Nang matapos na siya sa mga lalaki ay babae naman ang kanyang tinawag.

"Alde, Francesca P." Natigilan si Mr. Magdale at tiningnan niya ako sa likod ng kanyang salamin.

"Present, sir!"

Nanliit ang kanyang mga mata kaya pinagtitinginan din ako ng mga kaklase ko. May ibang nagbulungbulungan pa tungkol sa pagiging bago ko dito sa Alegria.

"Taga Manila siyang Alde. Pinsan ni Theodore."

Pinaglaruan ko na lang ang ballpen ko.

"Anak ka ni Francis Alde?" Tanong niya.

"Opo."

Tumango si Mr. Magdale bago nagpatuloy sa kanyang pag chi-check ng attendance.

Hindi ko alam kung saan niya nakilala si papa o yung pamilya ko pero hindi ko na gaanong pinagtuonan iyon ng pansin. Normal naman iyon sa Alegria. Maliit na lugar lang ito kaya di malayong magkakilala lang ang mga tao.

Nang natapos ang klaseng iyon ay nagmadali na ako sa pag labas.

"Chesca!" Tawag ni Koko.

Pumikit ako at nagpatuloy sa paglalakad. Nakaka guilty. Paano ko babawiin sa kanya ang mga sinabi ko? Hindi ko alam kaya hindi ko muna siya haharapin.

Mabilis na lumipas ang mga klase ko. Wala naman akong naging problema bukod sa isang subject na agad nag quiz ang prof. Nang mag lu-lunch na ako, dumiretso na ako sa canteen. Nag iwas agad ako ng tingin nang nakita ko ang kabarkada nina Hector.

"Chesca!" Tumayo si Koko at agad akong pinuntahan.

"Hmmm?" Tanong ko habang kinukuha ang tray at pinasadahan ng tingin ang mga luto sa canteen.

"Iniiwasan mo ba ako?" Madrama niyang tanong habang sumusunod sa pagpili ko ng mga pagkain.

"Hindi, Koko."

"Kung ganun, ba't di mo ako pinapansin?"

Pinili ko ang menudo at isang cup ng kanin. Umorder din ako ng coke at agad na umupo sa isang table na walang nakaupo.

"Chesca, dun ka na umupo sa table namin." Aniya.

"Koko, dito lang ako." Seryoso kong sinabi.

Unti-unting umaliwalas ang kanyang mukha.

"Ah! Alam ko na ang gusto mong mangyari..." Ngumisi siya at umalis.

Sinundan ko siya ng tingin. Anong naisip niya? Shit lang, ha! Lumapit siya sa kanyang mga barkada para kunin ang bag niyang naroon.

"See ya later, alligater." Paalam niya.

"Oh, saan ka Koko?" Tanong nung isang babae.

"Doon na ako kay Chesca. Gusto niya atang mapag isa kaming dalawa."

WHAT? Pinilig ko ang ulo ko at napainom sa malamig na softdrinks. Anong sinasabi ni Koko? Gusto ko siyang pagsabihan. Gusto kong sabihin sa kanya ang tunay kong nararamdaman pero hindi ko magawa dahil may konting parte saking naawa sa kanya.

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon