kung natutunan niya talaga akong mahalin o napilitan lang siya para makabawi sa mga ginawa sa kanya ni Leo. Ewan. Basta bigla niya na lang akong sinagot isang araw. Akala ko totoo...akala ko kahit katiting nagustuhan din niya ako,"

Naiinis ako. Anong akala ni Jesse sa sarili niya?! Aba't akala mo kung sinong maganda! Psh. Ano siya ngayon kay Kendrick? Maglaway siya! Naku!

"Wala bang ginawa si Leo dun? I mean, 'di ba sila? Hinayaan niya lang kayong dalawa?"

He shrugged and smiled again. Pilit na naman.

"Hindi ko din alam kung bakit dati. Nang malaman niya na kami na, parang wala lang sa kanya. Kaya akala ko okay na. 'Yun pala, pinlano niya lang ang lahat,"

"Pinlano? Ha?"

Nagkibit balikat lang siya sa akin at napamulsa. Tapos na ang kwento. Wow, hindi ko akalain na mag o-open up siya sa akin ng ganito. Unang beses ko na makipag kwentuhan sa kanya ng ganito ka seryoso.

"Alam ba 'to ni Belle?"

Umiling siya. Pinigilan ko naman 'yung ngiti na gustong kumawala sa mga labi ko. Pinagkakatiwalaan niya ako. Mas pinagkakatiwalaan niya ako bukod sa TG niya! Ang saya saya ko!

"Ah,"

Lumingon siya sa akin, "Salamat sa pakikinig ah,"

Lalong bumilis ang pintig ng puso ko nang higitin niya ang kamay ko at dahan-dahang yakapin ako. Iba talaga ang pakiramdam. Para akong lumulutang sa ere. Parang umiikot ang lahat sa paligid ko. Parang...parang nasa alapaap ako.

"No problem Kendrick,"

Kung wala lang siguro 'yung malakas na tunog ng hangin, maririnig niya siguro 'yung tunog ng puso ko. Sobrang ang sarap ng pakiramdam ng yakap niya. Hindi ko tuloy maiwasan na ibaon ang ulo ko sa dibdib niya. Alam ko medyo weird pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na amuyin siya. Sht. Ang manly ng amoy niya.

"Salamat din pala ulit,"

Nang kumawala ako sa pagkakayakap niya, nakita ko 'yung ngiti niya na umabot na sa mga mata niya. Hindi na pilit. Hindi na siya galit. At masaya ako dahil isa ako sa mga dahilan ng mga ngiting 'yun.

"Salamat saan?"

"Thanks for being my friend,"

~~

#BGFAG

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | To be SELF PUBLISH ON FEBRUARY 2025Where stories live. Discover now