Chapter 15
---
(Drei's POV)
Naglalakad kami ngayon ni Ms. Pia- este Denise papunta sa parking ng Bistro. Okay lang naman sakin- or rather- gusto ko talaga na ako ang magdrive para sa first, ugh, date? HAHA. Grabe, mamamatay na ako dito. Ilang taon kong hinintay to no? Shish. Nako, okay na ba tong suot ko? Okay na kaya tong damit na to? O mamaya amoy ulam na ako dito? Nako, yung buhok ko pala, baka magulo? Okay lang naman yung tiyan ko, hindi kaya ako magsabog ng kababalaghan dun? O baka... Okay, stop it Drei. Magiging successful to, tiwala lang! At kailangan ring mapasaya ko si Denise ngayon. Denise, pag napunta ka sakin, hindi kita palulungkutin ng gani-
"Uhm, Drei? Anong iniisip mo jan? At kanina pa tayo nakatayo sa harap ng, ugh, kotse mo ba to? ^_____^" sabi ni Denise na parang ewan.
"Ah- Hehe. Sorry."
SHOOT! Nakalimutan ko. Okay, back to reality Mr. 'Kababata ko'. Nung pinindot ko na yung button sa remote nung kotse ko, bigla naman akong kinalabit ni Denise.
"Uy Drei, hmm, mag-commute na lang kaya tayo? ^___^"
Commute? Sanay ba siya dun? Ako kasi, sanay na sanay dun! Kaibigan ko pa minsan yung mga tsuper dun e. Kaya nakakalibre ako sa pamasahe habang kinekwento ko sakanila ang masalimuot kong lovelife. Mukha pa ngang naeentertain yung ilan kung gano kamiserable yung buhay ko. -__-
"Hmm, ikaw, kung sanay k-"
Di pa ako tapos magsalita ng bigla na lang hinablot ni Denise yung kamay ko at tumakbo kami papunta sa sakayan ng bus.
Wait? Anong nangyari?
Di pa ako tapos magsalita ng bigla na lang hinablot ni Denise yung kamay ko at tumakbo kami papunta sa sakayan ng bus.
Di pa ako tapos magsalita ng bigla na lang hinablot ni Denise yung kamay ko at tumakbo kami papunta sa sakayan ng bus.
Di pa ako tapos magsalita ng bigla na lang hinablot ni Denise yung kamay ko at tumakbo kami papunta sa sakayan ng bus.
Author, pwede po bang pakiulit? (DzeyDzey's reply: Okay Drei tama na, sila parin ni Shaun. ^__^)
Sige lang Author ituloy mo lang yang pagsasadista mo sakin. -___- (DzeyDzey's reply: The pleasure's mine! ^___^)
>//////<
Siyempre, ako naman, hindi na nagpapapilit, at ako na mismo ang umuna sakanya, so ang nangyari, ako na yung humahawak sa kamay niya. Mas gusto ko tong pakiramdam na to. There is an electric shock that flows through my fingertips, as those fingertips touch her soft hand... Okay, back to reality Mr. At siyempre, aabot rin sa point na titigil tong holding hands na to.
At dumating na nga yun nung nasa bus stop na kami. Pero ba't hindi niya binibitawan yung kamay ko? Hmm, bakit kaya? Siguro... She decided to leave Shaun for me? HAHAHA. Dream on, kid. Pero, should I call her attention? BAKIT NAMAN? Krimen ba to? Holding Hands while. erm. Standing naman to a? Nothing bad about it?
