Stealing from me is easy? Ano namang ninakaw nun? Psh. Trip nanaman niya. Ewan ko ba jan kay Shaun. Pwede ko kayang sabihin kay Denise kung anong ugali ng pinsan ko para maka-adjust siya? Hay, pero feeling ko ganun si Shaun saming dalawa lang ni Tito Stanley. Ano bang problema nun? Hindi ko na alam kung ba't ganyan yan. Dati, akala ko away bata lang ang lahat. I think there is something more grave than the reason that I have been thinking for all these years. Hay. Kung ganyan siya sakin, ano pa kayang magiging tingin niya sakin once sabihin ko na mahal ko yung girlfriend niya, matagal na panahon na?
Naligo lang ako, at nagdrive papunta sa bistro. Pagkapark ko ng kotse ko at pagpasok sa bistro, eh tumambad sakin sina Nathan, Gab at Aoi.
"Uy, Del Valle! Buti naman nandito ka na. Tingnan mo, kotse na tayo ngayon! Kanina kasi tricycle kami e, third wheel ako dito sa dalawang magjowa na to," sabi ni Gab na diring-diring tinitingnan si Nathan at Aoi na nagpapahiran ng mayonnaise sa mukha nila.
"Akala mo Nathan a! HAHAHA ^___^ UY! DREI! SALI KA DITO O!"
"F*ck! Aoi, asungot ka talaga! TSK."
At biglang pumasok sa isip ko ang humingi ng advice sa mga to. Si Gab, isang wise na tao yan. Si Nathan, hay, sa tingin ko naman may makukuha ako jan. Si Aoi naman, matalinong tao, in disguise as tanga lang minsan.
"Guys, pwedeng humingi ng advice about, ugh. Basta?" tanong ko sakanila. Automatic naman na nagdagdag si Gab ng isang upuan sa pangtatluhang lamesa.
"So, what's bothering you?" sabi ni Gab.
"Ano Drei? May stalker ka ba? Marami akong tips kung pano tugisin yang mga yan!" sumabat naman si Nathan
"Drei, sa tingin ko tama lang na nagpunta ka dito, kasi naguguluhan ka." at tong si Aoi, tumpak na tumpak as always. Is she a mind reader?
"Guys, ganto kasi. Ugh, I decided, to forget... yun, kakalimutan ko na si Den- este, Yung kababata ko."
"Huh?/YEEES!/WHAAAAAAT?!?" sabay-sabay na sabi ni Gab/Nathan/Aoi
"Are you really sure with your decision? Alam mo, ang oras, hindi na naibabalik yan..." sabi ni Gab.
"Sige lang Drei! Ihahanap pa kita ng magagandang babae. Pramis, mas maganda pa jan sa kababata mo-ARAY!" sabi ni Nathan pero nakatikim siya ng suntok kay Aoi.
Chapter 19: That Unknown Point of View
Start from the beginning
