Chapter Two - Meet up

39K 1K 10
                                    


Pakiramdam ni Elaina ay hihimatayin na siya sa kaba habang naghihintay kung paano niya makakausap si Esmeraldo. Hindi na niya mabilang kung ilang baso na ng wine ang nainom niya dahil kuha lang siya ng kuha mula sa mga dumadaang mga waiter.

"Girl, paano mo nakilala si Mr. Villaruz?" narinig niyang tanong agad ni Zeus ng makalapit sa kanya.

"Sino ba ang Mr. Villaruz na iyon?" balik tanong niya.

"Ano ka ba? Hindi mo ba kilala si Lorenzo Villaruz III? Siya ang bagong president ng POAD. Pinalitan niya si Mr. Lor Villaruz Jr. kasi 'di ba na – stroke ang matandang Villaruz," tumitirik pa ang mata ni Zeus habang sinasabi iyon.

Pakiramdam ni Elaina ay nalulon niya ang kanyang dila. Kaya pala ganoon kalakas ang loob nitong sabihin sa kanya na kaya nitong iharap si Esmeraldo sa kanya ay dahil ito ang president ng POAD.

"L – lumapit lang siya sa akin. Siguro nalaman niyang ako ang coordinator and asking me about the party," pagsisinungaling niya.

"Ang guwapo niya 'no? Naku girl, kung alam mo lang kung gaano ko pagpantasyahan 'yang si Lorenzo. Talagang nalalaglag ang panty ko kapag nakikita ko," at matinis pa itong tumili.

Natawa si Elaina sa inakto ng kaibigan. Kahit na sino kasing tao ang makakita kay Zeus ay hindi maniniwala ang mga ito na isa itong bakla. Matangkad, kalbo, malaki ang katawan na alaga sa gym at guwapo. Pero kapag nakakita ng ipis ay matinis pa sa kanya kung tumili.

"Pero girl, winner talaga ang event mo ha? Wala akong masabi. Talagang hindi ako napahiya sa management na kayo ang kinuha namin. Halos lahat enjoy na enjoy," sabi pa nito.

Ngumiti lang siya at iginala ang paningin sa paligid tapos ay tumingin sa kanyang relo. Pasado alas diyes na ng gabi. Ilang oras na lang at matatapos na rin ang event pero hindi pa niya nakakausap si Esmeraldo. Hindi na nga rin niya ito makita sa grupo ng mga tao. Gusto na niyang mainis dahil pakiramdam niya ay niloko at pinaasa lang siya ng Lorenzo Villaruz na iyon. Kasalanan din naman kasi niya. She let her guard down kaya siguro sinamantala iyon ng lalaki.

"Mam Elaina?" tila paniniguro ng isang lalaking naka – barong. Tingin niya ay body guard or member ng security.

"Yes?"

"May nagpapaabot lang po nito," sabi nito at iniabot ang isang piraso ng papel sa kanya tapos ay umalis na.

Naguguluhan man ay binuklat niya iyon.

Room 1601 Boulevard Suites Hotel. Esmeraldo Pacheco is waiting for you.

Iyon ang nabasa niya.

Hindi niya maintindihan ang biglang kaba or excitement na biglang lumukob sa kanya. Mabilis niyang itinupi ang note at isinilid sa purse na hawak tapos ay inubos ang hawak na wine.

"Zeus, I need to go early. I just need to attend an important matter. I'll let Olivia to take over," paalam niya sa kaibigan.

"Do I need to worry? Parang kinakabahan ka?" sabi nito.

Umiling – iling siya at inayos ang sarili. "Don't worry. Sandali lang naman ako and I'll be fine," sagot niya dito at umalis na.

Ilang beses ang ginawang pag inhale – exhale ni Elaina habang nasa harapan ng room 1601. Pinindot niya ang buzzer ng pinto at ilang minuto lang ay bumukas na iyon. Ang nakangiting mukha ni Esmeraldo Pacheco ang bumungad sa kanya.

"Enzo really knows my type," nakangising sabi nito habang nakatingin sa kabuuan niya. Gusto niyang masuka dahil sa paraan ng pagkakatingin nito sa kanya ay punong – puno ng pagnanasa. Nilakihan nito ang bukas ng pinto para makapasok siya.

Dire – diretso siyang pumasok at tumayo sa gitna habang nakatingin sa matandang lalaki na naupo sa kama.

"I am expecting to meet Enzo here pero biglang nagbago ang isip niya at sinabing babae daw ang papupuntahin niya dito," sabi pa nito habang nagsasalin ng alak sa baso.

"Mr. Villaruz arranged this for me to meet you personally," sabi niya.

Tumayo si Esmeraldo at lumapit sa kanya. "And what can I do for you love?" sabi pa nito.

"I am your daughter," walang gatol na sabi niya.

Kitang – kita niya ang pagkawala ng dugo sa mukha ni Esmeraldo ng marinig ang sinabi niya. Nawala ang pagnanasa na nakita niya sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Napalitan iyon ng pagkagulat. Pero maya – maya lamang ay natawa ito at napailing – iling.

"I think somebody told you a different story. I don't have a daughter. I don't even have a wife," natatawang sabi nito at muling nagsalin ng alak sa baso.

"How I wish that is true. But I am telling you. I am your daughter," sabi niya at ipinakita dito ang birthmark sa kamay na katulad ng sa kanyang ama.

Napataas ang kilay ni Esmeraldo ng makita iyon. Alam niyang totoo ang sinasabi ng babae sa kanyang harapan na anak niya ito. Nasa lahi na ng mga Pacheco na ang unang anak ay nagkakaroon ng ganoong klaseng birthmark.

"What do you want? If you think that I will fall on my knees and welcome you with open arms, you are wrong. Hindi lang ikaw ang unang beses na nagpakilalang anak ko pero wala akong pakielam. Wala kang puwang sa buhay ko. Saka bakit ka lumantad ngayon? Ano ang kailangan mo? Pera? Magkano?" matigas na sabi ni Esmeraldo.

Napangisi si Elaina. "Trust me Esmeraldo, I don't need your money. And besides I know how you feel about me and how you felt for my mother Teresa Percival," sabi pa niya.

Nakita niyang parang may naalala si Esmeraldo sa pangalan na sinabi niya. "She should have taken my advice. Binigyan ko naman siya ng pera pero talagang tanga ang babaeng iyon," sabi pa nito.

"Say another word about my mother and I am telling you, you will regret it," sa pagitan ng mga ngipin ay sambit ni Elaina. "I know who you are and what kind of person are you. Pero gusto kong makasiguro kaya gusto kong makaharap ka ng personal. Gusto kong malaman kung kasing sama ka ba talaga ng taong nagbigay ng sulat at cheke sa nanay ko and I can see that you are really a despicable person," sabi niya.

"Watch your words young lady. Hindi mo kilala kung sino ako at kung ano ang kaya kong gawin sa mga katulad mo. Kayang – kaya kitang durugin," banta nito sa kanya.

"Subukan mo. Nang mawala lahat kung anuman ang meron ka ngayon." Malamig pa sa yelo ang tinig na sumabat mula sa usapan nilang mag-ama.

CLOSER TO LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon