Chapter 19
---
(Drei's POV)
"Good Morning po Sir Drei!" bati sakin nung isang maid.
"Ano pong gusto niyong kainin Sir?"
"Nako, sige na, matulog na kayo. Masyado pang maaga. Ako na ang bahala sa sarili ko. Umuwi ba si Shaun?" tanong ko dun sa maid na nagpupunas ng lamesa.
"Si Sir Shaun po? Umuwi po siya, tulog pa po e,"
"Hmm, sige."
Nagluto lang ako ng bacon at isang itlog at nag-toast ng bread. Naglagay ako ng coffee sa coffee maker at pinaandar ito. Habang napupuno ng amoy kape ang bahay, nag-iisip ako ng mga pwedeng gawin para makalimutan si Denise. Pano ko ba makakalimutan ang taong minahal ko ng ilang taon? Fate cages you instantly, destroys you, then once you surrender, it never opens up the cage and makes you find your way out. Bakit ba ganun kahirap yun? Sa simpleng pagtugtog lang ng piano niya, sa bawat ngiti niya, napamahal na ako sakanya. Paano ko kokontrahin ang pagmamahal na yun? At tama ba tong desisyon ko? Na kalimutan ko na siya... kahit umabot ako sa ganito, mahal na mahal ko pa rin si Denise. Siya pa rin ang bumubuo sakin. So, pag tinuloy ko to, parang sisirain ko na rin ang sarili ko. Oras ang kailangan ko. Baka makagawa ako ng desisyon na pagsisisihan ko.
Naudlot ang pagiisip ko dito nangm biglang kinuha ni Shaun ang milk carton sa fridge at naglagay ng gatas sa baso niya.
"Uy, Shaun, good morning."
"Psh. Just get the f*ck off MY girlfriend," sabi niya sabay lagok ng milk.
"Huh? Wala naman akong ginawa sa girlfriend mo," totoo naman e. Hindi ko naman inagaw sakanya yung girlfriend niya, kahit nakita kong sinaktan niya at binalewala.
"Alam mo Drei, I'm getting sick of you. But somehow I'm entertained because of you're, uhm, such a weakling."
"Shaun, ano nanaman yang sinasabi mo? Weakling? I was never weak, I'm doing things for the sake of everyone," isa pa yun na totoo. At teka, weakling?
"And I forgot, Slow ka rin pala."
"Pano mo naman nasabi?" I'm keeping myself calm. Parati na lang siyang ganyan, but I get the hang of it already, mahiya naman ako sa mga taong gumabay at nagpakain sakin.
"Stealing from you is so easy." sabay umalis ng kitchen at umakyat.
